webnovel

Pagkawala ng Pagiging Makatao

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Tila nararamdaman ang nalalapit na panganib, nagkagulo ang mga babae, nagpupumiglas sa mga mahigpit na pagkakahawak ng mga lalaki habang sumisigaw at umiiyak ang mga ito ng walang kontrol. Ang grupo ng mga kalalakihan ay hindi inaasahan ang marahas na pagtutol ng mga ito, na nagresulta sa ilang babaeng nakatakas mula sa kanilang pagkakahawak. Gayunpaman, hindi sila nagalit, bagkus ay tuwang-tuwa silang nagtawanan. Ipinagpatuloy nila ang larong habulan ng isang pusa at daga. Patuloy na nagpupumiglas ang mga babae, na nagpagulo sa buong silid.

Ang tawa at pagmumura ng mga lalaki na may halo ng sigawan at iyakan ng mga babae ay napakalakas, sapat na para mapabagsak ang bubungan.

Ag ilan sa mga lalaki ay dumeretso na para gawin ang bagay na iyon, dinaganan ang mga babae gamit ang kanilang katawan. Ang mga babaeng inaabuso ay nanlalaban ng husto pero kapag higit ang kanilang panlalaban, mas nawawalan ng awa ang mga lalaki…

Nawala na ang pagiging tao ng mga lalaki. Ang ilan sa mga ito ay hinaltak ang mga ulo ng mga babae at iniuumpog ang mga ito sa pader o sa sahig, nilalapastangan sila ng pasimbolo at literal.

Ang isa sa kanila ay hindi sinunod ang utos ng pinuno at marahas na nilundag si Xinghe. "Lumayas ka—" sinipa siya ni Xinghe, ang hindi inaasahang sipa ay nagpasirko sa lalaki sa sahig.

"F*ck, p*ta, pagbabayaran mo ang ginawa mo!" Ang galit na lalaki ay muling lumapit kay Xinghe. Sa oras na ito, pinigilan niya ang mga hita ni Xinghe at nagsimulang sirain ang mga damit ni Xinghe habang ang kanyang kabilang kamay ay patuloy ang pagsampal dito para mapasunod ito.

Sa sandaling iyon, ang isang sigaw ng lalaki ang pumailanlang sa madla. Ang lahat ay natigilan sa biglaang sigaw. Matapos noon, nakakita sila ng isang babaeng maiksi ang buhok na may Asyanong mukha, gamit ang isang manipis na labahang pang-ahit para gilitin ang leeg ng lalaking umaatake sa kanya. Hawak ng lalaki ang sugat sa leeg habang nanlalaki ang mga matang hindi makapaniwala. Hindi niya inaasahan na ang isang babaeng walang laban ay magiging mabilis at walang awa…

Sobrang bilis, na wala na siyang pagkakataon na ipagtanggol ang sarili niya. Gayunpaman, huli na para magsisi. Isang ugat ang nasira, ang sakit ang nagpalaki ng kanyang mga mata sa takot. Galit niyang tiningnan ang babae sa kanyang harapan, ang mga mata niya ay nag-aalab ng kagustuhang pumatay. Gayunpaman, sa sumunod na segundo, lumagapak na siya sa sahig na tila isang basang labada.

Patay na siya…

Nahimasmasan na ang iba pang mga lalaki, at inilabas na nila ang kanilang mga baril.

"F*ck, patayin ninyo siya!" Isa sa mga lalaki ang galit na sumigaw. Ang babaeng may maiksing buhok ay bahagyang umatras para dumepensa, tinititigan ang mga umaatake sa kanya gamit ang isang pares ng mga mapaghiganting mga mata. Ilang minuto bago pa nila pindutin ang gatilyo, nakarinig na sila ng putukan ng mga baril na nagmumula sa labas. Nagbigay na naman ito ng panibagong pagkagulat sa madla. Bago pa sila makabawi, sunud-sunod na putukan ang narinig.

"Sh*t, inaatake tayo!" May sumigaw mula sa labas. Nagbago ang mukha ng mga lalaki na nasa loob, iniwanan nila ang mga babae at nagmamadaling lumabas.

Gayunpaman, sa huling minuto, isa sa mga lalaki ang tumigil at bumalik, ang baril niya ay nakatutok sa ulo ng babaeng may maiksing buhok.

Ang babaeng nakahinga ng maluwag ay biglang kinabahan at ang mukha niya ay namutla. Kinakitaan ng masamang ngiti ang mukha ng lalaki habang ang daliri nito ay unti-unting pinipisil ang gatilyo…

Nagtagumpay ang putok pero nagmintis ito dahil sinunggaban ni Xinghe ang lalaki sa huling minuto. Ang babaeng may maiksing buhok ay nasorpresa na may tutulong sa kanya. Gayunpaman, mabilis itong nakabawi at nilusob din ang lalaki.

ตอนถัดไป