Sa panahong ito, magagawa na ni Philip ang lahat ng gusto niyang gawin, at wala nang makakapagbigay pa ng opinyon. Salamat na lamang at hindi siya maniniil. Napag-uusapan na din naman ang baliw na maniniil, bumaling siya para tingnan si Aliyah na mukhang nanigas na tila isang estatwang gawa sa yelo.
Sinadya ni Philip na maglakad ng mabagal palapit patungo dito ng nakangiti. Ang katawan ni Aliyah ay nanginig sa takot habang pinapanood itong lumapit. Ang kanyang kutob ay nagsasabi na sa kanyang tumakbo—
At sa senyales ni Philip, ang mga guwardiya ay kumilos para hulihin siya.
"Ano ang ginagawa ninyo? Pakawalan ninyo ako, ako si Heneral Aliyah, sino ang nangangahas na dakpin ako?!" Nagpupumiglas si Aliyah na tila isang babaeng nababaliw, pero wala siyang panama sa grupo ng mga sinanay na sundalo.
Sa oras na iyon, narating na ni Philip ang likuran ng entablado at nakatayo sa kanyang harapan.
Tumingin sa kanya si Aliyah at malakas na nagmura, "F*ck you, Philip, nagsinungaling ka sa akin; wala kang pakialam sa buhay ni Kelly! Sinungaling kang bastardo ka, pinagplanuhan mo ang lahat ng ito sa simula pa lamang. Paano mo nagawang isakripisyo ang buhay ni Kelly para maging presidente?! Isa kang sinungaling, mamamatay si Kelly nang dahil sa iyo!"
Inisip ni Aliyah na si Kelly ay nasa loob pa din ng kuta ng IV Syndicate. Natawa na lamang si Philip nang marinig niyang minumura siya ni Aliyah.
"Akala mo naman ay talagang may pakialam ka sa buhay ni Kelly," sarkastikong sawata nito. "Hindi ba't ikaw ang may pinakagustong mamatay na siya?"
Sumagot ng sarkastiko din si Aliyah, "Hindi ka kwalipikado na pagalitan ako tungkol diyan! Pinaniwala mo ako na mahalaga ang buhay niya sa iyo, pero ngayon ay handa kang patayin siya gamit ang mga kamay mo para sa pagkapangulo. Ano'ng klaseng asawa, ano'ng klase ng lalaki ka ba na magagawa mong gamitin ang asawa mo bilang sakripisyon?! Hindi ka nararapat na maging presidente; hindi ka karapat-dapat na pamunuan ang bansang ito. Ibubunyag ko ang tunay mong pagkatao sa buong mundo nang malaman ng lahat kung gaano ka kawalang-awa at peke!"
Ito na lamang ang tanging paraan ni Aliyah para makalusot, kaya naman tinutukan niya ito na tila nakasalalay ang buhay niya dito, na may katotohanan naman. Gayunpaman, ang sumunod na pangungusap ni Philip ang nagwasak ng lahat ng pag-asa niya, "Sa tingin mo ba ay gagawin ko ito kung hindi ligtas si Kelly?"
Gulat na napatingin sa kanya si Aliyah. "Ano ang sinabi mo?"
Mabagal na sumagot si Philip, ninanamnam ang bawat sandali, "Malas mo, nasagip na si Kelly. Nagpapagaling na siya sa isang ospital; bigung-bigo ka siguro na marinig ito, hindi ba?"
"Ang ulat ng ospital ay naligtasan na niya ang delikadong oras. Gusto mo ba itong makita?"
Sa wakas ay nakumbinsi na si Aliyah na nasagip na si Kelly. Pero kailan nito nalaman ang lokasyon ng pinakakuta ng IV Syndicate, planuhin ang lahat, at iligtas si Kelly?
Walang alam si Aliyah na ang mga bagay na ito ay nangyari sa kanyang likuran; nanginig ang kanyang katawan sa takot.
Inakala niya na ang lahat ay nasa kanyang kontrol. Hanggang hawak nila si Kelly, mananatiling puppet niya si Philip. Sino ang mag-aakalang siya ang naging laruan dito!
Maraming ginawa si Philip sa dilim at ang pinakanakakatakot dito ay hindi siya nabunyag. Wala silang nakitang kakaiba mula dito.
Ngayong tapos na ang IV Syndicate, tapos na din ang lahat para sa kanya…
Ang akala niya ay makukuha niya ang buong mundo pero ngayon ay nawala sa kanya ang lahat ng mayroon siya. Ang mukha ni Aliyah ay putlang-putla na tila tumakas na ang kaluluwa niya mula sa kanyang katawan.
Tapos na si Philip sa pakikipagsayaw sa kanya dito. Iniutos niya, "Si Heneral Aliyah ay napatunayang nakikipagsabwatan sa IV Syndicate para wasakin ang bansang ito! Hulihin siya sa ngayon at ihahabla natin siya sa korte militar!"
"Yes, sir!"
"Hindi, pakawalan ninyo ako, ang lolo ko ay dating pangulo ng bansang ito, hindi ninyo ito magagawa sa akin—" nagsimulang magpumiglas si Aliyah pero wala siyang magagawa dahil ang kanyang kapalaran ng pagiging kriminal, ay naghihintay sa paghuhukom.