webnovel

Ngayon ang Huli Niya!

Editor: LiberReverieGroup

Maingat na kinarga ni Mubai si Xinghe sa kanyang mga bisig at inutusan ang mga lalaki, "Dalhin ninyo ang katawan ng mga aso at agad na haanpin ang dalawang kidnapper. Gusto kong mahuli ninyo sila bago matapos ang gabing ito!"

"Yes, sir!" Ang grupo ng mga sanay na sundalo ay sumagot sa maliwanag na tinig. Ang dalawa ay magkakaroon ng hindi magandang katapusan tulad ng hula ni Xinghe!

Siyempre, ang may pakana ay hindi din ligtas!

Ang may pakana ay hindi makakalampas mula sa paghihiganti ni Xinghe pati na rin sa galit ni Mubai.

Sa oras na ito, padadanakin niya ang dugo.

Kahit sino pa ang may sala, pagbabayaran nila ito ng mahal!

Agad na dinala sa ospital si Xinghe. Kahit na nagtamo siya ng ilang seryosong pinsala, hindi naman ito nakakamatay.

Nagising siya bago pa sumapit ang dilim.

Nakaupo sa kanyang tabi si Mubai, binabantayan siya. Hindi umalis ang mga mata nito sa kanyang mukha ni minsan.

Kaya naman, sa oras na binuksan ni Xinghe ang mga mata niya, nasalubong niya ang mariing titig ni Mubai.

Nang makita niyang nagising na ito, nanginig ng bahagya ang mga mata ni Mubai at nag-aalala itong nagtanong, "Ano na ang pakiramdam mo? Nauuhaw ka ba? May magagawa ba ako para umigi ang pakiramdam mo?"

"Ano ang mga sugat ko?" Direktang tanong ni Xinghe, ang takbo ng isip niya ay naiiba sa mga pasyenteng nakaranas ng nakakatakot na pangyayari.

"Nagsisimula ka ng gumaling ng maayos. Mukhang seryoso ang mga sugat mo pero salamat at wala silang nasirang kahit ano. Gagaling ka na din tulad ng dati matapos ang ilang buwan ng pahinga."

"Mabuti," sabi ni Xinghe habang sinusubukan niyang maupo. Napasimangot si Mubai at mabilis na pinigilan siya, "Ano ang ginagawa mo? Humiga ka na bilis!"

Pinalis ni Xinghe ang mga kamay nito at naupo ng may determinadong tingin. "Maghihiganti ako!"

Nagulantang si Mubai. "Ano ba ang sinasabi mo?"

"Hindi pa ba ako maliwanag?" Matiim siyang tiningnan ni Xinghe at ipinagdiinan ang bawat salita, "Pagbabayarin ko ng mahal ang mgay may gawa nito sa akin! Pagsisisihan nila ang pagtarget sa akin o sa mga taong mahal ko!"

Nagdilim ang mga mata ni Mubai at kumurba ang mga labi nito para sa isang makasalanang ngiti. "Huwag kang mag-alala, ako na ang maghihiganti para sa iyo. Perosnal kong ipapadala sa impyerno ang mga nangahas na saktan ka! Isinusumpa ko na ang paghihiganti ay magiging matamis pero sa ngayon, kailangan mong magpahinga."

"Salamat pero hindi na, mas gusto kong ako mismo ang makaranas nito," at sinubukan na ni Xinghe na bumaba mula sa kama niya.

Mga bagay na tulad nito ay mga bagay na gusto niyang gawin ng sarili niya.

Isa pa, ayaw niyang maghintay at wala na siyang oras na maghintay, kailangan na niyang maghiganti ngayon.

Malapit ng dumating ang kamatayan at kung hindi niya mapapatumba ang kaaway agad, maaaring balingan nito ang pamilya niya pagkatapos niyang mawala.

Hindi niya ito mapapayagang mangyari. Hindi niya aasamin ang mga bagay na nangyari sa kanya ay maranasan ng kahit sino sa pamilya niya.

Napuno ng galit ang puso niya at kung wala siyang gagawin para dito, baka mabaliw siya.

Nakikita ang determinasyon nito, alam ni Mubai na walang saysay na payuhan pa siya. "Okay pero sasama ako sa iyo! Gayunpaman, ipapaalala ko sa iyo na ang mga taong ito ay hindi tauhan ni Chui Ming."

Matapos bumagsak ng Chui Corps, nawala kay Chui Ming ang bawat impluwensiya na mayroon siya. Matapos siyang makulong, inutusan ni Mubai ang mga tao niya na tapusin ang mga mapanganib na tao kaya ang mga kidnapper ay siguradong hindi mga tauhan ni Chui Ming.

Ang katotohanan na ang dalawang kidnapper ay mabait para ilantad ang kanilang 'pagkakakilanlan' at hindi kumpiskahin ang telepono ni Xinghe ay isang plano na ibaling ang sisi kay Chui Ming.

Agad na nakita ni Mubai ang panlilinlang.

Siyempre, ganoon din si Xinghe.

"Alam kong hindi siya iyon. Kilala ko kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Sa tingin niya ay tahimik ko na lamang tatanggapin dahil hindi ko ito maikokonekta pabalik sa kanya… napakasimple, dahil mali ang inakala niya! Ipapaalam ko sa kanya ngayon na ako, si Xia Xinghe, ay hindi madaling supilin! Ngayon na ang huli niya!"

"Sino siya?" Tanong ni Mubai na may kalamigan sa kanyang tono.

Next chapter