webnovel

Ipinagkanulo na Niya Kayo

Editor: LiberReverieGroup

Suminghal si Wu Rong kay Xinghe, "You b*tch, ang lakas ng loob mong saktan ang anak ko!"

Tumayo siya gamit ang suporta ng isang upuan na kanya namang binuhat at ihinataw kay Xinghe.

Ekspertong iniwasan naman ito ni Xinghe at gumanti ng isa pang sipa. Napahiga sa sahig si Wu Rong at ang upuan na nasa kanyang mga kamay ay bumagsak ng gahibla ang layo sa kanyang ulunan.

"Mom, ayos ka lang ba?!" Gumapang si Wushuang patungo sa kanya at mabilis na nagtanong.

Iniupo ni Wu Rong ang sarili at sumagot sa nagtatangis na ngipin. "Ayos lang ako! Wushuang, tumawag ka ng mga pulis! Nagte-tresspassing ang pesteng ito at sinaktan tayo. Tumawag ka ng pulis at ipaaresto siya!"

"Tama…" agad na inilabas ni Wushuang ang kanyang telepono at mabilis na nag-dial ng numero ng mga pulis.

Sa oras na ito ay si Xinghe ang nagkamali. Nasa mali siya ngayon. Kaya wala ng pagkakataon na malulusutan pa niya ito!

Kahit na nasaktan ng kaunti si Wushuang ngayon, masaya ang puso niya.

Dahil mayroon na silang kongkretong ebidensiya na magagamit nila laban kay Xinghe…

"Tumatawag kayo ng pulis para isuplong ang mga sarili ninyo?" Sarkastikong komento ni Xinghe.

Nanigas ang mga daliri ni Wushuang sa ere at natigilang tumitig si Wu Rong sa kanya. "Ano ang ibig mong sabihin?!"

Mabagal na lumapit si Xinghe at malamig na tumawa. "Simple lang ang ibig kong sabihin. Ang katotohanan na nagsabwatan kayo ng mass murder ay nalantad na."

Hindi makapaniwalang nagkatitigan sina Wushuang at Wu Rong.

Nalantad na?

Pero paano?

Ang paraan ng pagkakasabi ni Xinghe sa mga salitang iyon ay nangangahulugang hindi sila nito nilalansi.

Ngunit, hindi naman sila ipapagkanulo ni Black Three kahit anong mangyari. . .

May tiwala si Wu Rong doon. Pahamon niyang sinabi, "Anong sabwatan sa mass murder?! Xia Xinghe, isa iyang kasinungalingan! Kung hindi ka makakapagdala ng ebidensiya, ihahabla kita ng libelo!"

"Oo, tama, b*tch, ipakita mo ang ebidensiya mo kung kaya mo!" Sulsol ni Wushuang.

Ang kanilang plano ay itatwa ang kanilang koneksiyon sa lahat at sa kahit na ano.

Patuyang ngumiti si Xinghe. "Sa tingin mo ay pumunta ako rito ng walang ebidensiya? Wu Rong, sinabi na sa amin ni Black Three ang lahat. Ikaw ang may pakana ng aksidente noon at ikaw rin ang may pakana ng planong pagpatay ngayong gabi. Ipinagkanulo na niya kayo."

"Imposible iyan…" agad na namutla ang mukha ni Wu Rong. Tumutol siya sa nanginginig na boses, "Wala akong kilalang Black One, Two, o Three, at siguradong hindi ako kasali sa kanyang mga ilegal na gawain! Xia Xinghe, dahil mo siya rito para kumprontahin ako o ihahabla kita hanggang kamatayan!"

Sigurado si Wu Rong na hindi sila ipapagkanulo ni Black Three. Sinabi na nito sa kanya ito ng personal.

Mas gugustuhin pa nitong mamatay kaysa may mangyari pa sa kanyang pinakamamahal na 'anak'.

Kaya naman, baka binibitag na sila ni Xinghe.

Hindi ako dapat na mahulog dito!

Tila ba naririnig nito ang mga iniisip niya, sinabi ni Xinghe, "Naniniwala ka bang mas nanaisin pa niyang mamatay kaysa ang ipagkanulo ka?"

"…"

"Too bad, alam na niya ang buong katotohanan pati na ang mga kasinungalingan mo sa kanya. Alam na niyang si Xia Wushuang ay hindi niya tunay na anak!"

Pakiramdam ni Wu Rong ay may kung anong sumabog sa kanyang ulo. Ang kanyang isipan ay gulung-gulo at nagpakalat-kalat sa buong lugar na iyon.

Ano ang sinabi ni Xia Xinghe?

Alam na ni Black Three ang katotohanan?

Pero paano…

Hindi ito totoo. Paano niya biglang nalaman ang tungkol dito?

"Hindi, wala akong alam tungkol sa sinasabi mo. Xia Xinghe, puro kalokohan ang pinagsasasabi mo!" Umiling-iling si Wu Rong ng paulit-ulit pero ang katotohanan ay makikita na sa kanyang mukhang puno ng pag-aalala.

"Iniisip mo ba kung paano niya nalaman ang katotohanan? Tutulungan kitang masagot iyan. Ipinakita ko ito sa kanya. Nakuha ko ang record na nagpakitang nasuhulan mo ang doktor para pekein ang kanyang paternity test. Dumaan kami sa bahay ng doktor na iyon bago pumunta rito at ginamit ni Black Three ang kanyang mga paraan para makuha ang kumpirmasyon ng doktor."

Next chapter