webnovel

Bringing the Nation's Husband Home (Tagalog)

Autor: Ye Fei Ye
Ciudad
Terminado · 6.4M Visitas
  • 973 Caps
    Contenido
  • 4.6
    1.5K valoraciones
  • NO.200+
    APOYOS
Resumen

Labing-tatlong taong lihim na pinapangarap nina Qiao Anhao at Lu Jinnian ang isa’t-isa at ngayon ay nabigyan sila ng bagong pagkakataon. Alam nilang hindi normal ang mga kailangan nilang pagdaanan, pero hindi pa rin nila kayang isuko nalang ng basta basta ang kanilang ipinaglalaban na pagmamahal. Napilitan silang pumasok sa isang pekeng kasal kaya kinailangang pakisamahan ni Qiao Anhao ang walang emosyon at hindi mahilig makisalamuhang si Lu Jinnian. Matapos ang ilang taon, muntik na nang mawala ang oportunidad na makasama ang isa’t-isa, at dahil sa napakaraming hindi pagkakaintindihan, paano kaya nila maipaglalaban ang huli nilang pagkakataon sa pag-ibig? ***Ang 'Nation's Husband’ Korean term na ang ibig sabihin ay isang lalaking perpekto sa paningin ng publiko-lalaking pinapangarap na mapangasawa ng lahat.

Chapter 1Bringing the ‘Nation's Husband’ Home (1)

Lahat ay kaya nating gawin para sa pagmamahal, ngunit kadalasan ay nakakalimutan nating sabihin ang salitang "mahal kita".

Naunang nagising si Qiao Anhao nang tumunog ang alarm ng telepono ni Lu Jinnian. Sa pagdantay niya sa kanyang tagiliran, napagtanto niyang nakatulog siya sa braso ni Lu Jinnian. Pagkatapos ng dalawang segundo, saka lang nagsimulang bumalik sa kanya ang mga nangyari sa nakaraang gabi. Sa gulat ay napatalon siya pababa ng kama at tumakbo papuntang banyo dahil sa takot. Dahil dito ay nagising ng tuluyan si Lu Jinnian.

Sa pagmulat nang kanyang mata, si Qiao Anhao agad ang kanyang nakita na tumatakbo papuntang banyo. Kahit na nasulyapan niya lang ito, malinaw niyang nakita na wala itong suot, at ang mga kissmark sa kanyang maputing balat. Kaunti sa mga pangyayari ang bumalik sa kanyang isipan. Inakyat siya ni Qiao Anhao, hinalik-halikan, at sa huli ay dahan-dahang hinubaran ng damit. 

Napakunot ang noo ni Lu Jinnian habang masuring tinitignan ang kwarto. Nakita niya ang magulong kama, ang nagkalat na damit sa sahig, at ang pulang marka sa sapin ng kama.

Maraming alak na nainom si Lu Jinnian kinagabihan, na siyang dahilan sa sakit ng ulo niya. Ngunit hindi ito naging hadlang sa kanyang pag-iisip. Sa loob lang ng halos isang segundo, naintindihan niya kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa.

Hindi iyon panaginip lang! Totoo ang lahat!

Nandilim ang paningin ni Lu Jinnian, napahawak siya ng mahigpit sa kanyang kumot. Matapos ang ilang segundo, hinagis niya ang kumot at naglakad papuntang banyo, kita ang galit sa kanyang mukha.

Sinara ni Qiao Anhao ang pintuan ng banyo habang humihinga ng malalim. Nakainom din siya kagabi. Dahil sa kalasingan, inakyat niya si Lu Jinnian. Dahil sa pag-aakala niya na panaginip lang iyon, lakas-loob niyang hinalikan si Lu Jinnian, at inakit ito. Hindi kailanman tumagos sa kanyang isipan na hindi isang panaginip ang mga nangyayari.

Dalawang buwan na silang kasal pero hindi dahil sa mahal nila ang isa't-isa, wala ring nakakaalam sa relasyon nilang dalawa. Matagumpay nilang naiwasan ang isa't-isa sa loob ng unang dalawang linggo matapos silang ikasal. Sa sandaling lumabas sila ng bahay, agad nilang itinuturing na hindi sila magkakilala. Ngunit ngayon, nasira niya ang kasunduan nilang dalawa.

Ano ang magiging reaksyon niya?

Iniisip niya palang ito pero kinikilabutan na siya sa takot.

Nanginginig niyang inabot ang showerhead. Sinusubukan niyang pakalmahin ang kanyang sarili gamit ang malamig na tubig, nang biglang bumukas ang pinto. Galit na pumasok si Lu Jinnian at pahablot nitong hinatak ang kanyang braso. Gamit ang isa pa niyang kamay ay hinawakan niya ang leeg ni Qiao Anhao, sabay tulak sa kanya sa pader.

Sa kanyang galit ay hindi binigyang pansin ni Lu Jinnian ang lakas ng pagtulak niya. Nakaramdam ng matinding pananakit sa kanyang likuran si Qiao Anhao ngunit bago pa man niya mabawi ang kanyang sarili, ay nanggagalaiting nagsalita si Lu Jinnian, "Qiao Anhao, hindi ko inakala na kaya mo akong pagsamantalahan, paano mo nagawa sakin to?!"

También te puede interesar

Until the Day Comes

Wag kang magmahal kung hindi pa handa ang puso mong wasak Wag mo akong paikutin sa matatamis mong paglalambing sa tuwing hinahanap mo ang dating init ng taong iniwan ka’t winasak. Hindi ako isang mighty bond na kaya kang buoin at mas lalo nang hindi ako band-aid para takpan ang sugat na iniwan ng nakaraan. Wag mo akong paasahin sa balang-araw na baka ako ang piliin. Wag mong ibato sakin ang masasakit mong salita na dapat ay sakanya, siyang sinaktan ka’t iniwang wasak at lumuluha. Kahit anong gawin ko, hindi kita kayang buoin kasi hindi ako diyos at hindi ako ikaw. Bago mo ko muling lapitan, Tumingin ka sa salamin at tanungin ang sarili “Handa na ba ko muling magmahal?” Handa ka na bang sumabak muli. Ayusin ang sarili’t pahilumin ang mga sugat at wag iasa na sa muling pag mahal Makakalimutan ang nakalipas at mapupunan ang butas na hinahanap ng puso. Wag kang magmahal kung alam mong wasak na wasak kapa Magmahal ka kapag handa kana Kapag buo kana Kasi kahit anong pag pilit mo Kahit anong pagtangka mo Puso mo ang kalaban Puso mo ang nahihirapan Kaya habang hindi pa huli ang lahat, Wag mo akong mahalin kung ang puso mo Wasak pa rin sa bakas ng kahapon. —- Si Darren ay anak ng isang mayaman na businessman sa Pilipinas. Alam ng lahat kung paano niya ginawa ang lahat makuha lamang ang titolong ipinangako sakanya ng kanyang ama at matapos ng ilang taong pag sasakripisyo at pag pupursige ay nakamit na niya ang kanyang pangarap. Ang maging CEO nang kanilang kompanya at ang maging handa para sa pag buo ng sarili niyang pamilya kasama ang kanyang apat na taong kasintahan na si Jana. Si Jana, isang business marketing specialist na nakilala ni Darren during college at simula noon ay naging mabuti na ang kanilang pagsasama. Para sakanya, as long as masaya ang pamilya niya at ang kanyang nobyo, wala na siyang mahihiling pa. Ngunit sa kalagitnaan ng lahat, makikilala niya ang isa mga taong magiging kakumpetensiya niya sa lahat ng bagay. Si Allyza, ex-girlfriend ni Darren. Umalis sila ng pamilya niya sa Pilipinas nung high school pa lamang sila at hindi niya sinabi kay Darren ang dahilan ng biglaan nilang pag migrate sa US. After ng ilang taon muli siyang babalik ng Pilipinas. ———————————————————————- This is not your ordinary cliche love story. Things are about to get messy and tragic. People will get hurt and some will definitely lose somebody. Thank you again and God Bless you all

IamCess · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
11 Chs
Tabla de contenidos
Volumen 1
Volumen 2