webnovel

Nasaan ang Babae

Editor: LiberReverieGroup

Bago pa nakatapos si Charlie, napatigil siya ng dalawang sundalo. Wala sa kanila ang nanlaban…

Nasisiyahang tumango si Barron. Tiningnan niyang lahat ang mga ito at mayabang na tumawa. "Huwag kang mag-alala, Charlie, hindi ko sila papatayin hanggang nakikipagtulungan ka sa akin."

Alam ni Charlie na nasukol na siya ni Barron doon, at kailangan na niyang magsalita.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Barron at nag-utos, "Ikulong silang lahat at bantayang maigi. Huwag mag-alinlangang bugbugin sila kapag matigas ang kanilang ulo! Dalhin ninyo kasama natin si Charlie!"

"Yes, sir!" Sagot ng mga sundalo.

"Barron, saan mo dadalhin si Charlie?" Tanong ni Sam. Ang sagot na nakuha niya mula kay Barron ay isang suntok sa mukha. Ang suntok na ito ay halos bumasag sa ngipin ni Sam; dumura siya ng dugo.

Tila isang alakdan na nakatitig sa kanya si Barron. "Sino ka ba para magtanong sa akin? Isa pang salita mula sa iyo at mamamatay ang mga tao mo!"

Nagtangis ang mga ngipin ni Sam at pinandilatan ito. Nagsimula na namang tumawa si Barron. Binilang niya ang mga ito at nagtanong ng may malaswang ngiti, "Nasaan ang isa pa? Nasaan ang babae? Kung kahit sino sa inyo ang handang magsabi sa akin, maaari kong ikunsidera na huwag kayong pahirapan."

"Hindi ko alam!" Malamig na sagot ni Wolf, walang makikitang takot sa mga mata nito.

Nanlamig ang ngiti ni Barron. "Tatanungin ko kayong muli, nasaan ang babae?"

"Hindi namin alam kung ano ang sinasabi mo." Ngumisi si Sam. "Barron, kami ay nahuli kaya handa kaming mamatay!"

"Makikita natin." Utos ni Barron, "Ikadena silang lahat at kuhanin mula sa kanila ang lokasyon ng babae sa kahit anong paraan!"

"Yes, sir!" Ang grupo ng mga sundalo ay dinala na sila paalis. Tumawa si Barron, nasisiyahan sa nangyari. Dahil ang grupo ay kanya nang nahuli; marami pa siyang oras para trabahuhin ang mga ito. Ngayon, kailangan niyang pagtuunan ng pansin si Charlie na makipagtulungan sa kanya ito sa harap ni Philip.

Ang grupo ni Sam ay nakakadena sa mga poste ng piitan. Ang naghihintay sa kanila ay walang katapusang pagpapahirap…

Nakatingin pa din si Xinghe sa surveillance. Matapos na mahuli ang grupo ni Sam, nakalap niya ang lahat ng makikita niya tungkol kay Barron. Umaasa siya na makakakita siya ng ginawang kasamaan nito.

Ang huling salita niya sa grupo ni Sam bago sila maghiwalay ay, "Magpakatatag kayo diyan, hahanap ako ng paraan para iligtas kayong lahat!"

Ang grupo ni Sam ay nakaramdam ng pag-asa pagkarinig ng kanyang mga salita, pero hindi sila nangahas na masyadong umasa. Ang kanilang tanging hiling ay hindi siya mahuli kung hindi ay talagang katapusan na nilang lahat…

Ang mga tauhan ni Philip ay nagbabantay sa labas ng malaking drawing room. Maliban kay Philip at sa misteryosong lalaki, ang silid ay binabantayan ng may karamihang bilang ng matitipunong sundalo. Kahit na isa itong kampo militar, ang seguridad ni Philip ay hindi nagpabaya.

"Kakagaling mo pa lamang, hindi naman kailangan na magmadali, bakit hindi ka muna magpahinga ng ilang araw?" Payo ni Philip sa lalaki.

"Ayos lamang ako," sagot ng lalaki habang pinapagana ang kanyang laptop, "Kailangang mahanap ko siya sa lalong madaling panahon."

Tumango si Philip. "Huwag kang mag-alala, ipinadala ko na ang mga tauhan ko para hanapin ang babaeng ito. Sigurado akong hindi magtatagal ay mahahanap din siya."

Tumango ang lalaki habang patuloy itong nagtatrabaho gamit ang laptop. Naghahanap siya ng mga palantandaan online.

Next chapter