Gumugol ng maraming taon para buuin ng He Lan family ang kanilang impluwensiya at kapangyarihan, hindi sila agad-agad mapapatumba ng magdamagan. Kapag bumagsak sila, ang buong bansa ay maaapektuhan. Isa pa, hindi sila nakarinig ng kahit na anong banta na kinakaharap ng pamilya bago ito, kaya hindi maaaring mangyari ito ng mula sa kung saan lamang.
"Imposible? Kung gayon ay bakit lahat kayo ay inaaresto? Ang lahat ng miyembro ng He Lan family ay nasa kustodiya na at ang pulis ay nakakuha ng pruweba ng lahat ng inyong mga kriminal na gawain, kaya maaaring manahimik ka na lang, wala sa inyo ang makakatakas."
Agad na namutla ang mukha ni He Lan Long. Makikita ang hindi pagkapaniwala sa mga mata ng mga tao. Ang balitang ito ay tila isang kislap ng kidlat sa kalagitnaan ng araw; dumating ito ng walang hudyat. Ang lahat ay ayos lamang noong isang segundong nakakaraan pero ngayon ang lahat ay hindi na. Ni wala silang oras para makapaghanda laban dito. Hindi nila matanggap ang katotohanang ito dahil nangangahulugan nito na ang dekada ng kanilang pagpupunyagi at sakripisyo ay nasayang lamang!
"Imposible, hindi ako naniniwala dito, tumatanggi akong maniwala dito!" Bulalas ni He Lan Long sa sobrang taranta, ang galit na kumukulo sa loob nila ay idinerekta nito ng husto kay Xinghe. "Ang He Lan family namin ay hindi madaling mapapabagsak, walang sinuman ang makakatalo sa aming kapangyarihan, kami ang pinakamakapangyarihang pamilya sa kasaysayan, walang sinuman ang magiging banta sa amin!"
"Paano kung ang taong iyon ay si He Lan Qi?" Tanong ni Xinghe.
Natigilan si He Lan Long. "Ano ang sinabi mo?"
Si Sam, na may ugaling sadista sa kanya lalo na kung kaharap niya ang mga taong karapat-dapat dito, ay sumabat ng may ngisi, "Si He Lan Qi ang nagbigay ng lahat ng ebidensiya para mapabagsak ang He Lan family mula sa loob!"
"Ano…" napaatras ng ilang hakbang si He Lan Long. Ang katawan niya ay gumiwang na tila ba babagsak ito sa anumang sandali. Si He Lan Qi ang nagsuplong sa amin… kung gayon ay talagang tapos na ang lahat!
"Ang traydor na iyon!" Sigaw ni He Lan Long sa sobrang pagkamuhi, hiniling niya na sana ay kaharap niya si He Lan Qi para mapagpira-piraso niya ito. Ang lahat ay galit na galit din.
"Isinuplong tayo ni He Lan Qi?! Ang traydor na iyon, sinira niya ang lahat!"
"Paano niya nagawang tulungan ang ibang tao para sirain ang lahat ng itinayo natin, ano ba ang iniisip niya?!"
"Ang He Lan Qi na ito, papatayin ko siya!"
Ang lahat ay natataranta at galit na galit. Tila ba pinatay ni He Lan Qi ang mga magulang nila o may ginawang katulad na ganoon. Sa totoo lang, ang grupo ni Xinghe ay nagulat ng kaunti; hindi nila inaasahan na magkakampihan laban sa iisang kaaway. Gayunpaman, sa ilalim ng kanilang galit, ay may kahalong tuso at kabaliwan.
Wala sa loob na nahila ni Mubai si Xinghe sa kanyang tabi, natatakot na ang mga taong ito ay biglang saktan sila. Ang grupo ng mga sundalo at pulis ay naghanda din, na kung sinuman ang mangahas na manggulo, hindi sila mag-aalinlangan na magpaputok.
"Ginawa ni He Lan Qi ang ginawa niya dahil hindi na niya makayang sikmurain ang mga kasalanang ginawa ninyo. Dahil kayo mismo ang nakakaintindi kung ano'ng klase ng mga nakakadiring bagay ang pinaggagagawa ninyo," biglang sambit ni Xinghe.
Binigyan siya ni He Lan Long ng masamang tingin at nagsimulang tumawa. "Kami ang mga makasalanan? Hindi, ang mundong ito ang nagbago sa kung ano kami; ang mga nagtatagumpay ang nakakakuha ng lahat! Kaya bakit ba nagkaroon ng napakaraming hari at reyna sa kasaysayan pero kami ay nagkakasala dahil lamang sa ninananais din naming gawin ang ginawa niya? Nakanino ba ang kapangyarihan? Sino ang mamumuno sa lahat? Iyon ang pamumuno sa lahat. ang mundong ito ay pagmamay-ari ng aming He Lan family, ano naman ngayon kung natisod kami sa hakbang namin ngayon? Nakatala na mula sa simula na ang lahat ay sa amin! At lahat kayo ay kailangang mamatay."
Tulad ng isang baliw, nagsimula nang tumawa si He Lan Long. Pinatayo nito ang buhok ng lahat sa katawan sa sobrang panghihilakbot.
"Hindi magtatagal, malalaman din ninyo ang katangahan na ginawa ninyo. Sinira ninyo ang lahat; ang mundong ito ay magugunaw na…"