webnovel

Ako Naman ang Pahihirapan Ninyo? Hindi Ganoon Kadali

Editor: LiberReverieGroup

Ang Xi Family ay pamilyar sa mga tuntuning ganito, dahil sila mismo ang halos gumawa nito. Kaya naman, alam nila na kailangan nilang umasa sa kanilang mga sarili at wala ng iba pa para malampasan ang pagsubok na ito. Ang pinakaimportanteng isyu ay ang linisin ang pangalan ni Munan sa paratang na ilegal na pagbebenta ng mga armas militar.

Gayunpaman, ang mga armas ay nawala ng walang bakas. Wala man lamang palatandaan para sa kanila na masundan ito… bukod pa doon, kailangan nilang mahanap ang mga ebidensiya sa loob ng isang buwan, dahil matapos ang isang buwan, papalitan ni Feng Saohuang si Munan bilang pinuno ng Flying Dragon unit. Sa ibang salita, wala na silang gaanong oras na natitira. Kailangan nilang magtrabaho ng mabilis o hindi mo na maiisip kung ano ang maaaring kahitnanan ng lahat.

Nagtulung-tulong ang Xi family na pagsam-samahin ang kanilang mga kayamanan para resolbahan ang isyu na ito, at siyempre, para paghandaan ang malalang mangyayari.

"Mubai, kailangan mong hindi madamay sa gulong ito," taimtim na sabi ni Jiangsan sa kanyang anak, "Kung hindi mamarapatin ng Diyos, na hindi na ito maisasalba pa, kahit paano ay may kaunti pa tayong lugar sa business world."

Ang ama ni Munan na si Jiangnan ay tumango bilang pagsang-ayon. "Tama ang ama mo. Mubai, huwag ka nang makialam pa dito. Hindi natin pwedeng ilagay sa isang basket ang lahat ng ating mga itlog, kapag bumagsak si Munan, kahit paano ay nariyan ka pa para sumuporta sa Xi family."

Ngumiti si Mubai. "Dad, Uncle, masyadong positibo ang inyong pananaw. Kahit na hindi ako makisali, hindi papayag ang ating kalaban dahil ang kanilang layunin ay wasakin ang buong Xi family."

"Maaari nilang subukan pero hindi ganoon kadali pabagsakin ang ating Xi family." May dignidad na sagot ni Jiangsan. Ganoon din ang iniisip ni Jiangnan. Sa kanilang pananaw, ang Xi family ay hindi matitinag, hindi kahit ang Feng family ang makakasira sa kanila. Ang tanging magagawa nila ay magsabwatan laban kay Munan pero doon lamang ito mahihinto dahil hindi nila magagalaw ang malakihang Xi family.

Iba naman ang pananaw ni Mubai. "Ang pangalan ng Xi ay mapanganib sa pagkakataong ito. Ang kinabukasan ng ating pamilya ay nakasalalay kay Munan, ang katotohanan na pinagbalakan nila ito ay nagpapakita kung gaano kahanda ang ating kalaban na pabagsakin ang ating Xi family. Matapos na mapabagsak si Munan, ako ang isusunod nila dahil ako ang kasunod na pinakamalaking panganib."

Dahil si Mubai ang may malaking kayamanan at malaking impluwensiya sa siyudad. Kapag bumagsak siya, susunod ang Xi family. Kung wala ang bagong henerasyon para patatagin ang pamilya, mawawala ang kapangyarihan ng Xi family hanggang sa bumagsak ito. Sigurado na ang kalaban ay susunod na haharapin si Mubai matapos nilang mapabagsak si Munan.

"Ito ang eksaktong dahilan kung bakit kailangan mong ihiwalay ang sarili mo sa gulong ito," payo ni Jiangnian.

"Hanggang hindi ako itinatakwil ng Xi family, hindi mangyayari iyan," may pinalidad na pagtatapos ni Mubai, "Isa pa, bilang isang maipagmamalaking miyembro ng Xi family, paano ko hahayaan na tumayo na lamang at manood? Father, Uncle, huwag kayong mag-alala sa akin, hindi ako madaling mapapabagsak. Siyempre, ganoon din ang Xi family!"

"Kapag nagawa nating malampasan ang pagsubok na ito, kailangang ipalasap natin ang galit ng Xi family at turuan silang lahat ng leksiyon sa pangangahas nila na harapin tayo, ang Xi family!" Asik ni Jiangnan habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin. Pareho ng nararamdamang galit si Jiangsan.

"Nakuha ng ating Xi family ang posisyon ngayon mula sa talento at pagsusumikap. Hindi tayo gumawa ng masamang bagay, pero ang mga taong ito ay nangahas na saktan tayo mula sa kadiliman! Kapag nakita na natin ang mga salarin, parurusahan natin sila ng marahas!"

Gayunpaman, hindi ito ang punto na nagpagalit sa kanila ng husto. Ang pinakaikinagagalit nila ay kilala nila kung sino ang kalaban pero wala silang magawa laban sa kanila. Ang tanging nagagawa nila ay kimkimin ang galit habang pinapanood ang kalaban na hinahabol ang kanilang mga kapamilya. Dito nagmumula ang kanilang ikinagagalit.

Kaya naman, sa oras na ito, ang mahigpit na pagiging magkaribal ng Xi family at Feng family ay narating na ang pinakamasamang sukdulan. Matatapos lamang ito kapag ang isa sa mga partido ay namatay na.

Siyempre, naiintindihan din ito ng Feng family. Kaya naman, ibinibigay din nila ang lahat para makapagbigay ng malaking dagok sa Xi family.

Next chapter