webnovel

He Lan Family (Ang Katapusan ng Lin Family Arc)

Editor: LiberReverieGroup

Pinigilan ni Mubai ang udyok na hablutin ang telepono nito at hatiin ito sa dalawa. Sino ang nangahas na sirain ang magandang pagkakataon ng dahil sa isang tawag?

Nagkunwari siyang hindi tumutunog ang telepono pero itinulak siya palayo ni Xinghe. Makikita ang inis at pag-ayaw sa kanyang mga mata nang naghiwalay ang mga labi nila.

"Sino ba iyan?" Pabale-walang tanong niya, kahit na nagagalit na ang mga mata niya.

"Si Xie Xiaoxi," sagot ni Xinghe habang sinasagot ang tawag.

"Hello, si Xinghe ba ito? Ako ito, si Xiaoxi. Natanong ko na ang nanay ko tungkol sa aking ama," maingat na sabi ni Xiaoxi sa kabilang linya ng telepono.

Trinato ito ni Xinghe ng kaparehong kaseryosohan. "Ano ang nalaman mo tungkol dito?"

Lubos ang tiwala sa kanya ni Xiaoxi kaya naman isiniwalat nito ang lahat. "Ang sabi ng nanay ko ay minsan nang nabanggit ng aking ama ang pamilyang may pangalan ng He Lan. Mukhang nasa kalagitnaan sila ng Project Galaxy. Gayunpaman, sinubukan ng aking ama maraming taon na ang nakakaraan na mahanap ang He Lan family, pero nabigo siya. Mas malaki ang Project Galaxy kaysa sa ating iniisip dahil may kaugnayan ito sa kaligtasan ng buong planeta. Gayunpaman, natatakot siya na magsabi ng mas marami pa sa aking ina dahil maaari niya itong ikapahamak, kaya naman iyon lang ang sinabi niya, at iyon lang ang nakuha ko mula sa aking ina."

"He Lan…" inulit ni Xinghe ang hindi pamilyar na pangalan at matapos ang maikling patlang, nagpatuloy siya, "Salamat, malaking tulong ang impormasyong ibinigay mo, hayaan mo na ako na ang magtuloy dito. Sasabihan kita agad kapag nagawa na naming makakuha ng impormasyon tungkol sa iyong ama."

"Okay! Kung kailangan mo pa din ang tulong namin, sabihin mo lang," sagot ni Xiaoxi.

"I will." Ibinaba na ni Xinghe ang kanyang telepono at seryosong tumingin kay Mubai.

"Ano ang sinabi niya?" Tanong ni Mubai sa mababang boses.

Nagpaliwanag si Xingh "Ang sinabi ng ama ni Xiaoxi, ang Project Galaxy ay may kaugnayan sa isang pamilya na nagngangalang He Lan at ang proyektong ito ay napakaimportante dahil may kinalaman ito sa kapalaran ng buong planeta. Iyon lamang ang nakuha niya. Oo nga pala, narinig mo na ba ang tungkol sa He Lan family na ito?"

Umiling si Mubai. "Hindi, ito ang unang beses na narinig ko ang tungkol sa kanila."

"Hinahanap ng tatay ni Xiaoxi ang pamilyang ito, at nabigo siyang makakuha ng resulta. Mukhang isa itong natatagong pamilya. Ang paghahanap sa kanila ay maaaring magdala sa atin ng isang hakbang patungo sa katotohanan!" Buong tiwalang pagtatapos ni Xinghe.

Tumango si Mubai. "Iwanan mo na ito sa akin kung ganoon, gagawin ko ang lahat para mahanap ang pamilyang ito. Huwag kang mag-alala, mahahanap din natin sila agad."

Tumango si Xinghe at nagdesisyon na tumulong din sa paghahanap. Ngayong may layunin na siya sa kanyang isipan, nagsimula na si Xinghe na maghanap sa internet. Napakarami ng may apelyidong He Lan, pero wala sa mga ito ang hinahanap niya.

Dahil ang He Lan family ang kailangan niya na may kaugnayan sa Project Galaxy, kaya sigurado na may katayuan ito sa buhay, pero ang mga nakikita ni Xinghe ay mga normal na mamamayan. Gayunpaman, para maging sigurado, sinuri pa din silang lahat ni Xinghe. Tumutulong din sa kanya si Mubai sa lahat ng makakaya nito.

Ang paghahanap na ito ay ginawa nilang dalawa ng sikreto. Hindi nila iniisip na ligtas na ipaalam ang napakalaking sikreto na ito. Hindi pa ito ang tamang panahon. Sino ang makakapagsabi kung ano ang mangyayari kapag nabunyag na ang balitang ito?

Dalawang araw ang ginugol ng dalawa sa paghahanap ng maraming He Lan, pero wala sa mga ito ang tumutugma sa kanilang criteria. Ang duda ni Xinghe ay masyadong masikreto ang pamilyang ito at ang mga taga-labas ay hindi makakahanap ng kahit na ano sa mga ito.

Sa madaling salita, hanggang wala pang bagong pagkakataon, hindi sila makakakita ng anumang resulta.

Next chapter