Sa screen, nakita niya ang dalawang magkalabang fighter jet na nagtutunggali. Kahit na hindi ito tunay na digmaan, pero sa bawat pagkakataon na nagtatagpo ang mga jet, pakiramdam niya ay bumibilis ang pintig ng puso niya.
Ang mga pilot ng jet ay mahuhusay. Ang mga jet ay umaangat, tumatagilid, biglang lumiliko at umiikot-ikot sa screen na tila gumaganap ng isang high-tech acrobatics. Gayunpaman, mukhang ang mga piloto ni Saohuang ay mas mahusay ang pagsasanay dahil ang mga eroplano nila ay mas mabilis at mas matatag.
Kinakabahang nanonood sa eksena si Yan Lu. "Bilis, kailangan ninyong ilagan siya, ilagan ang mga atake nila at atakihin ninyo din sila agad!"
"Walang saysay, ang mga kalaban ay masyadong mabibilis. Hindi na makahabol ang mga istratehiya natin, ang mga piloto ay hindi matunton ang eksaktong coordinate," seryosong sinabi ni Gu Li.
Kahit na ang mga nanonood sa screen at nag-uutos ay hindi makahabol sa kalaban, paano pa kaya ang mga piloto mismo. Ang kanilang mga babala ay palaging isa o dalawang segundong huli. Kahit na umilag pa sila, kaunting sandali lamang bago sila matalo. Kahit na ang mga bala ay mga plasma shot, tinatrato ng lahat ang mga ito na tila isang totoong labanan.
Gayunpaman, positibo pa rin ang pananaw ni Munan. "Hindi ninyo kailangang magmadali, malaki ang ikinahusay natin sa panahong ito. Hindi naman na tayo lubusang matatalo katulad noong nakaraan. Isa pa, kailangan nating maniwala sa mga tauhan natin, sigurado akong malalampasan din nila ito sa bandang huli."
"Pero kakatapos pa lamang natin ng ganitong klase ng battle simulation. Ang mga piloto ay hindi pa nagkaroon ng sapat na oras na maging pamilyar dito bago nila ito ginawa ng totohanan, kaya naman may mga kakulangan pa din tayo," sabi ni Gu Li.
Sumagot si Munan sa mahinang boses. "Hindi naman natin ito maiiwasan. Kung kailangan nating umasa sa paghahanda sa bawat laban, wala nang sapat na panahon para umunlad. Sa pagkakataong ito, kailangan nila itong gamitin bilang ensayo sa real time."
Maaaring sinabi niya ito pero walang paraan na makakapayag siyang matalo sila. Natalo na sila ng minsan; ang isa pang pagkatalo ay magdudulot ng higanteng dagok sa kanilang morale. Gayunpaman, ang katotohanan ay mas mahusay ang mga tauhan ni Saohuang sa labanang ito. Dahil mayroon naman silang mahabang panahon para makapaghanda, ang mga tauhan ni Munan ay humahabol pa lamang, at kakahabol lamang nila noong nakaraan. Sa madaling salita, ang pundasyon ng mga tauhan ni Munan ay mas mahina kung ikukumpara sa mga tauhan ni Saohuang. Gayunpaman, hindi susuko si Munan sa mga ito hanggang sa huling sandali!
Dahil halata naman ang kaunlaran; kahit na hindi sila agad na nakatay tulad noong nakaraang panahon. Sa kahit ano pang kaso, totoo din na ang dalawa sa kanilang mga jet ay 'napabaril at bumagsak' na, habang sa parte naman ni Saohuang ay wala pang nawawala.
Ang atmospera ay patuloy na sumeseryoso sa partido nina Munan, at kabaliktaran naman ito sa parte ni Saohuang. Masaya sila dahil nasa kanila ang kalamangan. Kapag nagpatuloy pa ito, ang panalo ay magiging kanila na. Ang tanging pagsisisi ay hindi nila nalaman ang istratehiya ng grupo ni Munan kung kaya ang tagumpay ay mas madali sana nilang makukuha at mas maaga pa nila itong maipamumukha sa mga ito.
…
"F*ck!" Malakas na inihampas ni Yan Lu ang kanyang kamao sa mesa dahil sa inis. "Ano pa ang resulta, sumusumpa ako na tuturuan ko sila ng leksyon kapag grounds combat na ang usapan!"
Ang land combat ay ang kanyang kalakasan, na kahit na mawala ang buhay niya dito, gagawin niya ang lahat para matalo ang grupo ni Saohuang.
Gayunpaman, ang bagay na ikinaiinis nila ay wala ni isa sa kanila ang mahusay sa aerial combat. Dahil kung sila ay mahusay, sila na mismo ang pumasok at lumaban sa drill, at hindi na matataranta na tulad ng mga langgam na nasa mainit na kaldero sa likod ng screen.
Tulad ng dati, hindi pa din naaapektuhan si Xinghe. Pinag-aralan niya ang combat na patuloy na nagaganap sa screen ng may buong atensiyon.