webnovel

Naibigay na sa mga Aso

Editor: LiberReverieGroup

"Halata naman na naakit ka ng babaeng ito; kung hindi ay bakit mo kami tatratuhin ng ganito kalupit?! Ama, binigo mo kami! Dahil nagdesisyon ka namang talikuran kami para sa kapakanan ng isang estranghero, kung gayon, nawala mo ang respetong ibinibigay namin sa iyo. Ama, pinuwersa mo kami!"

"Tama iyon, Lolo, lubos kaming nabigo sa iyo. Paano mo kami nagawang abandonahin, ang pamilya mo, para sa isang estranghero? Lolo, may ideya ka ba kung gaano nadurog ang puso namin dahil dito? Paano mo kami nagawang tratuhin ng ganito…" nagsimula na namang umiyak si Tong Yan; lungkot na lungkot siya kung kaya't garalgal na ang kanyang tinig. Agad na naglabas ng panyo si Shen Ru para tulungan ang kanyang anak.

Nagiging kakampi na nila ang madla dahil sa kanilang magaling na pagganap. Pakiramdam ng lahat ay sumosobra na si Elder Shen. Hindi niya dapat trinato ito ng hindi patas dahil lamang sa isang bagay na hindi nila makontrol. Napakalupit na tao siguro nito sa pagbabale-wala ng kaugnayan nilang dekada na ang tibay dahil lamang doon.

Wala sa kanila ang talagang nakakaintindi ng pananaw ni Elder Shen. Ang anak niya ay ninakaw ng Lin family at pinabayaang mamuhay na mag-isa mula sanggol pa. Maaaring hindi pa ito buhay, kaya paano niya mahaharap ng ganoon kadali sina Tong Yan at Shen Ru?

Pero kahit na, hindi siya kumilos ng laban kina Shen Ru sa pagkampi nito sa Lin family sa pakikipagsabwatan sa kanila noong una. Gusto lamang niyang makita ang kanyang anak at ilayo ang sarili niya sa anak ng kanyang kaaway, kahit na panandalian lamang. Mali ba iyon?

Minahal niya ang mga ito ng maraming taon, pero nangangahulugan bang kailangan niyang mahalin ang mga ito ng habambuhay? Malaki ba ang utang na loob niya sa mga ito? Hindi pa ba sapat ang ibinigay niya? Makasalanan ba siya dahil lamang sa tumigil siya sa pagiging mabuti sa mga ito?

Anong klaseng lohika ba ito? Bakit ang Shen family, ang pinakamalaking biktima sa lahat ng ito, ay kailangan pang danasin ang mga akusasyon at kahihiyang ito?

Sige, maaaring hindi maintindihan ng mga tagalabas ang kanyang nararamdaman, pero sina Shen Ru at Tong Yan ba ay walang muwang sa nararamdaman niyang sakit?

Alam nila ang sakit na dinanas ng Shen family, pero hindi sila nakikisimpatya sa pamilya dahil sarili lamang nila ang kanilang inuuna. Kung naiinindihan siya ng mga ito, hindi nila siya gigipitin na tanggapin sila ng paulit-ulit.

Hindi naman talaga nila gustong bumawi sa mga pagkakamaling nagawa nila; gusto lamang nilang paliitin ang pinsalang mararanasan nila. Siyempre, hindi siya tanga para paniwalaan ang sinasabi ng mga ito na hindi nila nais na mapawalay mula sa Shen family. Pinalaki sila ni Elder Shen, kaya alam niya na ang bagay na hindi talaga nila mahiwalayan ay ang mga benepisyo na maibibigay sa kanila ng Shen family.

Nang parte pa sila ng Shen family, nagpasya siya na palampasin ang masamang ugali na ito, at kahit na ngayon, tinatanggap niya ang pagkamuhi ng mga ito sa kanya ng kibit-balikat lamang, pero bakit kailangan nilang siraan siya ng ganito? Ipinapakita nito ang antas ng pagpapahalaga at respeto na mayroon sila para sa kanya.

Kung may konsensiya pa sila, hindi sila makakaisip ng akusasyon na kasing laswa na ipinahihiwatig na may pisikal at romantikong ugnayan sila ni Xinghe. Ano'ng klase ng tao ang magmumungkahi ng isang bagay na ganito?

Ang malaman na ganito kapangit ang kanilang ugali ay talagang nagpakilabot ng husto kay Elder Shen. Ikinalulungkot niya ang mga taon ng pagmamahal na ibinuhos niya sa mga ito. Ibinigay niya sa mga ito ang buong mundo, at ganito ang ipinalit nila sa kanya?

Nagpalaki siya ng dalawang lobo para kagatin siya sa kanyang likuran!

Hindi, mas masahol pa sila sa mga lobo. Kahit ang mga lobo ay magiging tapat tungo sa taong nagprotekta sa kanila, nagmahal sa kanila, at nagpakain sa kanila ng taon.

Next chapter