webnovel

Si Feng Saohuang ay Parating

Editor: LiberReverieGroup

"Mula sa mga impormasyon, dapat ay nanumbalik na ang kanyang alaala kalahating taon na ang nakakaraan, tingnan mo na lamang kung ano ang mga ginawa niya mula noon."

Binasa ni Sun Yu ang dokumento at nakita ang mga natapos gawin ni Xinghe: Natalo ang Chui Corps, nagbukas ng kanyang sariling kumpanya, nagdisenyo ng perpektong artificial limb. Kahit ang pagkasira ng Chu family ay may kaugnayan sa kanya sa ilang pamamaraan. Ang bawat isa sa mga bagay na ginawa niyang ito ay kahanga-hanga at nagawa niya ang lahat ng ito ng mabilis at sunud-sunod. Hindi man kilala ni Sun Yu si Xinghe pero naiinggit man ay kailangan niyang tanggapin na hindi ito isang simpleng tao, o kaya naman, ay isang tao na kailangan ng kanilang pag-iingat.

Binabaan ni Sun Yu ang kanyang boses at nagtanong, "Boss, gusto mo bang kami na ang bahalang umayos sa kanya?"

Malamig na sumagot si Saohuang, "Bakit sa tingin mo siya nakatira sa kampo militar?"

"Pinangangalagaan niya ang kanyang kaligtasan laban sa atin?"

"Kung hindi siya, malamang ay si Munan. Kaya naman, masyado pang maaga para sabihin kung ang babaeng ito ay banta sa atin o hindi. Sa tingin ko ay oras na ito para malaman natin."

"Hayaan mo na ako ang gumawa, titingnan ko kung gaano kalakas ang babaeng ito!" May panghahamak na sinabi ni Sun Yu. Maaaring mahusay si Xinghe pero inisip niya na hindi pa din ito magiging mahusay tulad niya. Ang kanyang kakayahan ay halos walang kakumpetensiya sa buong mundo. Isa pa, ito ay isa lamang babae, hindi isang tao na dapat na ipag-alala niya.

Gusto ding subukan ni Saohuang si Xinghe. Agad niyang ipinatawag ang ilang tauhan dahil gusto niyang dalawin ang kampo ni Munan.

Hindi nagtagal, natanggap ng partido ni Munan ang balita.

"Pupunta dito si Feng Saohuang," sabi ni Munan sa kanyang mga adjutante.

Nanlaki ang mga mata ni Yan Lu sa galit. "Bakit?!"

Sa ibabaw, isa itong friendly competition pero alam nila na isa talaga itong digmaan hanggang sa kamatayan. Kaya naman, wala ni isa sa kanila ang malugod na tatanggap kay Saohuang, kaya bakit naman nagpupumilit itong pumunta dito?

Walang tuwa na napatawa si Munan. "Natural, dahil sa nag-aalala siya. Tila isasama niya ang kanyang mga tauhan para makipag-usap sa ating tech team."

"So, nandito siya para subukan si Miss Xia," isang matalinong adjutant ang nagmungkahi.

Tumango si Munan. "Ganoon din ang tingin ko."

Dahil ang kanilang pag-unlad ay malaki ang itinaas mula ng dumating si Xinghe. Marahil ay narinig din ito ni Saohuang.

Napasuntok sa mesa si Yan Lu at sinabi, "Hayaan ninyo silang pumunta! Ipapatikim natin sa kanila ang ating lakas; ipapakita natin sa kanila na hindi tayo madaling matalo!"

Kalmadong nagsalita si Munan, "Pag-usapan natin ng maigi kung ano ang gagawin natin. Maging alerto kayong lahat kapag nandito na sila bukas."

"Yes, sir!"

Matapos ang pagpupulong, nagpunta si Munan kay Xinghe para pag-usapan ang mga bagay. Gusto din niyang makuha ang opinyon ni Xinghe. Baka sakali ay may ibang pananaw ito.

Matapos siyang pakinggan nito, imbes na sumagot ay nagtanong si Xinghe, "Imumungkahi kaya ulit ni Feng Saohuang ang isa pang friendly competition?"

Tumango si Munan. "Posible, kahit hindi niya gawin, ako ang hahamon. May limitadong oras pa para sa aktwal na kompetisyon, kailangan naming hamunin ang isa't isa para magawa ng mga pagbabago."

Tulad ng huli, kung hindi si Saohuang ang humamon sa kanila, hindi malalaman ni Munan na nahuhuli na sila ng husto.

Nang matapos na ang unang kompetisyon, ang parehong partido ay magiging mas maingat na.

Sa panahong ito, ang kanilang tech team ay nagmumukhang mas mahusay kaysa sa grupo ni Saohuang. Base sa ugali ni Saohuang, hindi ito mauupo lamang at hahayaang magpatuloy ito.

Tumango si Xinghe. Nauunawaan na niya ang lahat.

"Sa madaling salita, ang susunod na kompetisyon ay hindi maiiwasan."

Umiling si Munan. "Hindi iyan eksaktong tama, Big Sister Xia. Ang susunod na mga kompetisyon ay hindi maiiwasan. Palaging magkakaroon ng higit sa isa."

Next chapter