Sina Xinghe at Mubai ay nakasulyap na sa baluktot na kaisipan ni He Lan Yuan. Ang isa sa mga dahilan kung bakit pinili nitong mamuhay sa buwan ay marahil para maiwasan ang katotohanan.
"Nananaliksik kayo sa memory cells at DNA modification, tama?" Mahinang tanong ni Shi Jian.
Nagulat si Shi Jian. "Paano mo nalaman?"
"Sasabihin ko sa iyo ang buong detalye kapag nagkaroon ng pagkakataon." Hindi na gustong gumawi pa doon ni Xinghe sa ngayon, dahil isa itong bagay na hindi maipapaliwanag ng mabilisan.
Nakakaunawang tumango si Shi Jian. "Tama ka, nagsasaliksik kami sa dalawang teknolohiyang ito. Nakagawa na kami ng ilang progreso, pero hindi namin maabot ang tunay na tagumpay."
"Ito ba ay dahil sa gusto ni He Lan Yuan na magpalit ng bagong katawan, tama?" Tanong ni Xinghe.
Nagulat muli si Shi Jian. "Kahit iyon ay nagawa mong mahulaan… Tama ka, matagal na niyang gustong magpalit ng bagong katawan, pero sa kasamaang palad, ang pananaliksik ay natigil maraming taon na ang nakakalipas."
Sa wakas ay naintindihan na ni Sam ang lahat. "Ang inisip ko ay gusto lamang niyang pagharian ang mundo, sa bandang huli, ang pinakalayunin niya ay ang baguhin ang sarili niya, gaano ka-ganid at kinasusuklaman niya ang sarili niya?"
Seryosong sinabi ni Mubai, "Ito ay dahil sa ang kagustuhan niya ay napakatindi na nasira ang utak niya nang mawala ang kanyang pag-asa."
Tumango si Shi Jian. "Oo, hindi niya matiis na makita ang pinaghirapan niya ng buong buhay niya ay mawala na parang usok kaya nawala siya sa katinuan. Bumalik na tayo ngayon bago pa niya mapansin na nandito tayo; maaari pa din siyang maging mapanganib kapag nagwala siya."
Nawala na ang interes ng grupo ni Xinghe sa pagsusuri kay He Lan Yuan, kaya mabilis silang umalis kasama ni Shi JIan. Matapos nilang lisanin ang gusali, dinala sila ni Shi Jian sa kalapit na kabahayan para kumain.
Dahil nabaliw na si He Lan Yuan at ang base ay sasabog na, ang lahat ng nasa base ay tumigil na sa pagtatrabaho. Gayunpaman, sinabi ni Shi Jian na ang karamihan sa mga ito ay piniling manatili sa bahay at hindi sila iistorbohin. Kaya naman, wala silang nasasalubong sa kanilang pag-iikot.
Habang namamasyal sila sa residential area, ang laki ng grupo ng mga tao ay lalong dumadami. Marami na nakakapansin sa kanila ay hindi mapigilan kundi ang tumigil sa kanilang paglalakad para tingnan sila. Gayunpaman, walang lumapit sa kanila, nakatingin lamang ang mga ito sa kanila na walang interes.
Napansin nila mula kay Shi Jian at sa mga taong ito na ang kanilang mga mukha ay tila isang maskara na palaging walang pakialam, na tila ba wala silang emosyon. Marahil ay malaki ang nagawa ng kanilang walang kabuhay-buhay at mekanikal na pamumuhay.
Ang disenyo ng residential area ay may kaunting haplos ng tao. Ang mga bahay ay tila mararangal na indibidwal na villa at napakakulay ng mga ito. Nakagawa ito ng mundo na puno ng kulay. Ang kapaligiran ay maganda din ang pagkakagawa. Mayroong mga fountain at flowerbed, kahit na peke.
Kung fountain ang pag-uusapan, nagtaka si Mubai kung saan galing ang tubig na kanilang maiinom.
Nagpaliwanag si Shi Jian, "Mayroon kaming pabrika na talagang gumagawa niyan; ang tubig na ginagamit namin ay mula sa hydrogen at oxygen atoms. Nagpapadala din ng tuluy-tuloy na supply ng kemikal na elemento at pagkain ang Earth, kaya naman nabubuhay kami sa mga ito.
Nagulat muli sina Xinghe at Mubai. Nagawa na nilang makalikha ng tubig mula sa literal na manipis na hangin. Wala na halos imposible silang magagawa doon.
"Sa bawat oras na gustong maglunsad ng satellite o spaceship ng He Lan family, ang baseng ito ay tatakpan ang satellite surveillance ng Earth, tama?" Hindi maiwasan ni Xinghe na itanong.
Tumango si Shi Jian. "Oo, matagal na naming nakuha ang mga satellite ng Earth. Sa bawat pagkakataon na maglulunsad ng satellite o spaceship ang He Lan family, guguluhin namin ang surveillance kung hindi ay matagal na nila kaming nadiskubre."