webnovel

Lihim na karamay (18)

Editor: LiberReverieGroup

Huminto ang sasakyan sa underground parking ng gusali. Unang bumaba si Xu Jiamu at nagdire-diretso siya papunta sa elevator kung saan hinintay niya muna si Song Xiangsi na makarating bago siya tuluyang pumasok at pindutin ang palapag kung saan niya balak pupunta. 

Ilang sandali lang ang lumipas, muling nagbukas ang elevator sa palapag na pinindot niya. Agad na lumabas si Xu Jiamu at naglakad papunta sa pintuang nasa bandang kaliwa. Inenter niya ang passcode at nang magbukas na ang pintuan, pinauna niya munang pumasok si Song Xiangsi kagaya ng nakasanayan bago siya sumunod.

Isinara ni Xu Jiamu ang pintuan at basta nalang hinagis ang susi ng kanyang sasakyan. Tinitigan niya si Song Xiangsi at hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin siya nagsasalita. Hindi nagtagal, bigla nalang itinaas ni Xu Jiamu ang kanyang kamay at sinampal ng malakas ang mukha ni Song Xiangsi.

Masyadong biglaan at malakas ang naging pagsampal ni Xu Jiamu kaya hindi ito napaghandaan ni Song Xiangsi at tumalsik siya sa sahig.

-

Pagsapit ng alas onse ng gabi, nakaalis na ang lahat.

Mga bandang alas diyes ng gabi noong lumabas si Xu Jiamu ng kwarto at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik.

May mga kaibigan sila na medyo nakaiom na kaya tumawag nalang ang mga ito ng taxi para makauwi. Sa mga oras na ito, lahat ng mga may sasakyan ay nakaalis na rin. Tinawagan ni Qiao Anhao si Chen Yang na kalalabas lang sa trabaho at ngayon ay susunduin na si Qiao Anxia. Pagkatapos nila magusap, ang sunod niya namang tinawagan ay si Xu Jiamu na makailang beses niya ng sinubukang tawagan pero ni isang beses ay hindi sumagot.

Pagkalabas ng assistant ni Lu Jin"nian ng CR, nakita niya si Qiao Anhao na nasa lobby ng Royal Palace kaya nilapitan niya ito at magalang na binati, "Miss Qiao."

Agad na ibinaba ni Qiao Anhao ang kanyang phone at tumungo sa assistant.

Nang makita ng assistant na mag'isa lang si Qiao Anhao, medyo nagtaka siya kaya hindi niya na napigilan ang kanyang sarili na magtanong, "Miss Qiao, diba kasama mo si Mr. Xu? Bakit magisa ka lang?"

Nagulat si Qiao Anhao kung paano nalaman ng assistant ni Lu Jinnian.

Agad ding nagpatuloy ang assistant, "Nakasalubong ko si Mr. Xu kanina noong hinihintay ka niya sa labas ng office."

Matapos magpaliwanag ng assistant, naintindihan na ni Qiao Anhao at ngumiti. "Hindi ko nga alam kung nasaan siya eh kaya hinihintay ko siya." 

Sumagot lang ang assistant ng "oh" at magalang na sinabi, "Miss Qiao, may kailangan pa akong gawin kaya mauna na muna ako."

Ngumiti lang si Qiao Anhao at tumungo.

-

Binuksan ng assistant ang pintuan at sinilip si Lu Jinnian na kasalukuyang nakaupo sa harapan ng mahjong table.

Mayroon itong tatlong kalaro, at ang isa pa nga ay may kalong na dalaga, samantalang si Mr. Lu ay nasa isang sulok at magisa nanaman.

Maingat na naglakad ang assistant papalapit kay Lu Jinnian at sinilip ang mga tiles nito. Hindi maikakaila na maswerte ang mga pamato nito. Hinintay niya muna na magbato si Lu Jinnian ng isang two dot tile bago siya yumukopara bulungan ang tenga nito, "Mr. Lu, pagkalabas ko kanina galing sa Cr, nakita ko si Miss Qiao sa corridor."

Walang nagbago sa itsura ni Lu Jinnian pero mapapansin na biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa mga pamatong nasa kanyang kamay.

Muling nagsalita ang assistant, "Wala raw nakakaalam kung saan nagpunta si Mr. Xu. Hinihintay siya ngayon ni Miss Qiao."

"Oh." Tumungo lang si Mr. Lu, na para bang wala lang itong pakielam.

Kumurap ang assistant at muli itong nagpatuloy, "Mukhang walang dalang sasakyan si Miss Qiao. Kung hindi niya na mahihintay si Mr.Xu, baka kumuha nalang siya ng taxi at siguradong hindi madaling kumuha ng sasakyan mula rito…"

Bago pa man din matapos magsalita ang assistant, biglang tumayo si Lu Jinnian sa kanyang kinauupuan. Nanatili pa rin siyang kalmado at walang reaksyon nang ituro niya sakanyang assistant ang kanyang mga pamato at sinabi, "Ikaw na muna pumalit sa akin."

Humingi siya ng pasensya sa tatlo niya pang ibang kalaro, na naguguluhan sakanyang ikinilos. Noong sandali ring iyon, dinampot niya ang kanyang jacket na nakapatong sa upuuan at nagmamadaling lumabas ng kwarto nang hindi manlang hinihintay na makasagot ang kanyang assistant.

Siguiente capítulo