Ang layunin niya sa buhay ay maging sapat ang kanyang lakas para maipagtanggol ang mga mahal niya sa buhay, lalo na si Xinghe.
Kung isa itong agila na ipinanganak para lumipad sa malawak na langit, hindi siya magiging kadena na magtatali dito, pero magpapatrolya siya sa himpapawid para hayaan itong lumipad ng malaya!
…
Ang Country R ay kapitbahay ng Hwa Xia. May pareho silang pinanggalingan at pareho din ang kanilang kultura. Kaya naman, kahit na nasa Country R sila, tila ba hindi sila umalis sa Hwa Xia. Ang tanging bagay na ipinagkaiba nila ay ang pagkakaiba sa salita at nasusulat na lengguwahe.
Gayunpaman, hindi na ito isyu para kay Xinghe dahil sa kanyang ikinagulat, sina Ali at ang iba pa ay mahusay sa maraming lengguwahe.
Nakangiting nagpaliwanag si Ali, "Ang masasabi ko na lamang ay ito ang aming ipinagmamalaki. Wala kang masyadong matututunan sa Country Y, pero ang kaalaman sa armas at lengguwahe ay libreng leksiyon kapag nagbigay ka ng sapat na atensiyon."
Dahil ang Country Y ay isang bansang nahahati ng digmaan, mayroon itong kumplikadong populasyon kung saan nahayaan sila na makipag-ugnayan sa mga tao ng iba't ibang nasyonalidad. Mas napadali nito ang mga bagay para sa kanila.
gayunpaman, wala pa din siyang eksaktong plano na naiisip. Ang kanyang pinakalayunin ay ang mahanap ang ikalawang anak na babae ng Shen family at ang imbestigahan ang relasyon sa pagitan ng He Lan family at Project Galaxy. Magdedesisyon na siya matapos na makita niya ang mga pangyayari.
Hindi nagtagal at lumapag ang eroplano sa Country R. Ang He Lan family ay nasabihan ng Shen family ng kanilang pagdating, kaya naman may mga taong naghihintay sa kanila sa airport.
Gayunpaman, hindi inaasahan ni Xinghe na ang taong ipapadala ng mga ito ay isang taong napakaimportante.
"Ako ang first young master ng He Lan family, si He Lan Qi. Ako ang kumakatawan sa buong He Lan family sa pagtanggap sa lahat dito sa Country R." Isang matangkad at makisig na lalaki ang magalang na nagpakilala sa kanila sa grupo ni Xinghe.
Nasorpresa sila na ipapadala ng He Lan family ang future head ng kanilang pamilya para sunduin sila. Halos kaedaran nila ito, siguro ay may ilang taon pa ang tanda. Ang kanyang paglitaw sa airport ay nagpakita ng pagpapahalaga ng He Lan family sa kanila.
Hindi din sila masyadong nailang dahil sa halos magkaka-edad lamang sila. Magalang ding ipinakilala ni Xinghe ang kanyang sarili, "Mr. He Lan, ikinagagalak kitang makilala, ako ang step granddaughter ni Elder Shen. Narito ako bilang kinatawan niya para hanapin ang nawawala niyang anak. Aasa kami ng husto sa tulong mo, kaya nagpapasalamat na ako sa iyo ngayon pa lamang."
Mabait na ngumiti si He Lan Qi. "So, ikaw si Miss Xia. Pakiusap ay tawagin mo na lamang ako sa pangalan ko sa hinaharap, masyadong nakakailang ang Mr. He Lan. Pero paano naman ang tawag ko kay Miss Xia, maaari ko bang malaman ang buong pangalan ni Miss Xia?"
Bago pa dumating si Xinghe, sinabi niya kay Elder Shen na ang apelyido niya ang ibigay at hindi ang buo niyang pangalan. Naghihintay siya sa sandaling ito.
Sinalubong ni Xinghe ang mga mata nito at mabagal na sinabi ang mga sumusunod, "Xinghe, ang pangalan ko ay Xia Xinghe."
Nakita ni Xinghe na gumuhit ang pagkabigla at sorpresa sa mga mata ni He Lan Qi!
Gayunpaman, mabilis itong nakabawi, ang totoo, nagkunwari pa ito na nasorpresa at suminghap, "Kakaiba naman ang pangalan mo. Wala pa akong naririnig na ganyang pangalan. Gayunpaman, bagay sa iyo ang pangalan mo, lalo na't nakikita ko ang nagniningning na kalawakan sa iyong mga mata."
Ipinanganak si He Lan Qi na magaling magsalita. Idagdag pa ang kanyang kakisigan at kakaibang katauhan, kung gugustuhin niya, ay maaakit niya ang kahit na sinong babae. Ito ang ginagawa niya kahit na kakikita pa lamang niya kay Xinghe.