Pagkarating ni Qiao Anhao sa main hall, nagbabayad na si Lu Jinnian sa
counter para sa kwartong tinuluyan nito. Hindi nagtagal, mabilis itong naglakad
palabas ng entrance habang hila hila ang maleta nito.
Kinakabahan siya habang tinitignan itong maglakad papalayo. Tumakbo siya
para muli itong subukang habulin pero pagkarating niya sa entrance ay
nakapag'para na ito ng taxi.
Tumakbo siya sa kalsada para pumara ng taxi pero muli nanamang nagvibrate
ang kanyang phone. [Nagbook si Mr. Lu ng ticket papuntang America. Miss
Qiao, dumiretso ka na sa airport ngayon. Naibook na kita ng upuan sa parehong
flight. Para naman kay Miss Zhao, pakidala ang passport at ilang damit ni Miss
Qiao sa airport.]
Matapos masiguro ng assistant na maayos na ang lahat, muli itong nagpatuloy,
[Miss Qiao, kailangan mong sundan si Mr. Lu kapag dumating ka na sa America
dahil kapag nawala siya sa paningin mo, wala na tayong magagawa.]
Saktong nakatawag na siya ng taxi noong natanggap niya ang pangalawang text
ng assistant. Sinilip niya muna ang message bago niya nagmamadaling sabihin
sa driver na ihatid siya sa airport.
Makalipas ang halos sampung minuto, nakatanggap siya ng paalala ng flight na
nakabook sa pangalan niya.
Pagkarating niya sa airport, naghihintay na sakanya si Zhao Meng sa entrance.
Dali dali niyang binayaran ang taxi bago siya dumiretso sa international gate 3.
Bago niya pa makita si Zhao Meng, bumaba na ito ng sasakyan para tawagin
siya. Nagmamadali nitong isinara ang pintuan at tumakbo papalapit sakanya
para ibigay ang kanyang passport. "Qiao Qiao, ito na ang passport mo pero
hindi kita pinagempake ng kahit anong damit. Kung makikita ka ni Mr. Lu na
wala kang dalang kahit ano, siguradong makakatulong 'yun para humupa ang
galit niya."
Mabilis na tumungo si Qiao Anhao at nagpasalamat sa kaibigan. Noong paakis
na siya, bigla nitong hinila ang kanyang kamay at may inilagay na isang maliit
na kahon. "Qiao Qiao, para sayo to."
Binuksan ni Qiao Anhao ang kahon at tumambad sakanyang ang isang kulay
puting pill. Muli niyang tinignan si Zhao meng at nagtatakang nagtanong, "Ano
'to?"
Biglang namula ang mukha ni Zhao Meng at tinignan ang mga taong nasa
paligid. Hindi nagtagal, umubo ito ng mahina at dahan dahang lumapit sa tenga
ni Qiao Anhao para bumulong, "Sex Enhancement pills. Tinutunaw yan sa tubig
at ligtas sa katawan ng tao. Kapag nahuli mo na siya sa America, magagamit
mo 'to!"
At dali dali itong lumayo sakanyang tenga at kumindat habang masayang
nakangiti, "Umalis ka na."
-
Mula sa clearing para sa emigration hanggang sa makasakay siya sa eroplano,
wala siyang Lu Jinnian na nakita.
Nang makita niya na ito sa wakas, mukhang pagod na pagod ito dahil
nakasandal ito at nakapikit ang mga mata.
Pagkakita niya kay Lu Jinnian, bigla siyang natigilan. Mukhang naramdaman
siya ni Lu Jinnian dahil bigla itong dumilat pero noong sandakling makita siya
nito, bahagyang nagbago ang itsura nito at hindi nagtagal ay muli nanamang
pumikit
"Excuse me, what's your seat number?" Lumapit ang isang air stewardess
noong nakita siya nitong hindi gumagalaw.
Ngumiti siya at humingi ng tawad dito bago siya maglakad papunta sa economy
seat.
Ilang sandali palang siyang nakakaupo, nagsara na ang mga pintuan ng
eroplano na sinundan kaagad ng mga paalala ng safety instructions.
Muling inilabas ni Qiao Anhao ang kanyang phone para magmessage sa group
chat sa huling pagkakataon. [Magtetake off na ang eroplano.]