"Pero hindi kami nakikipagbiruan sa iyo." Inalis ni Xinghe ang maskara upang ipakita ang malamig niyang ngiti. Si Ali at ang iba pa ay ganoon din ang ginawa at tiningnan siya ng masama.
Napaupo sa kaba si Deqing at maingat silang tiningnan. "Ano ang ginagawa ninyo? Ako ang manager ng lugar na ito, kahit si Young Master ay hindi mangangahas na magtaas kahit isang daliri laban sa akin, kung sinuman sa inyo ang mangahas na bastusin ako, si Young Master ay siguradong…"
"Siguradong hindi niya malalaman," malamig na sambit ni Xinghe. "Huang Deqing, walang makakaalam kung ano ang mangyayari sa iyo dito ngayong gabi."
"Ano ang ibig mo ng sabihin…" hindi maiwasan ni Deqing na ipakita ang kanyang takot.
"Ang ibig sabihin niyon ay kukuhanin namin ang buhay mo." Tumitig si Xinghe sa kanya at praktikal na iniluwa ang mga salitang ito. Nanlaki sa pagkabigla ang mga mata ni Deqing. Bago pa ito makakilos, hinablot siya ni Sam at itinapon paalis ng kanyang higaan.
Napasalampak sa sahig si Deqing sa isang nakakahiyang hitsura at ang mukha nito ay kakikitaan ng sobrang galit. "Pangahas kang tratuhin ako ng ganito?! Security, dakpin silang lahat!"
Gayunpaman, kahit na gaano pa kalakas siya sumigaw, walang pumupunta. Ang grupo ni Xinghe ay kalmado pa din tulad ng dati. Mas lalong nataranta nito si Deqing, tumayo ito agad-agad at nagmamadaling tinungo ang bintana.
Bago pa siya makalapit sa bintana, nahatak na siya pabalik ni Sam. Tinapakan ni Ali ang dibdib nito, at hindi na ito nakagalaw sa kanyang kinalalagyan.
"Saklolo, saklolo, may mga mamamatay-tao dito! Saklolo!" Ubod-ng-lakas na hiyaw ni Deqing, pero dahil sa kanyang lagnat, ang boses niya ay paos at mahirap maintindihan. Habang mas lalo itong sumisigaw, mas lumalala ang kanyang tinig.
"Sapat na ba ang pagsigaw mo?!" Dinagdagan ni Ali ang bigat ng kanyang paa at naging dahilan ito ng pag-ubo pa ni Deqing, na tila ba iuubo na nito palabas ang mga laman-loob nito.
Matapos na humupa ang pag-ubo, pinandilatan niya ang grupo ni Xinghe ng may maputlang mukha at nagtanong ng pagalit, "Bakit ninyo ito ginagawa sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa inyo; bakit ninyo ako tinatrato ng ganito?"
"Oo nga, wala kang ginawang masama sa amin, pero nilabag mo ang pinakamahalagang pag-uugali ng isang disenteng tao, kinakatawan namin ang langit at nandito kami para ipataw sa iyo ang kaparusahan mo," malamig na anunsiyo ni Xinghe.
Sa wakas ay naintindihan na ni Deqing ang nangyayari. Nabigla itong nagtanong, "Ito ba ay dahil sa paraan ng pagpapatakbo ko ng ampunan?"
Ngumisi si Xinghe. "Sa tingin mo ba ay talagang mahusay ang ginawa mong pagpapatakbo dito?"
"Ang lahat ng ginawa ko, ito ay dahil sa inutusan ako ni Old Master He Lan! Sumusunod lamang ako sa kanyang mga utos! Lahat tayo ay nagtatrabaho para sa He Lan family kaya huwag ninyong sabihin sa akin na malinis ang inyong mga kamay," kontra ni Deqing.
Tumango si Xinghe. "Oo, madumi ang mga kamay namin dahil kami ang nag-aalaga sa mga taong basura na tulad mo."
"Kung gayon ay sino ang nagbigay karapatan sa inyo na ganituhin ako?" Utos ni Deqing, "Kung talagang may kakayahan ka ay talakayin mo ito sa Young Master o sa buong He Lan family, isa lamang akong tauhan sa kanilang mga plano, sila ang tunay na may pakana ng lahat ng ito!"
"Kung kaya si He Lan Chang ay isa nang matandang ulyanin sa ngayon."
"Ano ang sinabi mo?" Nagulat si Deqing, hindi makapaniwalang nakatingin siya kay Xinghe.
Malamig siyang tiningnan ni Xinghe at inulit nito, "Ito ang dahilan kung bakit isa nang matandang ulyanin si He Lan Chang."
"Si Old Master, ito ay iyong… ito ba ay dahil sa inyo kung kaya ganoon na ang kalagayan ngayon ng Old Master?" Hindi tanga si Deqing, agad nitong nahulaan ang totoo. Hindi ito inamin o itinatwa ni Xinghe, pero sa paraan ng pagkakasabi niya ng mga bagay na iyon, hindi ito nalalayo sa katotohanan. Hindi talaga inaasahan ni Deqing na mayroon silang tapang para kalabanin si He Lan Chang.