webnovel

Isang Makahulugang Ngiti

Editor: LiberReverieGroup

Natatawa siya dahil agad silang napaniwala ng mga panlilinlang ni Yun Ruobing.

Mali ang pakahulugan ni Ruobing sa ngiti ni Xinghe bilang pagsimangot at masaya itong pumalatak, "Xia Xinghe, masakit ba sa pakiramdam? Sa bandang huli, ako ang nanalo at ikaw ang natalo! Natalo na kita!"

Ang tinutukoy nito ay ang insidenteng nangyari ilang araw na ang nakaraan. Ang isipin na natalo siya ni Xia Xinghe sa pamamagitan ng pagpapalayas sa kanya sa lab; ipinakita sa kanya ngayon ni Ruobing! Ang tagumpay ay napunta din sa kanya!

Nasa ika-siyam na alapaap si Ruobing dahil hindi niya inaakalang ang pagkakataon niyang maghiganti ay agad na darating!

Kung paano siya ipinahiya ni Xinghe noon, ibabalik niya ng sampung beses!

Siyempre, simula pa lamang ito. Ang susunod na panalo ay sa maringal niyang pagbabalik sa lab. Syempre, hindi siya mag-aalinlangang ipahiya si Xinghe kung siya ay may kakapalan ang mukha na magpakita sa lab kahit na pinagbawalan na ito.

Siguro nga ay tama ang kasabihan na birds of a feather flock together dahil si Tianxin at Ruobing ay nagkataon na matalik na magkaibigan, at ang matalik niyang kaibigan ay sinabi ang mga salitang nasa isip niya.

Masayang sinabi ni Tianxin kay Xinghe na, "Xinghe, ngayong natapos na ni Ruobing ang mga disenyo, nasa kanya na ang lahat ng karapatan na bumalik sa lab. Hindi mo siguro nahulaan na dadating ito noong pinaalis mo siya. Kaya naman tinuturuan tayo ng mga aklat na maging mapagkumbaba, gaya ng nakikita mo, na madali nating kinakain ang mga sinabi natin."

"Disenyo lamang ito," bahagyang ngumiti si Xinghe. "Natapos ko na din ang sa akin. Hindi pa din natin alam kung sino ang may pinakamainam na produkto sa huli, kaya hindi ba at napaka-aga naman na magsalita ka ng ganito?"

"Maaari ka ng tumigil sa pagtatrabaho sa disenyo," may pinalidad na sinabi ni Old Madam Xi, "Lubos na akong nasisiyahan sa disenyo ni Ruobing, hindi kailanman magiging mas mahusay ang gawa mo sa gawa niya. Kaya naman, ang kasunduan mo sa Xi Family ay opisyal ng walang bisa, at inuulit ko, hindi ka na pinapayagan na magpakita pang muli sa lab."

"Pero ang pangakong palugit ay isang buong buwan…"

"Kapag sinabi kong wala na itong bisa, wala na itong bisa," deklara ni Old Madam Xi habang nakikipagtitigan kay Xinghe.

"Tatapatin na kita, mula ng pinili mong lumisan sa Xi Family, ang lugar na ito ay hindi ka na tinatanggap. Kahit na gawin mo pa ang lahat para mapaghiwalay sina Tianxin at Mubai, hindi ka na niya tatanggaping muli dahil ang pinakamamahal niya ay si Tianxin; siya ang pakakasalan niya. Handa akong patawarin ka sa ginawa mo kay Ruobing pero sa pagkakataong ito ay hindi ka na maaari pang magpakita sa teritoryo ng aming Xi Family! Maaaring anak mo si Lin Lin pero hindi siya aalis sa Xi Family at wala na siyang kaugnayan pa sa iyo. Alam kong matalino kang babae, kaya tigilan mo na ang panggugulo sa aming Xi Family at hanapin ang kaligayahan mo sa ibang lugar! Wala ka ng karapatan na magpunta pa dito!"

"Narinig mo iyon? Wala ka ng karapatan pa na magpunta pa dito," pag-uulit ni Ginang Xi na may diin.

"Hindi ko naman ginustong pumunta dito sa una pa lamang at wala akong planong bumalik," mahinahong sagot ni Xinghe, "Pero akin ang anak ko at kukuhanin ko siya na mapunta sa aking tabi sa bandang huli!"

"Xia Xinghe, bingi ka ba o ano?!" Nagalit si Old Madam Xi sa sutil na ugali ni Xinghe. "Sinabi ko na sa iyo ng maraming beses, wala ng kaugnayan si Lin Lin sa iyo, iyon ang katotohanan at hindi na ito mababago. Mananatili siya sa amin kahit na anong mangyari kaya ipinapayo ko na sa iyo na huwag mo nang sayangin ang enerhiya mo. Umalis ka na o ipapatapon kita sa mga security!"

Hindi man lang natinag si Xinghe sa mga insulto. Ang totoo niyan, ngumiti pa siya dito. "Sige, dahil malaki ang tiwala ninyo kay Yun Ruobing, hihintayin namin ang araw na makuha niya ang tagumpay."

Binigyan ni Xinghe si Ruobing ng isang makahulugang ngiti bago siya tumalikod para umalis.

Ang mayabang na ngiti ni Ruobing ay napako sa kanyang mukha.

Sa ibang kadahilanan, hindi siya mapakali sa iniwanang ngiti sa kanya ni Xinghe. Nakaramdam siya ng pagkabalisa…

Pero ang katotohanan na napalayas sa lab si Xinghe at ang tagumpay ay malapit na niyang mapasakamay. Wala ng magagawa pa si Xia Xinghe para sirain ang plano niya ngayon.

Oo, ang plano na inalagaan niya ng halos isang dekada. Ang maisip na malapit na itong matupad ang nagbibigay kasiyahan kay Ruobing!

Next chapter