webnovel

May Malaking Bagay na Mangyayari

Editor: LiberReverieGroup

Pagod na ang katawan niya, pero sa ibang kadahilanan, ang antok ay hindi siya dinadalaw. Matapos lumabas ni Mubai sa shower, nakita nito na nakatitig ang mga maiitim niyang mata sa kawalan. Naupo ito sa tabi ng kama at humilig para kunin ang atensiyon niya. Nagtanong ito, "Ano'ng problema? Hindi ka makatulog?"

Ngumiti si Xinghe. "Wala ito, pakiramdam ko lang ay naging madali ang tagumpay sa lahat."

"Madali ang tagumpay?" Itinaas ng lalaki ang kanyang kilay habang nahihirapan itong makuha ang ibig niyang sabihin.

Tumango si Xinghe. "Oo, dekada ang ginugol ni He Lan Yuan para makumpleto ang misyong ito at madali natin itong napabagsak. Nagpunta pa nga tayo sa buwan, masyado lang itong hindi kapani-paniwala, iyon lang."

Nakakaunawang tumango si Mubai. "Alam ko na ang ibig mong sabihin."

Sandaling naging seryoso si Xinghe. "Sa tingin mo ba ay dahil sa may hindi tayo napansin?"

"Ano naman kaya iyon?" Natatawa si Mubai. "Huwag ka nang masyadong mag-isip, tapos na talaga ito."

"Gayun ba? Kung ganoon ay ano ang layunin sa likod ng proyektong ito na dinisenyo ng aking ina?" Tanong ni Xinghe. Ang tanong na ito ay naiwang nakatatak sa kanyang isip. Bago malaman ang katotohanan, hindi siya mapapalagay.

Alam ni Mubai na isa siyang metikulosong tao; hindi siya papayag na may matagong sikreto mula dito. Gayunpaman, ang panatilihing nag-aalala ang estado nito ay hindi magandang bagay.

"Hindi na mahalaga kung alam natin ang dahilan niya o hindi," alo sa kanya ni Mubai. "Siya ang iyong ina, sigurado akong hindi ka niya sasaktan."

Ang pakialam niya ang kaligtasan nito. Hanggang hindi ito nasasaktan, wala nang pakialam pa sa iisipin ng iba si Mubai. Gayunpaman, iba sa kanya si Xinghe; hindi niya maaaring palagpasin na lamang ang ginawa ng kanyang ina.

Seryosong umiling si Xinghe. "Tawagin mo na akong suspetsyosa pero sinasabi sa akin ng pakiramdam ko na hindi pa tapos ang lahat ng ito. Mayroong bagay na mangyayari na hindi natin inaasahan."

Hinaplos ni Mubai ang mukha nito at sinabi, "Ang krisis ng Earth ay tapos na, ano pa bang trahedya ang sa tingin mo ay mangyayari?"

"Wala akong clue."

"Pero may isang malaking pangyayari na hindi magtatagal ay dadating iyon ang nasisigurado ko."

"Ano ba iyon?" Naguguluhang tanong ni Xinghe.

Ibinaba ni Mubai ang kanyang ulo hanggang ang perpektong anyo nito ay ilang pulgada lamang ang layo sa kanyang mukha. Ang nangingislap nitong mga mata ay tumitig sa kanya ng may nag-aalab na passion habang ang mainit nitong hininga ay kinikiliti ang kanyang mukha.

"Isang kasalan," mapang-akit nitong bulong.

Nagulat si Xinghe bago nito naintindihan. Hinawakan ni Mubai ang braso nito at mariin ngunit magiliw nitong sinabi, "Magpapakasal tayo pagkatapos nating bumalik."

Matigas talaga ito pagdating sa ganitong bagay. Kumurba ang mga labi ni Xinghe para ngumiti. "Okay…"

Ang iba pa niyang sasabihin ay nawala na dahil ang mga labi niya ay natakpan na nito.

Ang pinakamasarap na pahinga ni Xinghe ay sa yakap ni Mubai. Matapos ang mahabang pahinga, kinabukasan, haharapin nila ang mga embahador mula sa United Nations. Ang grupo ni Xinghe ay handang sabihin sa kanila ang lahat, maliban na lamang… sa parte tungkol sa kanyang ina.

Sa maliwanag at malawak na silid ng pagpupulong, sina Xinghe, Mubai at Sam ay inilahad ang lahat. Sinabi ng isang embahador ng nakangiti, "Salamat sa inyong tulong. Salamat sa inyong pagpupunyagi, nagawa nating makuha ang mga tao mula sa buwan ng matagumpay. Ang kontribusyon ninyo ay habambuhay na maaalala. Kayo ang mga bayani ng mundo, at gagantimpalaan namin kayong lahat ng pinakamalaking katanyagan. Kung may kahilingan kayo, maaari na ninyo itong sabihin sa ngayon."

May gustong sabihin si Sam, pero nanahimik ito matapos ang maiksing agam-agam.

Next chapter