"Kaya naman, kailangan ninyong maghintay. Wala na akong magagawa sa sandaling ito," walang magawang sambit ni Chui Qian.
Napasimangot si Mubai. "Ngayon, ang bawat minuto ay mahalaga, at talagang magsasayang tayo ng tatlong araw? Ang mundo ay siguradong magtatapos dahil sa kakitiran ng utak nila!"
"Kailangang gawin na natin ito ngayon, hindi na tayo maaaring mag-aksaya pa ng panahon," dagdag ni Xinghe. Kalahating buwan na lamang ang natitira mula sa palugit ni He Lan Yuan. Matapos na mapabagsak ang defense system, kailangan pa nilang mag-isip ng mga paraan para makaharap ito. Talagang nauubusan na sila ng oras, kaya hindi na nila makakayang mag-aksaya ng tatlong araw sa paghihintay.
Sumeryoso si Chui Qian at nagtanong kay Xinghe, "May kumpiyansa ka ba na magagawa mo ito?"
"Ang totoo, hindi ko masasabi na ako ay may isang daang porsiyentong tiwala, pero mayroon akong 90 porsiyentong tiwala. Isa pa, maliban sa akin, sino ang makakapagyabang ng antas ng tiwala na iyon? Kaya naman, kahit na ano pa ang resulta, kailangan ko itong subukan," seryosong sambit ni Xinghe.
Tumango si Chui Qian. "Tama ka. Okay, dahil may ganoong antas ka ng tiwala, babalik ako para subukan silang mapahinuhod, pero, sa tingin ko ay hindi ako magtatagumpay. Ang United Nations ay may limampung bansa at ang boses ko doon ay halos hindi marinig."
Dahil ang Country R ay hindi naman malaking bansa.
"Kung gayon ay isama mo ang Country Y at Hwa Xia!" Biglang sambit ni Xinghe.
Nagulat si Chui Qian. "Country Y?"
Ang Hwa Xia bilang kanyang teritoryo ay maiintindihan nila, pero bakit Country Y?
"Si Xinghe ay ang step-sister ng presidente ng aming bansa," nagmamalaking sambit ni Ali. Tumingin si Chui Qian kay XInghe na hindi makapaniwala. "Totoo?"
Tumango si Xinghe. "Totoo iyon, susubukan ko siyang kontakin, maaari tayong magtulungan."
Talagang humanga si Chui Qian kay Xinghe. Kung si Xinghe ay may suporta ng Hwa Xia, maaaring sabihin sa kanya ng mga tao na may kaugnayan ito kay Madam Presidente, pero kung si Xinghe ay ang stepsister ng presidente ng Country Y, isa talaga siyang babae na may kakayahan.
Tulad ng sinaunang Griyego, ang Country Y ay maaaring madaming panloob na digmaan, pero napakalakas nilang militar na bansa. Halos bawat isa sa mga mamamayan nila ay marunong humawak ng armas. Ang kanilang militar ay mabuti ang pagkakasanay. Kung hindi sila dumadanas ng panloob na gulo, wala sa mga bansa sa mundo ang makakatapat sa kanilang lakas militar.
Ang parehong Country Y at Hwa Xia ay may malalakas na impluwensiya sa United Nations. Kaya naman, kapag pinagsama ang kanilang suporta, ang kanilang hiling ay magiging matagumpay.
"Sige, huwag na tayong mag-aksaya pa ng oras, kontakin na natin sila ngayon!" Sabik na sambit ni Chui Qian.
Agad na kinontak ni Xinghe si Philip at ang presidente ng Hwa Xia. Matapos na makinig sa kanyang pagsusuri, payag naman ang mga ito na ibigay ang kanilang lubos na suporta. Pamilyar na sila sa kanyang kakayahan, hindi siya magyayabang ng walang dahilan.
Dahil sa ang hiling ay nagmumula sa tatlong bansa, ang United Nations ay kinailangang pumayag, at pumayag sila na subukan ni Xinghe ang kanyang swerte. Gayunpaman, nagbigay ng kondisyon si Xinghe, na kapag nagtagumpay siya, siya ang mamumuno sa operasyon. Hindi sila pinapayagang kuwestiyunin ang kanyang kilos at itapon siya palabas tulad ng isang basahang gamit na pagkatapos niyang ma-crack ang system.
Sa kritikal na panahong ito, kung sinuman ang may kakayahan ay ang mas maraming sasabihin. Kaya naman, agad na pumayag ang United Nations sa mga kagustuhan ni Xinghe. Kung talagang mahahack niya ang mga supercomputer at makakaisip ng solusyon kung paano kakalabanin si He Lan Yuan, siya na ang magiging kumandante ng operasyon.
Gayunpaman, kapag hindi niya nagawa, ay aalisan siya ng lahat ng kapangyarihang mayroon siya.