"Anong nangya…" Sa likod ni Lu Jinnian, nagmamadaling sumunod si Chen Yang, pero bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay nakita niya si Qiao Anxia na naliligo sa dugo. Noong una, medyo nanlanta ang katawan niya sa sobrang lala ng nangyari, pero agad din siyang nahimasmasan at dali-daling tumakbo papalapit, "XiaXia? XiaXia?"
Kagaya ni Chen Yang, sumama rin si Xu Jiamu kay Lu Jinnian, pero bago pa man din siya makapagsalita ay nakita niya ang taong tumatawa sa isang gilid.
Kaya bigla ring natigilan si Song Xiangsi at sinundan ang tinitignan nito. Kahit nakadisguise ang babae, sigurado siya kung sino ito kaya bigla siyang nagaalala para kay Xu Jiamu.
At sa kalagitnaan ng tensyon, walang pagdadalawang isip itong lumapit sa babae para samaplin ito ng sobrang lakas. "Tumigil ka na!"
Dahil dito, panandaliang tumigil si Han Ruchu, pero nang makita niya si Xu Jiamu na nasa harapan niya muli siyang tumawa habang dinuduro ito, "Anak kita pero sinampal mo ako… Mga kababayan, sinampal ako ng anak ko, hahahaha… Sinampal ako ng anak ko para sa ibang tao…"
At hindi nagtagal, ang tawa ay biglang naging iyak… Tinitigan niya si Xu Jiamu, na para siya ang naapi at nagpatuloy, "Anak kita, pero bakit ayaw mo akong kampihan?"
Walang balak makipagdiskusyon si Xu Jiamu kaya sa sobrang sama ng loob, ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng malalim bago niya hilain ng marahas ang braso ng mama niya. "Pupunta tayo sa pulis."
"Pulis? Ipapakulong mo ang mama mo?" Tanong ni Han Ruchu habang iyak-tawang umiiling. "Xu Jiamu, pasaway ka talaga! Gusto mo talagang ipakulong ang mama mo?"
Sa pagkakataong ito, wala ng balak si Xu Jiamu na magpapigil kaya hinawakan niya ito ng mas mahigpit at kinaladkad palabas ng CR.
"Hindi ako sasama, hindi ako sasama!" Nakakarinding tili ni Han Ruchu.
Pero parang walang naririnig si Xu Jiamu at nagpatuloy lang siya sa paglalakad habang kinakaladkad ang mama niya.
Pagklabas nila ng CR, biglang lumapit sakanya si Song Xiangsi at nagaalalang sinabi, "Sasama ako."
Medyo nagalangan pa siya noong una, pero si Song Xiangsi naman talaga ang kailangan niya sa mga oras na ito, kaya walang pagtanggi siyang tumungo.
Pero bago ang lahat, bumalik muna sandali si Song Xiangsi sa loob ng CR para magpaalam, "Pupunta muna kamo sa pulis. Parating na rin ang ambulansya. Magbibigay lang kami ng statement tapos susunod kami sa ospital."
Pero parang walang narinig sina Chen Yang at Qiao Anhao.
Samantalang si Lu Jinnian naman ay tutok na tutok kay Qiao Anhao, kaya bandang huli si Zhao Meng at ang assistant nalang ang tumungo kay Song Xiangsi.
At pagkatapos, nagmamadali siyang tumakbo palabas.
Ngayon na nailabas na si Han Ruchu, biglang tumahimik ang CR.
Sa mga oras na 'to, sobrang putla na ni Qiao Anxia pero nang maramdaman niyang pumatak ang luha ni Qiao Anhao sa mukha niya, pinilit niyang dumilat para ngitian ito.
At dahil sa ngiting yun, lalo pang humagulgol ng iyak si Qiao Anhao. "Sis…sis…"
Sa kabila ng paghihingalo, pinilit ni Qiao Anxia na punasan ang luha ng pinsan niya at pabirong sinabi, "Bakit ka ba umiiyak? Magiging nanay ka na kaya wag mong tinatakot ang bata ng hanyan. Sige ka, baka maging iyakin din yan!"
Mula pagkabata, lagi ng nakukuha ni Qiao Anxia ang anumang gustuhin niya, at base sa kanyang personalidad, may mga paninidigan talaga siya, kaya nga madalas prangka siya kung magsalita at kahit pa pinagsisihan niya naman ang mga ito, mas pinipili niya nalang umiwas dahil hindi niya talaga kayang ibaba ang kanyang ego.