webnovel

Ang Kapatid na Babae ni Charlie

Editor: LiberReverieGroup

"Pero…" may gustong sabihin si Ali pero hinila ni Xinghe ang manggas nito. Bumaling sa kanya ito ng may nagtatanong na tingin. Bahagyang umiling ito sa kanya, sinasabi kay Ali na huwag gumawa ng kahit na ano. Sa ibang kadahilanan, nagdesisyon si Ali na sundin ang payo ni Xinghe. Gayon din ang inisip ni Sam: ang manatili doon ay magdudulot lamang sa kanila ng mas malaking kapahamakan. Kahit na hindi nila gustong mawala ang bahay, ang buhay nila ay mas importante.

"Okay, Heneral, aalis na kami ngayon, pero kung pwede sana ay hayaan mo kaming kuhanin ang mga gamit namin at maaari ba ninyong ibalik ang aming mga armas?"

"Iwanan ninyo ang lahat!" Deretsong tanggi sa kanya ni Barron.

Natigilan si Sam. "Lahat? Ang mga armas namin…"

Matigas siyang tinitigan ni Barron at sinigawan, "Hindi lamang ang mga armas ninyo, ang lahat ay kinumpiska na ng militar; isa itong leksiyon sa inyong lahat! Kapag nangahas kayong kalabaning muli ang aking mga utos, kukumpiskahin ko ang mga buhay ninyo, naiintindihan ninyo?"

Dumilim ang mukha ni Sam. Sa tabi niya, nanigas din si Wolf…

Pinagbigyan na nila si Barron ng kaunti pero sumosobra naman ito. Sinasagad na nito ang kanilang pasensiya. Ang atmospera ay nagiging seryoso na. Ang mga sundalo ni Barron ay nababasa na ang sitwasyon at ang bawat isa sa kanila ay itinutok na ang mga baril sa grupo ni Sam. Nakakaramdam na ng kasiyahan si Ryan, gusto niyang patayin itong lahat ni Barron.

Kung may gagawing kahit ano si Sam, siguradong mapapatay sila. Ilang segundo ang nakaraan, huminga ng malalim si Sam at nakangiting sinabi, "Sige, aalis na kami ngayon."

Matapos noon, bumaling na siya para utusan si Wolf at ang iba pa, "Tara na bago pa maging malala ang sitwasyon."

Nakita nina Wolf at ng iba pa ang nakikiusap na tingin ni Sam. Hindi na nila isinatinig ang kanilang galit, kalungkutan at kawalan ng kakayahan sa kanilang mga puso. Wala na silang magawa kundi ang tahimik na umalis…

Habang papaalis na sila, si Xinghe na nasa huli ay pinigilan ni Barron.

"Sandali…" pinasadahan ni Barron si Xinghe ng isang malaswang ngiti at tinanong si Sam, "Ang isang ito ay bago. Ano ang pangalan niya?"

Nang mangyari iyon, nagbago ang mukha ni Sam at ng iba pa.

Mabilis na tumayo sa harap ni Xinghe si Sam at sinabi sa isang masuyong ngiti, "Heneral, siya ay ang kapatid na babae ni Charlie, pero kakabalik lamang niya mula sa ibang bansa."

"Kapatid na babae ni Charlie?" Tanong ni Barron ng may tawa, "Ang akala ba ninyo sa akin ay tanga?"

Itinulak niya palayo si Sam at hinablot ang baywang ni Xinghe. Sinabi niya ng may malisyosong ngisi, "Ibigay ninyo sa akin ang babae at pwede na ninyong makuha ang bahay."

Siyempre, may malaswang intensiyon si Barron tungo kay Xinghe. Kakaiba ang ganda ni Xinghe, isang bihirang ganda sa kanilang bansa. Isa pa, kilalang babaero si Barron; alam na dapat nila na mangyayari ito.

Natatakot si Sam na sapilitang kukuhanin ni Barron si Xinghe kaya naman agad niyang hinila palayo si Xinghe sa mga kamay nito. Sinabi niya sa isang hindi natitinag na ugali, "General, kapatid talaga siya ni Charlie! Nangako kami kay Charlie na poprotektahan namin siya gamit ang buhay namin."

"Tama iyon, nangako kami gamit ang buhay namin na poprotektahan siya!" Humakbang din si Ali para idagdag ito. Sunud-sunod na tumango din sina Wolf at Cairn bilang pagsang-ayon.

Habang nakikita ang determinasyon ng mga ito, nagdalawang-isip si Barron. Kapatid ba talaga ito ni Charlie?

Naningkit ang mga mata nito sa pag-iisip, naiipit sa pagdududa at pagdadalawang-isip.

"General, maaari na ba kaming umalis ngayon?" Tanong ni Sam sa mababang tinig pero ang mga mata niya ay kumikislap sa determinasyon.

Nakikita ni Barron na kapag pinilit niyang manatili ang babae, talagang lalabanan siya ng mga ito hanggang kamatayan para protektahan ito.

Next chapter