webnovel

Kahit na Gaano Katagal

Editor: LiberReverieGroup

Nanigas si Xinghe sa sinabi nito.

Lumabas iyon mula sa kung saan.

Maski si Mubai ay nasorpresa sa biglaan niyang pagtatapat.

"Masyado na ba kitang binigyan ng pressure? Ipagpaumanhin mo…" tumawa siya para mawala ang pagkailang pero naging seryoso siya. "Pero iyon ang mga salitang nanggaling sa kaibuturan ng aking puso. Hindi sila magbabago… kahit kailan. Xia Xinghe, hihintayin kita kahit na gaano pa katagal. Hindi ako susuko, kahit na ano ang mangyari."

Matapos noon, tumayo na si Mubai para umalis. Pagkatapos niyang kumuha ng ilang hakbang, narinig niya ang boses ni Xinghe sa kanyang likuran.

"Gagawin ko din ang lahat ng makakaya ko na maunawaan ang bagay na ito sa pagitan natin. Kapag tama na ang oras, bibigyan kita ng sagot."

Natigilan si Mubai. Bigla silang lumingon dito at makikita ang kagalakan sa mga mata nito, na tila nakatanggap siya ng pinakamagandang regalo sa buong mundo.

"Okay!" Masayang kumurba ang mga labi ni Mubai, ang buong katauhan nito ay nagpapakawala ng kasiyahan, "Maghihintay ako, kahit gaano pa katagal! Siyempre, hindi ibig sabihin nito na minamadali kita, ikinukunsidera ko naman ang lahat ng bagay na kailangan mong gawin, maghihintay ako habambuhay kung kinakailangan…"

Nanginig ang mga mata ni Xinghe at bahagya siyang tumango.

Kinuha nito ang lahat ng pagpipigil sa sarili ni Mubai na huwag dambahin si Xinghe at halikan ito. Hindi niya ginawa dahil alam niyang nag-iisip pa din si Xinghe kung tatanggapin siya o hindi, at ang gipitin ito ay hindi makakatulong sa kanya.

Sa kahit anong kaso, naniniwala siya na ang pinakamainam sa lahat ng bagay ay nangangailangan ng oras na umunlad at tumuo. Ganoon din ang pagtrato niya sa relasyong ito. Naniniwala siya na ang kanyang pagpapasensiya ay hindi na magtatagal ay masusuklian din.

Ganito rin ang takbo ng isip ni Xinghe. Kahit na hindi niya kailangan ang isang relasyon sa kanyang buhay, hindi naman niya aayawan ang isa. Gayunpaman, tulad ng iba pa, kailangan muna niyang magkaroon ng tiwala sa relasyong iyon. Kailangan niya ng panahon para obserbahan muna ito.

Makaluma si Xinghe sa ganitong bagay, ang kasal ay isang bagay na permanente, isang nagtatagal na pagbubuklod sa pagitan ng dalawang tao. Ang naputol niyang kasal kay Mubai ay isang hindi kasama, dahil hindi pa siya buo noon.

Sa bandang huli, maaaring mauwi siya na piliin si Mubai, pero bago ang lahat, hindi niya tatratuhin ang relasyong ito ng basta-basta. Ang pagiging maingat niya ang maaaring maging dahilan na mawalan siya ng isang magandang relasyon pero hindi niya babaguhin ang kanyang sarili para lamang makakuha ng isang lalaki.

Kaya naman, naiwan na kay Mubai na magkaroon ng pasensiya na maghintay sa kanya na magbago ang isip.

Hindi niya inaasahan na talagang gagawin nito iyon. Pinili nitong tingnan ang kanyang pananaw at irespeto ang desisyon niya na maghintay.

Kahit na, hindi nila sementuhin ang kanilang relasyon bilang magkasintahan sa araw na iyon, ay isa na itong simula. Seryosong tinatrato na ni Xinghe ang kanilang relasyon. Si Mubai, sa kanyang parte, ay ginagawa ang kanyang makakaya na manatili sa tabi niya at samahan siya.

Marahil mula sa pananaw ng iba, wala namang nangyayaring pagtatalik sa pagitan nilang dalawa pero alam nila sa kaloob-looban nila na ang kanilang kaugnayan ay umabot na sa mas malalim na antas. Nagsasalo sila sa isang ispiritwal na pagsasama, isang relasyon na mas nakakasaya kaysa sa karnal na kasiyahan…

Siyempre, hindi ibig sabihin nito na hindi na sila kumikilos. Ang bawat isa sa kanila ay mga indibidwal na mahilig gumalaw.

Sa termino ng pakikipagrelasyon, maaaring may ispiritwal na koneksiyon sila, pero sa totoong buhay, ay nagmamadali na sila sa kanilang plano. Wala, kahit na ang mga isyu sa pakikipagrelasyon, ang makakapigil sa kanila sa pag-abante.

Kinabukasan, nagsimula na silang maghanap ng kuta ng IV Syndicate, at ginugol ang kanilang lakas sa operasyon. Matapos nilang mahanap ang kuta, maaari nang i-hack ni Xinghe ang server nila para makuha ang kahit anong impormasyong kailangan nila.

Gayunpaman, sa pagkakataong iyon, isang video ang biglang lumitaw online.

Ang video ay nagpapakita ng isang hubad na babaeng nanginginig sa isang sulok ng silid. Walang lalaki sa screen, pero maririnig mo ang malalaswang tawanan ng mga ito sa likod ng camera. Nagbigay ito ng impresyon na ang mga lalaki doon ay hahalayin ang kawawa at hubad na babae.

Next chapter