webnovel

ANG BALIW NA BABAE

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Ang pagmamaneho ng isang kapansin-pansin na kotse ay may ilang benepisyo, tulad na lamang ng hindi sila mauubusan ng mga taong pwedeng pagtanungan ng tamang direksyon.

Sa tulong ng mga tao, agad nilang natunton ang bahay ng taong hinahanap nila.

Ang lugar ay kakaiba at isang palapag na gusali, karamihan sa mga sulok nito ay maitim na tila nasunog, at ang pintura ay nababakbak na. Paglabas nila ng kotse, narinig nila Xinghe at Xia Zhi ang tunog ng isang masidhing away na nagmumula sa loob ng kabahayan.

Isang mag-asawa na nasa katamtamang gulang ay pinagagalitan ng husto ang isang malaking lalaki.

"Noong isang linggo, sinabi mo na babayaran mo kami ngayong linggo, at ngayon sinasabi mo na naman na babayaran mo kami sa susunod na linggo! Hindi matatapos ang susunod na linggo sa iyo, kaya kapag hindi mo iniabot ang bayad ngayon, tatapusin natin ito sa istasyon ng pulis!"

Galing ito sa middle-aged na lalaki. Mayroon siyang maliit at payat na pigura ngunit kung pagalitan at maliitin niya ang lalaki, makikita ang kanyang nakakasindak na anyo. Tumatalsik ang laway niya kahit saan dahil masyado siyang nakatiim sa pang-aaway sa lalaki.

Nagpatuloy ang asawa nito, "Oo, dahil kapag tumanggi ka pa na magbayad, pupunta na tayo ngayon din sa istasyon ng pulis! Huwag mong isipin na makakalusot ka sa utang mo dahil sa wala kang pera, imposible iyon, wala akong pakialam sa kung ano ang ginagawa mo pero dapat mong ilabas ang pera!"

Nilunok ng lalaki ang kanyang dignidad at nakiusap, "Maniwala kayo sa akin, hindi ko kayo tatakbuhan sa utang ko. Ibabalik ko ang pera sa inyo sa susunod na linggo."

"Hindi pupwede! Kailangang makuha namin ang pera ngayon dahil sasabihin mo ulit iyan sa susunod na linggo!"

"Tama, kapag hindi ka nagbayad ngayon, kakaladkarin namin kayo ng baliw mong kapatid patungo sa istasyon ng pulisya!"

Ang salitang 'baliw' ay nakapagpagalit dito.

Tinanggap ng lalaki ang lahat ng pang-aabuso sa kanya pero mayroon nang puwersa sa kanyang mga mata habang sumasagot siya, "Hindi baliw ang kapatid ko; hindi siya baliw!"

Hindi natinag ang mag-asawa.

Sarkastikong sinaway siya ng babae, "Kung hindi siya baliw o eh ano siya ngayon? Lahat ng nakatira dito ay alam na baliw sya! At lahat ng baliw ay nararapat sa isang mental hospital hindi dito sa publiko kung saan puro gulo ang dala niya! Kung hindi dahil sa kanya, masusunog ba ang bahay ko? Tingnan mo nga ang lugar na ito! Kung hindi dahil sa aw ako na iparenta ito sa iyo at ano ang iginanti mo? Muntikan na ninyo itong sunugin! Kung alam ko lang na may kasaysayan ng pagkabaliw ang kapatid mo, hindi ko iparerenta sa inyo ang bahay na ito!"

"Hindi baliw ang kapatid ko," pinagdiinan ng lalaki ang bawat salita. Ito lamang ang magagawa niya.

Nasa mali siya dahil sa pagkakautang niya ng pera sa mga ito kaya ito na lamang ang mahinang maikokontra niya habang hinahamak at iniinsulto sila ng kapatid niya ng dalawang ito.

Kung tutuusin, ayos lang siya na sa kanya ibunton ang lahat ng masasakit na salita. Pagngalitin lamang niya ang mga ngipin niya at lilipas din ito.

Pero hindi niya kayang tagalan na insultuhin ng mga ito ang kanyang kapatid dahil siya ang pinakamalapit niyang kaibigan at kapamilya.

Ang tangi niyang magagawa ay ang mahinang pasinungalingan ito…

At dahil mahina ang laban ng lalaki, mas tumindi pa ang pang-aabuso ng mag-asawa. Hanggang sa lumakas ng lumakas ang mga boses nito at umabot na ito sa loob ng kabahayan.

"Ah—" biglang nakarinig sila ng nakakakilabot na sigaw ng isang babae mula sa loob ng bahay.

Dali-daling tumakbo papasok ang lalaki sa bahay.

Hindi naman ito mapalampas ng middle-aged na mag-asawa. Nauubos ang kanilang pasensiya kapag nakikita ang babaeng baliw na iyon kaya noong narinig nila ang sigaw nito, naputol ang pasensiya nila.

"Xiao Mo, ilabas mo ngayon dito ang baliw na babaeng iyan! Binabawi na namin itong bahay na ito at susunod ka na sa amin sa istasyon ng pulis ngayon din!" Sigaw ng lalaki habang itinataas ang kuwelyo, may intensiyong batakin silang dalawa gamit ang dahas kung kinakailangan.

"Magkano ba ang utang nila sa iyo?" Bigla, isang tinig ng binata ang narinig nila mula sa kanilang likuran.

Napalingon sa kyuryosidad ang mag-asawa at isang kumikinang na bagong Ferrari ang kanilang nakita…

ตอนถัดไป