Ipinakikita ng tono ni Elder Xi ang kanyang malungkot na mood. "Okay, naiintindihan ko. Hahanap ako ng paraan para mailigtas siya agad. Kung may anumang update, tawagan mo ako."
"Okay," pangako ni Cairn bago pinutol ang tawag.
Nang naghahanda na si Elder Xi para tawagan ang presidente, isa pang tawag ang kanyang natanggap. Mula ito sa ospital. Tumigil ang puso ni Elder Xi, natatakot na baka isa itong masamang balita tungkol kay Mubai. Pinindot niya ang accept call button nang may nanginginig na kamay.
Ang masayang boses ng doktor ang pumailanlang. "Elder Xi, binabati po namin kayo. Gising na si Young Master Xi!"
Napatayo sa kasiyahan si Elder Xi. "Ano ang sinabi mo?!"
"Gising na si Young Master Xi; sa wakas ay gising na siya!"
…
Isa itong magandang balita para sa Xi family. Agad na nagpunta sila sa ospital at isang may malay na Mubai ang bumati sa kanila.
Kahit na kagigising lamang nito, ang mga mata nito ay matalim na tila isang pako. Nakasandal ito sa ulunan ng kama, ang kaluluwa nito ay kagigising lamang mula sa isang mahimbing na pagkakatulog. Tila ba ang mga nakaraang buwan ay hindi nangyari sa kanya.
Napaiyak si Ginang Xi at niyakap siya. "Mubai, sa wakas ay gising ka na! Matagal nang hinihintay ng Mommy ang pagkakataong ito."
Sinulyapan ni Mubai ang mga taong nakapaligid pero hindi niya nakita si Xinghe na kasama ng mga ito. Kahit na si Xinghe ay nailigtas mula sa pagsabog, hindi pa din niya mapigilang mag-alala hanggang nakikita niya ito ng personal.
"Nasaan si Xinghe?" Binuksan ni Mubai ang kanyang bibig para magtanong.
Nahihirapang sumagot si Elder Xi, "Dahil nagising ka na, may karapatan ka nang malaman. Ilang sandali pa lamang ang nakakaraan, may nangyari sa kanya."
Nanlaki ang mga mata ni Mubai at ang tono nito ay bumaba ng ilang antas. "Lolo, ano ang sinabi mo?"
"Mubai, maraming bagay ang nangyari habang wala ka pang malay…" at ikinuwento na ni Elder Xi kay Mubai ang mga pangyayari.
Nang matapos siya, napabuntung-hininga ito. "Wala na kaming magagawa kundi hayaan siyang pumunta na mag-isa sa City A, hindi namin inisip na bigla na lamang ito mawawala tulad nito. Ang duda namin ay dinukot siya, pero huwag kang mag-alala, nakontak ko na ang presidente at nangako itong ipapadala ang mga tauhan para hanapin siya."
Pero kahit pa, hindi maipahinga ni Mubai ang pusong mabilis ang tibok. Naupo siya at tinanggal ang mga kumot.
Pinigilan agad siya ni Ginang Xi. "Mubai, ano ang ginagawa mo?"
"Pupunta ako sa City A!" Sagot ni Mubai ng may matinding determinasyon. Nagulat ang lahat nang nandoon.
"Hindi mo ito pwedeng gawin. Kakagising mo pa lamang, hindi mo maaaring bigyan ng pressure agad ang iyong katawan. Hahanap tayo ng paraan para maresolba ang isyu ni Xinghe, kailangan mo lamang na manatili dito," payo sa kanya ni Elder Xi.
Ang maiitim na mata ni Mubai ang sumalubong sa kanya at ang mga makapangyarihang salita ay lumabas sa bibig nito, "Lolo, ikaw na ang nagsabi na may masamang nangyari sa kanya, kaya paano mo inaasahan na mananatili akong nakaupo dito sa ospital? Kailangan kong pumunta sa City A. Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa kanya kundi ay isang malaking pagsasayang na ibalik sa akin ang buhay kong ito!"
Ano?
Si Elder Xi at ang iba pa ay natigilan at hindi makapagsalita. Kung may mangyari kay Xinghe, isusuko din ni Mubai ang panibagong buhay din niya…?
Sa wakas ay naintindihan na nila ang kagustuhan nito at hindi na pinigilan pa ito. Tumawag ng isang pribadong jet si Mubai at lumipad patungo sa City A.
Walang ideya si Xinghe na paparating na ito; lumalaban pa din siya para humanap ng paraan na iligtas ang sarili.
Ang Lin familya ay wala ding kaalam-alam na parating na din ito.
Isang bagyo ang paparating na sa City A. Gayunpaman, hindi pa din alam kung sino ang mananatili kapag napawi na ang mga ulap at kung sino ang mawawala sa bagyo...