webnovel

Pasalamatan Mo ang Iyong Lolo

Editor: LiberReverieGroup

Hindi lamang nila ipinakitang angat sila sa madla dahil sa kanilang anyo, kahit ang awra na nakapalibot sa kanila ay kakaiba. Ito ay isang presensiya na mula sa tiwala sa sarili, kaya imbes na sabihin ang lahat ng nasa silid ay humahanga sa kanila, sila ay napapayuko dahil sa makapangyarihan at kakaibang presensiya ng mga ito.

Kahit ang unang responde nina Tong Yan at Chui Ying nang makita ang mga ito ay hindi pagkapaniwala. Gayunpaman, mabilis na naging inggit at pagkamuhi ang mga ito!

Bilang kapwa babae, naiinggit sila sa hitsura ni Xinghe at ang gwapong lalaking nasa kanyang tabi. Ito ay dahil sa wala silang date na kasama!

Mayroong matatanong na makakasama si Chui Ying, pero wala ito sa bansa. Salamat na lamang, hindi siya ang pangunahing karakter nang gabing ito kung hindi ay nagwala na ito… tulad ni Tong Yan. Ito ang dapat na pinakapangunahing karakter ng gabing iyon, pero ang kanyang presensiya ay tuluyang nadaig ni Xinghe. Paanong hindi ito magagalit?

"Ying Ying, talaga bang gagana ang plano mo?" Tanong ni Tong Yan ng may galit.

Tumango si Chui Ying habang malamig na pinapasadahan ng kanyang mga mata si Xinghe. "Siyempre, malaki ang pabor na utang sa amin ng Shen family; gagawin nila ang lahat ng hihilingin ko."

"Perpekto! Ngayong gabi, gusto kong gawing katatawanan ng lahat ang p*ta na iyan!" Marahas na pinandilatan ni Tong Yan si Xinghe, hindi na siya makahintay na simulan ang kanilang plano.

Si Shen Ru, na nakatayo sa kanyang tabi, ay inalo siya, "Little Yan, huwag kang masyadong magpadala sa iyong sarili. Kailangan nating gawin ito ng naaayon sa plano."

"Naiintindihan ko." Tumango si Tong Yan.

Ngumiti si Shen Ru at sinabi, "Kung gayon ay gumayak ka na, puntahan mo na at pasalamatan ang iyong lolo."

Huminga ng malalim si Tong Yan, nag-alok ng isang presentableng ngiti, at naglakad patungo sa entablado. Nang dumating na siya sa entablado, natahimik na muli ang mga nasa silid, naghihintay kung ano ang gagawin niya.

Pinasadahan ng tingin ni Tong Yan ang madla at hindi sinasadyang ginaya niya ang paraan kung paano dalhin ni Xinghe ang kanyang sarili at sinabi, "Magandang gabi, ako, si Tong Yan, ay nais na pasalamatan ang lahat sa mahalaga nilang oras na dumalo sa pagdiriwang ng aking kaarawan. Una, gusto kong ipaalam sa lahat, ang pokus ng piging na ito ay hindi para ipagdiwang ang aking kaarawan kundi para pasalamatan ang Shen family sa lahat ng ginawa nila at naitulong nila sa amin ng aking ina. Sigurado akong narinig na ng lahat ang nangyari. Kami ng aking ina ay mga biktima din dahil hindi namin inaasahan ang isang aksidente na mangyayari. Masakit ito sa puso naming dalawa, pero mas nakakaramdam kami ng paumanhin sa Shen family!

"Lolo, kahit na ikaw lamang ang dumalo ngayon, ang hiling ko ay maging kinatawan ng aking ina na magsabi ng patawarin mo kami at salamat! Salamat sa taon ng iyong pagmamahal at kalinga, tatandaan namin ang kabutihan ninyo hanggang kami ay nabubuhay!"

Nasasamid at naglalandas ang luha ni Tong Yan habang nagtatalumpati. Ang ilan sa madla ay nagsimula na ding umiyak na kasama niya. Nakaupo si Elder Shen sa kanyang upuan at buong atensiyong nakikinig sa mga salita ni Tong Yan. Ang mga mata nito ay nangingislap; halata naman na natimo din ang puso niya.

Sa sandaling ito, ang lahat ay inisip na matitimo si Elder Shen ni Tong Yan at tatanggapin nitong muli si Tong Yan at Shen Ru at magiging isang makabagbag-damdamin na pagsasamang muli ang piging na iyon. Gayunpaman, ang lahat ay nagulantang sa sumusunod na pangyayari.

Matapos ng talumpati ni Tong Yan, naglakad siya pababa ng entablado at tumungo kay Elder Shen. Sa ilalim ng tingin ng lahat, bigla itong lumuhod sa harap nito!

Next chapter