webnovel

Expanded

Editor: LiberReverieGroup

Hindi nagtagal, ang defense system ng base ay ma-aactivate na!

Pagkatapos noon, ang base ay sasabog, at walang makakaligtas.

"Gaano pa kadami ang oras na natitira sa atin?" Seryosong tanong ni Mubai kay Xinghe. Sumagot si Xinghe nang hindi iniaalis ang kanyang mga mata sa screen, "Siguro ay wala nang isang minuto!"

Nagulat si Mubai, mayroon na lamang silang napakaikling oras na natitira. Ang kanyang mga kamay na nakahawak sa helmet ay lalong humigpit, handa na siyang isuot ito kay Xinghe kapag dumating na ang oras. Ang lahat ay nakalipat na sa mga spaceship. Ang base ay malaki, mayroong hangar doon na ginagamit para itago ang mga spaceship, ang mga spaceship ay malaki at madami kaya sapat na ito para maisakay ang lahat ng mula sa base. Ito ang mga spaceship na inihanda ni He Lan Yuan sa kanyang engrandeng pagbabalik sa Earth. Gayunpaman, kung wala ang kanyang utos, ang barrier sa itaas ng hangar ay hindi mabubuksan at ang mga spaceship ay hindi makakalipad.

Kinokontrol ni He Lan Yuan ang lahat ng naroroon at nababaliw na para wasakin ang mga ginawa nito ng buong buhay niya. Dahil pumalya ang kanyang plano, mas nanaisin pa nitong pumalpak ang lahat ng kasama niya. Ang nahihibang nitong tawa ay ni hindi tumigil kahit minsan sa panahong ito.

Pero sa tingin ba niya ay talagang mapapatay niya ang lahat ng ganoon kadali? Imposible!

Makikita ang nag-aalab na determinasyon sa mga mata ni Xinghe. Hindi siya susuko, hindi hanggang sa huling segundo!

Tuluyang nakapasok si Xinghe sa kanyang optimum state, ang kanyang limitasyon ay muling tumulak sa pinakamataas na antas. Ang panlabas na mundo ay natahimik at kahit ang oras ay bumagal. Hindi niya sinayang ang kahit na isang ikasampu ng isang segundo, ang huling minuto ay ginamit hanggang sa pinakahuling kapasidad nito.

Ang ere sa base ay tumitindi ang kaba habang sinusundan ang kanyang nkahibang na pagtipa sa keyboard. Ang mga sirena ay lalong lumalakas na tila ba mababasag na nito ang sound barrier sa kahit na anong sandali!

Habang ang lahat ay mararating na ang pinakamatindi ito, ilang segundo bago ang malaking pagsabog, ang mga sirena sa base ay tumigil!

Sina Shi Jian at ang iba pa na nasa spaceshop ay natigilan.

Nanigas sila sa kinatatayuan at nagkatinginan na mahahalata ang hindi pagkapaniwala. Ang mga sirea na tumigil…

Matagumpay si Xinghe, nagawa niyang ma-crack ang defense system?!

Tila ba sinasagot ang kanilang mga tanong, ang barrier sa itaas ng hangar ay mabagal na bumukas. Ang pekeng asul na kalangitan ay nahati para ipakita ang malawak at madilim na kalawakan. Walang mas matindi pa sa sandali kung saan gustung-gusto nilang makita ang hitsura ng kalawakan. Ang mga kaluluwa nila ay tila nakatakas sa malawak na kawalan, napakalaki at napakalaya. Ang pakiramdam ng kalayaan ay nakakagaan ng loob kung kaya't gusto na nilang tumawa ng malakas. At ito nga ang ginawa nila, tumawa sila ng tulad ng hindi pa sila nakakatawa dati, kung saan hindi ito nalalayo sa katotohanan.

Ang mga tao sa base ay hindi pa nalalaman ang pagtawa, pero sa sandaling iyon, tumawa sila mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso at doon nila lubusang naintindihan ang kahulugan ng salitang, saya.

Ang pakiramdam ay mas higit pa sa panaginip ng pagsakop sa mundo. Tama si Sam, hindi pa talaga nila nararanasan ang kaligayahan at saya. Hindi nila ito mararanasan kung mananatili sila doon. Salamat na lamang, aalis na sila sa lugar na ito!

Agad na iniutos ni Shi Jian ang ilang tao na sunduin na sina Xinghe at Mubai. Pagkatapos, doon lamang niya nalaman na nawala si Sam. Hindi niya napansin na nagmamadaling lumabas si Sam ng spaceship sa sandaling tumigil ang mga sirena.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Shi Jian at isinama na ang mga tauhan niya para humabol dito.

Next chapter