webnovel

Isaayos ang Lahat

Editor: LiberReverieGroup

Nauunawaan ni He Bin, mula sa araw na iyon hanggang sa huli, kinakailangan na niyang magpanggap bilang si He Lan Qi. Ito ay para mapamahalaan ang mga plano ni Xinghe.

Tumango si He Bin. "Huwag kang mag-alala. Alam ko na ang gagawin."

"Mabuti." Tumango si Xinghe bilang pagtugon. Umalis siya pagkatapos maisaayos ng ilan pang mga bagay. Mayroon nang kotse na nag-aabang para sa kanya nang umalis siya ng He Lan Villa. Si Mubai at ang kanyang mga kaibigan ay nasa sasakyan. Alam nilang lahat na ang plano ay naging matagumpay nang makita ng mga ito na ligtas siyang nakalabas ng bahay.

"Xinghe, patay na ba si He Lan Chang? Tagumpay ang plano, tama?" masayang tanong sa kanya ni Ali na nakaupo sa harap habang papasok siya ng kotse. Si Sam na nagmamaneho at si Mubai na nakaupo sa tabi niya ay sabay-sabay na tumingin sa kanya, ang mga ito ay naghihintay ng kanyang sagot.

Iniling ni Xinghe ang kanyang ulo. "Hindi, buhay pa rin siya, hindi kaya ni He Bin na patayin siya. Gayunpaman, gugugulin ni He Lan Chang ang natitirang bahagi ng kanyang buhay sa paghiga sa kama."

"Mabuti!" masayang sabi ni Ali. "Hindi na din masamang bagay ito. Mabuti nga sa kanya. Hindi pa din ako makapaniwala na mabilis lang natin naisagawa ang plano, ngayon walang sinuman ang haharang sa daraanan natin."

Sabi ni Sam habang nakangiti, "Ang lahat ng ito ay dapat nating ipagpasalamat sa memory cells. Ang bagay na ito ay talagang kamangha-mangha, kapag binago mo ang iyong alaala bago ka mamatay, ibig sabihin ba nito na pwede ka nang habang buhay na mabuhay?"

Noong unang beses nilang malaman ang tungkol sa memory cells, wala silang masabi sa sobrang pagkabigla. Hindi sila makapaniwala na may ganoong bagay sa mundong ibabaw. Gayunpaman, kinakailangan nilang paniwalaan ito na ang katotohanan ay nasa kanila nang harapan. 

Hanggang sa ngayon, mahirap pa rin sa grupo nila Sam na may ganitong bagay sa ibabaw ng mundo.

Iniling ni Xinghe ang kanyang ulo. "Hindi, ang pananaliksik ni Lu Qi ay nagdala ng liwanag sa isang napakalaking kahinaan sa memory cell technology na ito. Maiksing panahon lamang itong pwedeng maging epektibo; aabutin ng halos kalahating taon para ang lahat ng mga ito ay natural na mamatay. Sa gayong dahilan, si He Bin ay maaaring lamang mamuhay bilang si He Lan Qi sa loob ng halos kalahating aon lamang."

Ang memory cells ay hindi sinadyang tumulong sa mga tao ng panghabang buhay, bagaman may malalim na pagdududa si Xinghe na kaya ito ang naging dahilan kung bakit si He Lan Chang ang nanguna sa paggawa ng pag-aaral tungkol sa teknolohiya na ito. Alas, ang teknolohiya na ito ay masyadong labag sa natural na tuntunin ng buhay. Ito ay mayroong limitasyon. Marahil hindi talaga ito ginawa para makamit ang ganap na tagumpay, para mapagtagumpayan ang nakamamatay na kapintasan nito.

Hula ni Xinghe na, sa loob ng mga susunod na daang taon, ang tagumpay ay hindi maaaring posible.

"Hindi na ito alintana, kahit na anim na buwan lamang ang itatagal nito, ang bagay na ito ay labis nang tatatak sa isip ng isang tao. Gayunpaman, ang makapangyarihang teknolohiyang ito ay hindi maaaring mahulog sa mga kamay ng maling tao kung hindi ang mundo ay magiging isang magulong lugar," pag-oobserba ni Sam.

"Nauunawaan namin." Tango ni Xinghe. Nagkaroon na sila ng mahabang pag-uusap tungkol dito; ang memory cells ay hindi dapat na maianunsyo sa publiko. Sa kasalukuyan, ang tanging may alam lamang nito ay ang mga pinagkakatiwalaang kaibigan ni Xinghe, at hindi na nila kailangan mag-alala tungkol kay He Bin.

Siyempre, hindi hahayaan ni Xinghe na malaman ni Chui Qian ang tungkol sa teknolohiyang ito. Sa huli, walang sinuman ang makakaalam na mayroong ganoong bagay sa mundong ibabaw.

"Saan na tayo sunod na tutungo?" humilig si Mubai habang nagtatanong.

Ngumiti si Xinghe at sinabi, "Ang makipagkita kay Chui Qian at ang bigyang solusyon ang kaso ni He Lan Qi. Ngayong araw, tutulungan natin si He Lan Qi na malinis niya ang kanyang pangalan."

Nauunawaan ng lahat na ang He Lan Qi na binabanggit ni Xinghe ay si He Bin, na kasalukuyang nasa katawan ni He Lan Qi. Para sa tagumpay ng kanilang mga pinaplano, kinakailangan nilang linisin ang pangalan ni He Lan Qi at para magawa iyon, kinakailangan nila ng tulong ni Chui Qian.

Kaya naman, nakipag-ugnayan agad si Xinghe kay Chui Qian. Sinabi niya dito na maayos na ang lahat at gusto niya itong makita ng harap-harapan.

Nabigla si Chui Qian. "Ang lahat ay nabigyan na ng solusyon?"

Sa loob ng nakalipas na ilang oras, ang kanyang puso ay nananakit sa sobrang kaba. Nang malapit na siyang mawasak sa sobrang kagipitan, ang tawag ni Xinghe ay parang isang ulan na nagtanggal ng lahat ng kanyang alalahanin. Umupo siya ng mas tuwid at bumalik na ang kulay ng kanyang mukha.

"Oo, hindi ka na kailanman magagawang takutin pang muli ni He Lan Chang. Nagawa pa naming kumbinsehin si He Lan Chang na tulungan tayo at nangako na ililihim niya ang lahat ng iyon," pagtitiyak ni Xinghe.

Next chapter