'Wala siya sa bahay?'
Biglang napakunot ng noo si Xu Jiamu, at dali-daling kinuha ang kanyang
phone para muling tawagan si Song Xiangsi. Sakto, nang marinig niyang
nagring ang kanyang phone, may narinig rin siyang phone na nagaalert galing
sa labas ng kwarto, kaya dali-dali siyang niyang binuksan ang pintuan at
tumakbo papunta sa sala. "Saan ka nagpunta?"
Hindi maganda ang itsura ni Song Xiangsi. Medyo magulo ang pagkakapusod
ng buhok niya at halatang hinang hina ang kanyang katawan, kaya nang
marinig niya ang boses ni Xu Jiamu, tinignan niya lang ito, at parang walang
pakielam, muli siyang yumuko para magpalit ng tsinelas.
Muling nagsalita si Xu Jiamu, "Nagbook ako ng lamesa sa China World Hotel.
Wag ka ng magpalit ng sapatos, dumiretso na tayo 'dun."
Pero parang walang narinig si Song Xiangsi at nagpatuloy lang siya sa
ginagawa niya. Pagkatapos, naglakad siya papunta sa kusina para uminom ng
tubig.
Pagkatapos ng dalawang magkasunod na tanong na walang sagot, muling
napakunot ng noo si Xu Jiamu at nagaalalang nagtanong, "Anong problema?
May nangyari ba sayo ngayong araw?"
Pagkatapos niyang uminom, hindi dumiretso si Song Xiangsi sa sala, bagkus,
tumanday siya sa dining table at tinitigan si Xu Jiamu ng diretso sa mga mata,
"Kagagaling ko lang sa ospital."
Ospital? Nang sandaling marinig ni Xu Jiamu ang sinabi ni Song Xiangsi, bigla
siyang kinabahan, kaya walang pagdadalawang isip siyang naglakad ng
mabilis papalapit dito. "Anong nangyari? May sakit ka ba? Bakit ka
nagpuntang ospital? Bakit hindi mo ako sinabihan? Dapat sinamahan…"
Pero hindi pa man din tapos si Xu Jiamu sa pagsasalita, biglang sumabat si
Song Xiangsi. "Buntis ako."
Nang sandaling bitawan ni Song Xiangsi ang mga salitang ito, biglang nanlaki
ang mga mata ni Xu Jiamu, at hindi niya maipaliwanag ang kaligayahan na
nararamdaman niya, kaya ang kanina niyang nagaalalang itsura ay biglang
napalitan ng hanggang tengang ngiti. "Talaga…"
Ngunit sa pangalawang pagkakataon, hindi siya hinayaan ni Song Xiangsi na
matapos sa sinasabi niya dahil bigla itong naglabas ng tumpok ng papel mula
sa bag nito.
"Pregnancy check up report?" Masayang tanong ni Xu Jiamu. Sabik na sabik
niyang kinuha ang mga papel para basahin ang laman nito, pero pagkatapos
ng pangalawang linya, bigla siyang natigilan….Nanginig ang kanyang mga
kamay habang nakatitig sa hawak niyang papel…. Malinaw ang nababasa
niya, pero anong ibig sabihin ng mga ito? Ilang sandali rin niyang pinilit
iproseso ang lahat bago siya dahan dahan at mangiyak-ngiyak na tumingin
kay Song Xiangsi, "Anong ibig sabihin nito?"
Pero kabaliktaran ng reaksyon niya, ngumiti lang si Song Xiangsi at parang
hindi apektadong sumagot, "Black and white naman yan ah? Hindi mo ba
mabasa, Mr. Xu?"
Habang nakatitig kay Song Xiangsi, halos hindi na makahinga si Xu Jiamu sa
sobra sobrang emosyon.
Pero hindi pa rin nagpatinag si Song Xiangsi, hindi niya inalis ang kanyang
mapangasar na ngiti, at inagaw ang papel mula kay Xu Jiamu para basahin ng
kalmado ang mga nakasulat dito. "Song Xiangsi, female, surgical abortion…."
"Tama na!" Galit na galit na sigaw ni Xu Jiamu.
Pero hindi pa rin tumigil sa pagbabasa si Song Xiangsi na para bang wala
siyang narinig na kahit ano.
Kaya sa inis ni Xu Jiamu, bigla niyang inagaw ang mga papel, at galit na galit
na ibinato sa mukha ni Song Xiangsi. "Tumigil ka na! Naririnig mo ba ako!"
Kaya biglang natigilan si Song Xiangsi, at imbes na sumagot pabalang ay
tinitigan niya si Xu Jiamu ng diretso sa mga mata.
Ito ang unang pagkakataon na nasindak si Xu Jiamu sa titig ni Song Xiangsi,
pero dahil sa sobrang emosyunal niya, naginginig niyang tinuro ang mga
nagkalat na papel, "Pinalaglag mo ang anak ko?"
"Oo…" Tumungo si Song Xiangsi at nagpatuloy, "Tapos na. Gusto mo ba,
basahin ko ulit sayo…"
Pagkatapos magsalita, biglang yumuko si Song Xiangsi para pulutin ang mga
papel na tinapon ni Xu Jiamu.
Pero hindi pa man din lumalapag ang ang mga daliri niya sa sahig, bigla
siyang hinawakan ni Xu Jiamu at walang awang inipit sa pagitan ng katawan
nito at ng lamesa, "Tatanungin kita sa huling pagkakataon, pinalaglag mo ba
talaga ang anak ko?"