webnovel

Pagpapatuloy (25)

Editor: LiberReverieGroup

"Last week, sinamahan ko siya sa probinsya niya at mula 'nun, nahirapan na

akong tanggapin ka ulit."

Dahil sa inaming ito ni Xu Jiamu, gulat na gulat si Yang Sisi. "Ikaw….

Nu…noong sinabi mong wala ka sa Beijing… yun… ba yung sinasabi mong

sinamahan mo siya sa probinsya niya?"

"Oo."

"Ibig sabihin… kaya ka biglang nawala ng dinner kasi kasama mo siya?"

"Mmh." Alam ni Xu Jiamu na masasaktan niya si Yang Sisi kapag sinabi niya

ang totoo, pero sa puntong 'to, wala siyang kahit anong planong pagtakpan

ang mga ginawa niya, dahil malinaw sakanya na mula noong gabing kinuha

niya ang number nito, sobrang nasaktan niya na ito, kaya ngayon, ang

katapatan niya nalang ang pwede niyang maibigay para maging patas dito.

"Noong tinawagan mo ako pagkauwi mo ng Beijing… dahil ba yun sa gusto mo

ng makipaghiwalay sa akin?"

"Oo."

Kanina pa pinipigilan ni Yang Sisi na umiyak, at ngayong nakalatag na sa

harapan niya ang lahat, mangiyak-ngiyak siyang nagpatuloy, "Diba break na

kayo? Ayaw mo bang mag bagong buhay? Bakit nagbago na isip mo?

Nagkabalikan na ba kayo?"

"Hindi." Kalmadong umiling si Xu Jiamu habang inaalala ang itsura ni Song

Xiangsi habang umiiyak ito noong gabing namatay si Mr. Song. "Na'realize ko

kasi na hindi naman talaga siya ang may kasalanan, kundi ako."

Mangiyak-ngiyak, tinitigan ni Yang Sisi si Xu Jiamu ng diretso sa mga mata,

habang hinihintay itong magpatuloy.

"Walong taon kaming nagsama… mula noong nineteen years old siya

hanggang mag'twenty-seven…. Yun sana ang kasagsagan ng masasaya

niyang araw, pero dahil sakin, naging malungkot siya… Wala akong ideya na

huminto pala siya ng pagaaral… Ni isang beses hindi ko man lang din siya

nadamayan sa tuwing nagkakasakit siya, kapag naiinjured sa taping, kapag

binubully ng iba, kapag nagne'New Year siyang mag isa, at kahit kapag gutso

niya lang ng kausap…

"Walong taon, tatlong daang gabi, pero ni katiting na ideya sa buhay niya, wala

akong alam.

"Alam mo yung masakit? Hindi yung mga sinabi niya sa akin o yung batang

pinalaglag niya, kundi yung katotohanan na pinabayaan ko siya.

"At sa loob ng walong taon, kahit minsan, hindi ko naparamdam sakanya na

espesyal siya.

"Alam ko naman…hindi siya magsstay ng walang dahilan…alam kong mahal

niya rin ako, at naghihintay lang siya na dumating ang araw na marealize kong

gusto ko rin siya, pero sa kabila ng lahat ng binigay niyang pagmamahal sakin,

hindi ko siya sinuklian…

"Sa walong taon na 'yun, para ko siyang ginawang laruan…Hindi ko manlang

siya inalagaan o pinasaya kahit konti…

"Kita mo ba 'yun? Nagawa kong bitbitin yung bag mo, hilain ka para hindi ka

masagasaan, harangan ka kapag nagkakagitgitan, bigyan ka ng ginger tea

kapag may regla ka, sumugod sa initan para lang mabili ang gusto mong

inumin, bilhan ka ang kahit anong gusto mo… Pero sa walong taon naming

pagasasama, hindi ko nagawa 'yun sakanya.

"Lahat ng mayroon ngayon ay dahil sakanya.

"Kung hindi dahil sakanya, hindi ako yung Xu Jiamu ngayon na sensitive sa

nararamdaman ng iba."

Sa puntong ito, ang kanina pang kalmadong Xu Jiamu ay tuluyan ng bumigay

at mangiyak-ngiyak na nagpatuloy, "Ginamit niya ang pinaka magandang

walong taon ng buhay niya para baguhin ang makasariling Xu Jiamu…Kaya

anong karapatan kong gamitin sa ibang babae ang mga tinuro niya sakin?

"Kaya….. patawarin mo ako… hindi ko na talaga kayang ipagpatuloy 'to…."

Kasi… Siya yung taong nagturo sakin ng mga dapat kong matutunan sa buhay,

kaya sakanya ko lang din gustong gamitin ang lahat ng ito.

Habang nagsasalita si Xu Jiamu, nakatitig lang sakanya si Yang Sisi.

Siguiente capítulo