webnovel

Itaas ang Iyong mga Kamay

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Ito ay dahil sa pagtatanong ng mga tanong na iyon ay magpapakita lamang ng kanilang galit laban sa Hwa Xia. Hindi nito bibigyan ng magandang imahe ang kannilang bansa sa harap ng buong mundo.

Sa sorpresa ng lahat, ang sagot ni Xinghe ay matibay at nagawa nitong maresolba ang napakaraming isyu ng minsanan. Ang mga reporter ay naguluhan habang libo-libong ilaw ng mga camera ang patuloy na kumikislap sa harap nito.

Si Ambassador Zhou at ang grupo nito ay nagulat bago ito nagbago para maging katuwaan at pagmamalaki. Ang sagot ni Xinghe ay walang mali na sinabi niya sa lengguwahe ng Country W ay perpekto. Doon naintindihan ni Ambassador Zhou kung bakit bigla at walang abiso ang pagkakatalaga ni Xinghe. Napakahusay ng babaeng ito na walang katapusan ang panghalina.

Sa kabilang silid, may isang babae na hindi maganda ang nararamdaman. Kahit na pumapalakpak si Tong Liang, sa loob-loob nito, ang kanyang puso ay pinaghalong pagkabigla at lungkot. Hindi niya inaasahan ang sagot ni Xinghe; ang babaeng ito ay talagang kakaiba! Tila imposible sa kanya na mapain sa kahit na ano pang mga tanong ngayon. Hindi magiging madali na sirain ang pangalan ng Hwa Xia.

Tama ang sapantaha ni Tong Liang. Nagawang sagutin ni Xinghe ang sunud-sunod na mga tanong ng mga mamamahayag, at sinadya niyang piliin ang tanong mula sa iba't ibang mga bansa.

Tila galit sa kanya ang Country C at Country L. Ang mga mamamahayag nito ay ginamit ang sarili nilang lengguwahe para ibigay ang kanilang tanong, na may diin. Gayunpaman, nagawang sumagot ni Xinghe gamit ang mga lengguwahe ng Country C at Country L para sagutin ang kanilang mga tanong. Mahusay siya sa napakaraming banyagang lengguwahe!

Hindi lamang iyon, ang kanyang mga sagot ay perpekto, at mula sa simula, nagawa niyang mapanatili ang kanyang pagiging kalmado; ang presensiya niya ng mag-isa ay sapat na para mapahanga ang marami, at ito ay bago pa isama ang kanyang nakakahalinang palitan ng salita sa mga mamamahayag.

Hanggang sa isang mamamahayag ay nagawang magtanong sa kanya na nagawang mapahanga ng kanyang imahe ang lahat ng naroroon at ang buong mundo.

"Miss Xia, naitalaga ka bilang isang embahador sa murang edad at biglaan itong nangyari. Nais ko ho sanang itanong ng may paggalang kung may natatagong transaksiyon bang nangyari na hindi namin alam? May kumpiyansa ka ba na magagawa mong kumbinsihin ang lahat na makipagtulungan sa iyo?" Isinatinig ng mamamahayag ang suspetsa na nasa isip ng lahat. Normal lamang na magkaroon ng duda kay Xinghe, na isang babae na biglaang naitalaga sa isang maimpluwensiyang posisyon ng basta-basta.

Maliban sa iba pang personal na nakakakilala sa kanya, ang iba pa ay magkakaroon ng pagdududa. Kaya naman, nang maibato ang tanong na ito, ang media ay nanatiling tahimik, na naghihintay ng kanyang sagot. Ang mga mamamayang nanonood sa kanila sa buong mundo ay naghihintay din ng may pagpipigil sa kanilang paghinga. Nais din nilang malaman kung paano sasagutin ni Xinghe ang sensitibo at may anghang na tanong na ito.

Ang tanong ay may katotohanan dito; ang kanyang pagkakatalaga ay talagang biglaan, at napakabata pa nga niya.

Sasabat na sana si Ambassador Zhou ng magtanong si Xinghe sa lahat doon sa malinaw na tinig, "Gusto kong itanong, sino dito ang may duda sa abilidad ko? Pakitaas ang inyong mga kamay!"

Ang mga tao doon ay nagitla. Walang nangahas na itaas ang kanilang mga kamay.

Hinarap ni Xinghe ang mamamahayag at ngumiti. "Nasagot ko na ang iyong tanong. Salamat po."

Masigabong palakpakan na naman ang pumailanlang. Ang mga nanonood sa harap ng telebisyon ay sumali na din, lalo na sa mga mula sa Hwa Xia; ipinagbunyi nila ito. Ang sagot ni Xinghe ay maganda, malakas, at nakakabilib!

Nalutas niya ang isang pandaigdigang krisis, ang pinakamahusay na computer scientist na noon lamang nakita ng buong mundo, at nagawang harapin ang press conference na ito ng may karangalan at husay.

Sino ang mangangahas na pagdudahan siya? Sino ang mangangahas na sabihing isa itong babaeng walang talento na umaasa lamang sa kanyang hitsura para makuha ang posisyon?

ตอนถัดไป