"Ano, car accident?"
Magkasama noong hapong iyon sina Qiao Anhao at Qiao Anxia…
Halata kay Lu Jinnian, na kadalasang walang reaskyon, ang kaba. Hindi makalagaw ang kanyang buong katawan at nakinig ng mabuti. Narinig niya ang mahinahong tanong ni Cheng Yang, "Nasaktan ka ba? Grabe ba yung bangga…"
Binuksan ni Cheng Yang ang pintuan ng director's room para lumabas at agad ding isinara ito kaya wala ng marinig si Lu Jinnian mula sakanya. Lalo pang kumunot ang mga kilay ni Lu Jinnian dahil sa pag-aalala at kaba.
Hindi natinag ang direktor kahit na lumabas si Cheng Yang. Ang hindi mahilig magsalita na si Lu Jinnian ay nanatiling nakaupo ng tahimik sa sofa. Nakatingin lang ito sa bintana kaya mukha talaga siyang nakikinig
sa mga sinasabi ng direktor, pero halata rin na wala siya sa kanyang sarili.
Nagsabi ang direktor na pagod na siya. Sa wakas ay patapos na, tumingin ito kay Lu Jinnian at nagtanong, "Mr. Lu, anong masasabi mo sa mga pagbabago sa script?"
Hindi kumibo si Lu Jinnian habang patuloy na nakatingin sa bintana.
Kinuha ng direktor ang kanyang tasa na nasa lamesa at humigop. Tumingin ito muli kay Lu Jinnian na hindi sumagot, at muling sinabi, "Mr. Lu?"
Kumunot ang mga kilay ni Song Xiangsi at lumingon kay Lu Jinnian. Nakita niya itong nakatulala kaya naman bigla niya itong kinalabit. Mahina niyang sinabi, "Anong iniisip mo? Tinatanong ka ng direktor kung ano raw masasabi mo."
"mm" lamang ang naisagot ni Lu Jinnian at nang tuluyang matauhan, agad niyang tinanggal ang kanyang pagkakatingin sa bintana. Noong mga oras na iyon, ang tanging iniisip niya lang ay kung kasama ba ni Qiao Anxia si Qiao Anhao sa kotse nito noong nangyari ang aksidente at kung nasaktan ba ito. Hindi niya narinig ang mga sinabi ng direktor kaya noong tinanong siya kung anong masasabi niya…Paano niya naman malalaman?
Tinignan ni Lu Jinnian ng walang kareareaksyon ang mga mata ng mga taong kasama niya sa kwarto. Tumango lang siya at nagisip ng ilang sandali, "It's great". Pagkatapos ay kinapa niya ang kanyang phone na nasa kanyang bulsa dahil gusto niya sanang tawagan si Qiao Anhao nang biglang pumasok si Cheng Yang na kakatapos lang sumagot ng tawag.
"Humihingi ako ng pasensya, nagkaroon kasi ng aksidente si Anxia at hindi niya raw dala ang driver's license niya. Naghihintay ang traffic police para mainbestigahan ang nangyari. Kailangan kong dalhin ito sakanya," Ang sabi ni Cheng Yang habang humihingi ng tawad.
"Car accident. Malala ba?" Nagaalalang tanong ni Song Xiangsi.
"Wala naman sigurong malaking problema."
Napakagat si Lu Jinnian sa kanyang labi nang marinig ang sagot ni Cheng Yang. Bigla siyang napahawak ng mahigpit sa kanyang phone. Ano kayang ibig niyang sabihin sa wala naman "siguro"?
Tumingin si Lu Jinnian kay Cheng Yang na kumuha ng jacket nito. Kalmado rin siyang tumayo at kinuha sarili niyang jacket. "Well, sa totoo lang may business din ako sa city at kailangan ko ng masasakyan. Nasa assistant ko kasi ang kotse. Dahil doon ka rin naman pupunta, isabay mo na ako."
Sabay na lumabas si Cheng Yang at Lu Jinnian sa hotel. Noong kinuha ni Cheng Yang ang susi niya at sasakay na sana, biglang sinabi ni Lu Jinnian, "Akin na ang susi, ako na ang magmamaneho."
Medyo nagulat si Cheng Yang, pero hindi na siya nakasagot. Ibinigay niya agad ang susi ng kanyang sasakyan kay Lu Jinnian.
Habang binubuksan ni Lu Jinnian ang makina ng sasakyan, nagtanong siya, "Saan banda ang car accident?"
"Sa Fourth Ring Road…"
Hindi pa man din natatapos sabihin ni Cheng Yang ang sasabihin niya ay inapakan na ni Lu Jinnian ang accelerator, nagmaneobra nang mabilis, at kumaripas.