webnovel

Mahalay

Editor: LiberReverieGroup

Naiilang na napaubo si Mubai at mabilis na bumawi. "Ang ibig kong sabihi, maliligo din ako pagkatapos mo."

"Kailangan mo nang magpahinga at baka himatayin ka doon," sabi ni Xinghe bago ito tumalikod para pumasok sa banyo.

Hindi mapigilan ni Mubai na tumawa matapos na panoorin itong naiilang. Wala na talaga itong pag-asa pagdating sa ganitong klase ng mainit na sitwasyon, pero nakikita ito ni Mubai na cute. Pakiramdam niya ay pinagpala siya na mabigyan ng ikalawang pagkakataon na makita siyang muli, na mabigyan ang kanilang relasyon na masubukang muli. Salamat na lamang, pareho silang nakaligtas…

Habambuhay siyang magpapasalamat na siya ang nasaktan sa pagsabog at hindi ito. Habang iniisip ito, natural lamang na naikonekta ni Mubai ang aksidente kay Lin Xuan at sa Lin family. Galit at pagkamuhi ang gumuhit sa mga mata niya. Pagbabayarin niya ng ilang libong beses ang Lin family bilang kapalit!

Kaya naman, ang mga araw ng Lin family ay bilang na.

Sa parehong pagkakataon, kapag naiisip naman niya ang mga sakripisyo at pagsusumikap ni Xinghe para iligtas siya, gumuguhit naman sa mukha naman niya ang malawak na ngiti. Ibig ba nitong sabihin na nag-ugat na ang lugar ko sa puso niya? Kung hindi ay bakit siya pupunta nang mag-isa sa City A para tulungan akong maghiganti? Kaya naman, mahalaga na din ako sa kanya kahit kaunti!

Hindi mapakali si Mubai sa kanyang higaan. Napaupo siya ng diretso, at habang naririnig ang lagaslas ng tubig mula sa banyo, nagsimulang mag-init ang kanyang katawan.

Gusto na niya itong pasukin, gayunpaman, alam niyang hindi niya ito pwedeng gawin. Kapag ginawa niya ito ng walang pahintulot ni Xinghe, ay hahatiin siya nito sa maraming piraso. Nahigang muli si Mubai sa kanyang kama at naglikot ng hindi mapakali, ipinagdarasal na ang pahirap na ito sa kanya ay agad na ding matatapos.

Matapos maligo ni Xinghe, nakita niya na wala siyang malinis na damit na maaaring isuot na kapalit. Mabuti naman ay may roba sa banyo pero ang pagsusuot ng roba lamang ay parang may konting kahalayan.

Pero, mas maigi na din ito kaysa maglakad palabas ng hubad!

Nag-atubili si Xinghe bago niya isinuot ang roba. Hinigpitan niya ng husto ang tali. Matapos tuyuin ang kanyang buhok, naglakad na siya palabas ng banyo at nakitang nakatulog na si Mubai. Mahimbing na ang tulog nito, marahil ay sa sobrang kapaguran mula sa mga ginawa nito kanina.

Alam ni Xinghe na hindi pa din maayos ang pakiramdam nito, kaya hindi na niya inistorbo pa ang tulog nito. Tahimik siyang naglakad sa sahig at ibinaba ang sarili sa kama sa tabi nito.

Sa sandaling nahiga na siya, ang lalaking iniisip niyang mahimbing na natutulog ay biglang bumalikwas at nadaganan siya sa mahigpit nitong yakap. Bago pa siya nakakilos, isang pares ng mga labi ang dumampi sa kanyang mga labi!

Nanlaki ang mga mata ni Xinghe sa pagkagulat at tumitig siya sa mga mata ni Mubai na hindi kakakitaan ng antok. Kung anuman, ang nakikita niya ay ang maalab na apoy na sumisiklab sa mga ito.

Hindi nito tinantanan ang kanyang mga labi na maihahalintulad sa isang lalaki na, matapos maglagalag ng maraming araw sa disyerto, ay nakakita na din ng oasis sa wakas. Ito ang unang pagkakataon na sumuko si Mubai ng lubusan sa kanyang animal instincts…

Lubusan nitong nagulat si Xinghe. Gayunpaman, sa oras na ito, hindi tulad ng dati, hindi siya lumayo pero isinara nito ang mga kamao at mabagal na binuksan ang kanyang mga mata. Tila nararamdaman ang kanyang pahintulot, ang mga apoy sa mga mata ni Mubai ay lalong sumidhi; nararamdaman niya ang maiinit nitong tingin sa kanyang balat.

Lalo pang naging mapusok ang mga halik na tila sinusubukan nitong kainin siya. Ang mga kamay nito ay naglandas ng walang kontrol sa kanyang roba…

Nang nahawakan niya ang balat nito, bahagyang nanginig si Xinghe. Hindi ito halos mapapansin pero naramdaman pa din ito ni Mubai. Bigla itong tumigil, at ang mga halik niya ay mas naging masuyo.

Gayunpaman, hindi nito nabawasa ang romansa sa sandaling iyon. Kung anupaman, ang ere sa silid ay mas lalong bumigat; may malagkit na pakiramdam na tumitindi, ang sekswal na tensiyon ay kumakalat sa silid…

Ang utak ni Xinghe ay tila isang magulong bagay, at halos hindi siya makakuha ng lakas na maigalaw ang kanyang katawan.

Next chapter