webnovel

Tignan mong maigi kung sino ako (6)

Editor: LiberReverieGroup

Dalawang buwan pagkatapos noong araw na nagpalipas ng gabi si Qiao Anhao sa apartment niya sa Hangzhou.

Yun din ang gabing sumira sa relasyon nila at ang dahilan kung bakit bumalik sila sa pagiging estranghero.

Sa tuwing naalala niya ang gabing iyon, kahit limang taon na ang nakakalipas, para pa ring may sumasaksak sa puso niya na gusto itong durugin. 

Yun ang gabi kung kailan ginanap ang Golden Movie Award Ceremony kung saan inawardan siya bilang 'Best Second Male Lead' dahil kanyang hit series na "Longing." Ang gabing iyon ang nagsilbing umpisa ng kanyang pagsikat at ang twenty first birthday ni Qiao Anhao.

Kahit na gaano pa siya kabusy, lagi siyang humahanap ng oras para icelebrate ang birthday nito.

Kung maari lang niya lang gawin, walang alingan siyang pupunta sa Beijing para lang masamahan itong magcelebrate ng birthday.

Pero noong araw na iyon, walang siyang magagawa at kailangan niyang pumunta sa award ceremony dahil maapektuhan nito ang kabuuhan ng kanyang career. Kung siya talaga ang hihiranging best second male lead, siguradong ang araw na iyon ang magsisilbing umpisa ng dire-diretsong pagangat ng kanyang career.

Yun ang pagkakataong matagal niya ng hinihintay matapos ang lahat ng pagpapakahirap niya sa loob ng apat na taon at ng mga ginawa niya para maimprove ang kanyang sarili na magsisilbing daan para maibigay niya kay Qiao Anhao ang lahat.

Kaya noong araw na iyon, manggaling siya sa Hengdian at napagdesisyunan niyang pumunta sa Shanghai.

Bago pa man din ang kanyang flight, nauna niya ng nautusan ang kanyang assistant na dalhan si Qiao Anhao ng dalawang regalo. Ang una ay isang black swan cake na inoorder niya taon-taon at ang pangalawa ay bouquet ng fresh flowers na binili niya pa galing France. Sa bouquet, may sulat kamay sa card na nagsasabing: Magiging masaya lang si Lu Jinnian kay Qiao Anhao.

Noong una, sobrang saya talaga niya dahil napanalunan niya ang award sa harap ng libo-libong taong pumapalakpak sakanya, kaya sobrang natouch at naexcite siya.

Alas otso na natapos ang ceremony at apat na oras nalang ay matatapos na ang birthday ni Qiao Anhao. Hindi na siya sumama sa after party ng award ceremony at dali-dali siyang kumuha ng flight papuntang Beijing dala ang kanyang trophy.

Lumapag ang eroplanong sinasakyan niya sa Beijing ng alas onse imedya ng gabi. Sa sobrang pagmamadali niya, nakalimutan niyang ipaalala sa kanyang assistant na ikuha siya nito ng cab na didiretso sa mansyon ng mga Qiao.

Noong nasa highway na ang cab na sinasakyan niya, sakto namang nagumpisang umambon. Tahimik lang siyang nakaupo sa back seat at nakatingin sa malabong tanawin sa labas ng bintana habang inaalala ang unang beses na nakita niya si Qiao Anhao. Biglang lumiwanag ang kanyang itsura pero wala siyang ibang maramdaman noong mga oras na iyon kundi magkahalong kaba at saya. 

Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at ang palad niya na may hawak na trophy ay nagumpisa ring mamawis habang iniisip nya kung paano siya aamin kay Qiao Anhao.

Labing limang minuto nalang bago mag alas dose noong huminto ang cab sa labas ng mansyon ng mga Qiao. Dali-dali siyang nagbayad at bumaba.

Tapos na ang birthday party ni Qiao Anhao noong dumating siya kaya tahimik na ang buong mansyon pero may isa pang pintuan ang nakabukas.

Hinintay niya munang makaalis ang cab bago huminga siya ng malalim. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa entrance habang inaayos niya ang kanyang sasabihin kapag umamin na siya. Pero bago pa man din siya tuluyang makapasok ng mansyon ay bigla siyang natigilan at napatingin sa basurahang nasa labas nito.

Siguiente capítulo