webnovel

Ang mga text message sa phone (5)

Editor: LiberReverieGroup

Napakagat si Qiao Anhao ng kanyang labi at inalala niya ang naging pagtatalo

nina Lin Shiyi at Zhao Meng.

Hindi siya sigurado kung anong magiging reaksyon ni Lu Jinnian kapag nalaman

nito na kinumpara ito ni Zhao Meng sa ibang tao.

Kung magagalit si Lu Jinnian, paano naman kung mapahamak si Zhao Meng?

Kaya kahit hindi siya ang gumawa, pinili niyang pagtakpang ang kaibigan niya at

magpanggap na siya talaga ang nagsabi, "Kaya noong naipit na ako, inaway ko

siya…"

Kahit na pinagtatakpan niya si Zhao Meng, sinumbong niya ang lahat kay Lu

Jinnian. "Nakapagsalita ako ng masakit…"

Pero ang totoo, si Zhao Meng talaga ang nagsalita ng masakit kay Lin Shiyi

noong tinawag ito ng kaibigan niya ng 'walang hiya'.

Kahit medyo marami na siyang nasabi, medyo nahihiya pa rin siya kaya sinilip

niya si Lu Jinnian. Noong nakita niya na walang bakas ng galit sa mukha nito

kahit pa sinabi niyang nakipagaway siya, mas napanatag na siya at nagpatuloy

sa pagkwekwento, "Sinabi niya sa akin na kung sino raw ang mayaman ay sila

ang nabibigyan ng pagkakataon…"

Biglang kumunot ang noo ni Lu Jinnian.

"Sinabi niya rin sa akin na kung talagang malaking tao ako, bakit hindi raw ako

maginvest ng ilang libong milyon para maibalik ang script sa dati…"

Lalo pang kumunot ang noo ni Lu Jinnian habang patuloy na pinakikinggan ang

pagsusumbong ni Qiao Anhao.

"Pero sinabi niya sa akin na wala raw akong kakayahan kaya bigla akong

nainis…" Sa dami ng mga sinabi niya, sa wakas nasabi niya nanaman ang isa

niya pang punto. Hindi siya makatingin kay Lu Jinnian kaya nakayuko lang siya

habang pabulong na nagkwekwento, "Hindi ko na talaga kinaya kaya sinabihan

ko siya na wag niyang ipalandakan ang boyfriend niya dahil di hamak naman na

mas makapangyarihan ang boyfriend ko dahil kaya niyang bigyan ang crew ng

paid leave. Kung sila script lang ang kayang manipulahin, pwes ang boyfriend

ko ay kaya siyang tanggalan ng role…"

Hanggang ngayon ay wala pa ring may lakas ng loob na magsalita. Habang

nagpatuloy si Qiao Anhao sa pagsusumbong, nakatitig lang sakanya si Lu

Jinnian na para bang ito lang ang nakikita niya at wala ng ibang tao sa paligid

nila.

Habang patagal ng patagal ang pagkwekwento ni Qiao Anhao, lalo lang siyang

nahihiya kay Lu Jinnian. Pakiramdam niya ay déjà vu ang nangyayari sakanya

kagaya ng napanuod niya sa "My Dad is Li Gang." Hindi niya namalayan na

biglang namula ang maliit niyang mukha habang sinubukan niyang kalmahin ang

kanyang sa kabila ng pakiramdam na baka bumaba na talaga ang tingin

sakanya ni Lu Jinnian dahil sa ginawa niyang pagmamayabang. Hindi nagtagal,

muli siyang nagpatuloy pero sa pagkakataong ito ay parang siyang isang langaw

sa sobrang hina ng kanyang boses. "Sinabi ko sakanya na pwede mong patigilin

ang production kahit kailan mo gustuhin."

'diyos ko. Bakit ba kasi kailangang gumawa ni Zhao Meng ng kwento?

Pero may kasalanan din naman siya dahil bukod sa hinayaan niyang gumawa ng

kwento ang kaibigan niya, sinunod niya rin ang sinabi nitong papuntahin talaga

si Lu Jinnian…

Bukod pa sa magiging tingin ni Lu Jinnian, maging siya ay medyo bumaba na rin

ang tingin niya sa kanyang sarili. Malamang sobrang nadisappoint niya si Lu

Jinnian, diba?

Sa sobrang pagkakayuko niya, halos dumikit na ang ulo niya sa dibdib ni Lu

Jinnian, na parang isang batang may ginawang kapilyahan. Sa sobrang kaba,

bigla niyang hinatak ang manggas ng damit nito at nagpatuloy, "Hindi naniwala

sa akin si Lin Shiyi at sinabi niya na nagsisinungaling daw ako, kaya tinawagan

kita…"

Sa wakas, nalinaw na ni Qiao Anhao ang lahat ng gusto niyang puntuhan.

Hindi niya kayang isipin kung ano na ang kasalukuyang reaksyon ni Lu Jinnian

kaya natatakot siyang iangat ang kanyang ulo para silipin ang istura nito.

Sobrang tahimik sa loob ng make up room kaya lalo pang kinabahan si Qiao

Anhao. Pakiramdam niya ay galit talaga sakanya si Lu Jinnian kaya sinubukan

niyang magpaliwanag para pagaanin ang tensyon, "Sa totoo lang, ayoko naman

talaga sanang ikumpara ang boyfriend ko sa boyfriend niya. Napikon lang talaga

ako noong sinabi niya na baka kasing tanda ng tatay ko ang boyfriend ko kaya

raw ako nahihiyang ipakilala siya, I…I…"

Pero kahit ano pang paliwanag niya, pakiramdam niya ay hindi talaga siya

makatwiran…

Siguiente capítulo