webnovel

Mr. Nan Gua

Editor: LiberReverieGroup

"Ikaw…" nagalit si Lin Qian sa kanyang kabastusan. "Xia Xinghe, paano mo nagagawang maging mayabang kung wala ka namang alam."

"Iyon ang pagtawag ng isang palayok sa isang takure na maitim ito."

"Walang kwenta, may mga balidong dahilan ako na kuwestiyunin ang presensiya mo dito, dahil wala ka naman talagang alam. Sa ganoong kaso, dapat ay mag-empake ka na at lumayas at huwag nang magkunwari na isang Mr. Nan Gua dito!" Direktang pinalalayas siya ni Lin Qian sa pamamagitan ng hayagang panghahamak dito. Ang ideya ay nasa isip na ng lahat na si Xinghe ay isa lamang tagalabas doon, pero ang impresyon na ito ay lalo pang pinagtibay sa maaanghang na salita ni Lin Qian.

"Hindi mo na ito desisyon para magpasya kung ang mga tao ay isang Mr. Nan Gua o hindi. Miss Lin, manatili ka na lamang sa mga responsibilidad mo at hayaang gawin ng ibang tao ang kanilang gawain," kalmadong sagot ni Xinghe; ang pagsalakay sa kanya ni Lin Qian ay pinabayaan na lamang niya. Gayunpaman, mas malaki ang pagpapabaya niya, mas lalong nagagalit naman si Lin Qian.

"Sige, maaaring hindi ko ito desisyon, pero siguradong magiging desisyon ito ng iba!" Ibinalya ni Lin Qian ang kanyang mga kamay sa mesa at umalis sa galit. Ang hangin ay nadudumihan pa din ng nakakailang na kaguluhan.

Tumayo na din si Lu Qi. "Aalis na din kami; kung may iba pa kayong katanungan, maaari na ninyo akong personal na hanapin."

Matapos nito ay iginiya na niya si Xinghe at umalis. Ang mga natitirang doktor ay nagigitlang nagkatinginan. Hindi nila inaasahan na mauuwi sa gulo ang lahat.

Isang lalaking doktor ang napabuntung-hininga. "Mukhang hindi kailanman magkakaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga babae."

Ang ilan ay tumatango sa pagsang-ayon. Inakala nila na isa itong away na sanhi ay selos. Tanging ang senior na doktor ang nakikita ang tunay na pangyayari. Napapalatak ito, "Masyado pa kayong mga bata at masyadong simple. Hindi pa ba ninyo naririnig ang relasyon sa pagitan ng Xi family at Lin family?"

"Xi family? Mula sa City T, ano ang kinalaman nito sa kanila?"

"Ang babaeng iyon ay ang dating asawa ni Xi Mubai at nito lamang ay tinulungan niya ang Xi Empire na malamon ang Bao Hwa ng Lin family."

Ngayon ay may pagpapahalaga na sila sa sitwasyon. Ang away sa pagitan ng Bao Hwa at Xi Empire ay pambansang balita; hindi nila inaasahan na makikita ang pangunahing kalahok ng personal!

Sa sandaling iyon, ang impresyon nila kay Xinghe ay muling nagbago. Ang babaeng iyon ay hindi simple, pero ano ang ginagawa niya dito sa bahay ng presidente?

Dinala ni Lu Qi si Xinghe sa kanyang pribadong lab. Inalo niya ito, "Huwag kang mag-alala sa kung ano ang sinabi ni Lin Qian, hindi na natin dapat pang pababain ang ating mga sarili sa kanyang antas."

Mahinang nagtanong sa kanya si Xinghe, "Sa tingin mo ba ay ibababa ko ang sarili ko dahil doon?"

Naramdaman ni Lu Qi ang natatagong pandidiri ni Xinghe para kay Lin Qian.

"Kahit na, mabuti na lamang at hindi ka nagambala ng mga salita niya. Dapat ay pagtuunan na natin ng pansin ang pagtapos sa disenyo ng mekanikal na puso," nakahinga ng maluwag na sabi ni Lu Qi.

"Tama ka, kailangan na nating magtrabaho ng mabilis, pero ang mga paparating na araw ay magiging mahirap para sa iyo," mahinang paalala sa kanya ni Xinghe.

Nagtaka si Lu Qi. "Sa akin?"

"Si Lin Qian ang kumakatawan sa Lin family, kahit na ang kanyang panghuhusga ay nakadirekta sa akin, hindi naman papayag ito na hindi ka madamay. ang totoo niyan, dahil sa akin, siguradong pupuntiryahin ka din niya ng higit pa. Ang Lin family ay iisip ng mga paraan para mapaalis tayong dalawa, kaya kailangan mong mag-ingat," analisa ni Xinghe.

Nagulat si Lu Qi. Paano niya naisip ang lahat ng mga ito?

"Ang ibig mong sabihin, pupuntiryahin din ako ni Lin Qian?" Nagugulat na nagtanong si Lu Qi; ang inisip niya na ang pagsalakay ni Lin Qian ay nakatuon lamang kay Xinghe.

Next chapter