webnovel

Ang Pag-uutos sa isang Combat Jet

Editor: LiberReverieGroup

Matapos pag-aralan ito ng ilang sandali, nakukuha na niya ang pattern at rhythm nito.

"Sa totoo lang, ang bawat combat jet ay may nakapakong pattern na pwede nating gamitin. Hanggang nalalaman natin ang partikular na pattern na ito, ay makakapaghanda tayo ng may sapat na panahon," biglang sinabi ni Xinghe sa malinaw niyang boses. Biglang napabaling sa kanya ang grupo ni Munan.

"Big Sister Xia, nakita mo ang pattern na iyon?" Tanong ni Munan, masaya sa sorpresa. Sina Yan Lu at ang iba pa ay nakatingin din sa kanya na kumikislap ang mga mata. Matapos na makagugol ng oras na kasama siya, naiintindihan na nila ang kakayahan ni Xinghe. Kaya naman, pinahahalagahan nila ang lahat ng sinasabi nito.

Umiling si Xinghe. "HIndi ko sigurado. Pero makakagawa ako ng educated guess gamit ang triangulation ng physics at mathematical formulae pero hindi ito ganoon ka-eksakto."

"Physics? Mathematics?" Nahihintakutan na sabi ni Yan Lu. Ang dalawang iyon ang kanyang bangungot! Mas gugustuhin pa niyang lumabas at pumatay kaysa pag-aralan ang dalawang bagay na iyon.

"Miss Xia, magagawa mo ba talagang kalkulahin ang pattern?" Sabik na tanong ni Gu Li. Alam niyang maraming kaalaman si XInghe, ang pagkalkula ng motion trajectory ng isang eroplano ay masasabing parang naglalakad lamang siya sa isang parke.

Tumango si Xinghe. "Ang pagkalkula ng mga motion trajectory ay magsasali ng maraming variables, saka ang mga ito ay mga combat jet na kinokontrol ng tao kaya naman hindi sila maaaring kalkulahin gamit ang mga preset formulae. Ang tanging bagay na magagawa ko ay tantiyahin ang mga trajectory ng mga kalaban sa maiksing sandali lamang."

"Higit pa sa sapat iyon!" Bulalas ni Munan. "Ngayon, ang pagitan sa dalawang lupon ay maaari pang matawid, kailangan lamang natin ng kaunting kalamangan sa ating partido. Big Sister Xia, ibigay mo na ang makakaya mo; kahit ano ang mangyari, malaki ang tulong nito sa ating mga kasamahan."

"Tama iyon Miss Xia. Magiging malaki ang tulong mo sa amin."

Nagtatakang nagtanong sa kanila si Xinghe, "Gusto ninyong ako ang magbigay ng mga utos?"

"Tama iyon, subukan mo lang," siguradong sagot ni Munan.

"Paano ako mag-uutos sa isang importanteng drill, saka wala akong tiwala sa aking kalkulasyon." Paano kung mali ang mga kalkulasyon niya? Isa itong bagay na hindi niya maaaring pangatawanan. Gayunpaman, lubos na nagtitiwala sa kanya si Munan.

"Big Sister Xia, naniniwala ako sa iyo. Kahit na ano pa ang resulta, hindi ako magsisisi na ipinasa ko sa iyo ang pag-uutos. Isa pa, hindi mo na kailangang utusan ang lahat, isang eroplano lang ay sapat na."

"Miss Xia, kailangan nating sumubok ng kahit ano ngayon. Ang Aerial combat ay ang aming pinakamahinang lugar, subukan mo lamang dahil wala na namang mawawala pa sa amin," seryosong sambit ni Gu Li.

"Miss Xia, gawin mo na, kung magkakaroon man ng anumang konsikuwensiya, ako na ang bahalang umako noon para sa iyo!" Ihinataw ni Yan Lu ang kanyang kamao sa kanyang dibdib at nangako.

"Hindi, ako na ang bahalang umako ng responsibilidad, lahat ng iyon." Mariing sabi ni Munan.

"Lahat tayo ay aako niyon," may isa ding sumagot. Hindi nila hahayaang managot ito…

Hindi inaasahan ni XInghe na lubos ang tiwala ng lahat sa kanya; naantig ang damdamin niya ng kaunti. Matapos noon, ibinaba na niya ang lahat ng pagkukunwari at tinanggap na ang alok nilang lahat.

"Sige, susubukan ko. Huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo bibiguin."

"Naniniwala kaming lahat sa iyo!" Ngumiti si Munan.

Agad nilang hinayaan si Xinghe na pumili ng isang combat jet para utusan. Pinili ni Xinghe ang isa na nasa pinakahirap na posisyon. Matapos niyang maging pamilyar sa mga paraan ng pagbibigay ng utos, agad na natuon ng husto ang pansin ni Xinghe.

Sa ere, ang pinakamababang combat jet ay nagawang iwasan ang sunud-sunod na pag-atake ng kalaban sa huling minuto.

Next chapter