webnovel

Ang Nag-iisang si Xia Xinghe

Editor: LiberReverieGroup

Ito ang kanyang mga matutulis na daliri na may mga linya na dati ay pinakaaayaw niya. Sa pagkakataong ito ay nakita niya ang kahalagahan ng mga ito dahil ito ay sarili niya. Ang mga ito ay ang pag-aari ng orihinal na Xia Xinghe, sa wakas ay tinitingnan na niya ang sarili niyang mga kamay!

Lumingon siya para tanungin ang nars, "Ano ang petsa ngayon?"

"Ngayon ay ang ikalawa ng Nobyembre."

Ang ibig sabihin nito ay wala siyang malay ng higit pa sa isang buwan. Mukhang ang kanyang alaala ay naibalik na. Itinulak ni Xinghe ang sarili palayo sa kutson at sinubukang umalis sa kama.

Pero mabilis siyang pinigilan ng doktor. "Miss Xia, ano po ang inyong ginagawa? Kagigising mo lang, pakiusap huwag mong pagurin ang sarili mo."

"Papunta sa banyo," mahinang sambit ni Xinghe. Kahit na mahina ang kanyang katawan, ang kanyang lakad ay may natural na tiwala sa sarili ang nandoon.

Pinag-aralan siya ng nurse ng may mapang-usisang ekspresyon. May pakiramdam siya na may nagbago sa loob ni Xinghe. Mukhang malaki ang ipinagkaiba nito mula sa dati…

Tumayo si Xinghe sa harapan ng salamin sa banyo att pinag-aralan ang mukha sa salamin. Nanginig ang kanyang mga mata. Ito na ang dati niyang mukha ulit. Ang mga alaala ay naipagpalit na, nakabalik na siya sa dati niyang sarili. Mas gusto niya ang pakiramdam na ito dahil sa paraang ito lamang niya makokontrol ang kanyang kinabukasan. Ang kanyang katawan, ang kapalaran niya.

Ngumiti si Xinghe at tinanggap ang katotohanan na ang katawan niya ay naibalik na ng walang masyadong aberya.

Lumabas siya ng banyo at tinanong ang nars, "Nasaan si Mubai?"

Ngayon ay pakiramdam ng nars na talagang nagbago na si Xinghe. Ang naunang Xia Xinghe ay isang karaniwan at normal na tao lamang, na may kaunting kahinaan. Ngunit, ang Xia Xinghe sa kanyang harapan ay may mala-reynang presensiya. Ang mga salita nito ay mahihila ka at hindi ka maglalakas-loob na suwayin siya.

Magalang na sumagot ang nars, "Nandito lang kanina si Mr. Xi pero umalis siya matapos ang isang tawag sa telepono. Nitong mga nakaraan, ginugugol niya ang lahat ng oras niya dito, naghihintay na ikaw ay magising."

Tumango si Xinghe bago idinagdag na, "Maaari mo ba akong tulungan na makahanap ng kapalit na damit? Gusto ko sanang maligo."

"Sige…" kumilos na ang nars pero bumalik ito matapos ang ilang pag-aalinlangan. "Miss Xia, kakagising mo lamang, kaya maganda siguro na ipagpaliban mo muna ang paliligo hanggang sa nabawi mo na ang iyong lakas."

"Huwag kang mag-alala, ayos lamang ako." Sabi ni Xinghe bago bumalik sa loob ng banyo.

Nalaman niya marahil na ang mga taong pumupunta ay nililinisan siya araw-araw pero mas gusto niyang bigyan ng pabuya ang sarili sa pamamamagitan ng isang mahabang pagligo. Isa pa, sarili n iyang katawan ito at natuto siya na pahalagahan ito.

Matapos ang paliligo, nagpalit na ng bagong damit si Xinghe at nakakain na din ng isang mangkok ng lugaw. Mas umigi agad ang kanyang pakiramdam.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang nakasandal siya sa sofa. Ang hangin sa loob ng silid ay may kaunting bango mula sa mga bulaklak na nasa labas. Pakiramdam niya ay ipinanganak siyang muli, at masasabi na sa nakaraang paraan, ay nangyari nga.

Bumalik ang kanyang isip sa panahon na nakasal siya kay Mubai, ang pakiramdam ng pagkamuhi niya sa sarili, ang pakiramdam ng walang magawa at pagpapakumbaba…

Pero sa ngayon, mas gusto na niya ang taong naging siya. Masaya siya na nakabalik na siya sa dati niyang sarili at sumupa siya na aalagaan ang sarili kahit na ano pa ang mangyari sa hinaharap. Matapos ang lahat ng mga pangyayari, may bagong pagpapahalaga na siya sa kung gaano kabuti na maging siya. Ang magkaroon ng buong kontrol sa kanyang sariling kapalaran, ito ang pinakamakabuluhang bagay sa mundo. Kaya naman, mula ngayon, siya lamang ay magiging si Xia Xinghe, ang nag-iisang Xia Xinghe!

Matapos ang bihira at sentimental na sandali, tumayo si Xinghe at nagsimulang magtrabaho. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at nagsimulang magtrabaho gamit ang computer na nasa silid.

Noong nakaraan, ang computer ay para kay Xia Meng para manood ng telebisyon o maglaro kapag ito ay naiinip.

Ngayon, isa itong bagay na may malaking kombenyensya para kay Xinghe. Nag-download siya ng isang 3D facial modeling program at nagsimulang iguhit ang mukha ng misteryosong lalaki mula sa alaala…

Next chapter