webnovel

Pumirma Ka Dito (2)

Editor: LiberReverieGroup

Galing si Qiao Anhao sa banyo at si Lu Jinnian nama'y papunta nang mabunggo sila sa isa't-isa. Nabigla si Qiao Anhao at wala siyang lakas na tumingin kaya sa bandang huli bumalik siya agad sa bedroom.

Saglit tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao bago pumasok sa banyo.

Pagod na nahiga si Qiao Anhao sa kama at balak ng matulog. Ngunit, narinig niya ang daloy ng tubig sa banyo at napagtanto na sa mansyon ito matutulog.

Umalis si Qiao Anhao sa kama at dahan-dahan pumunta sa dressing room para kunin ang bear.

Malapit na sa kama si Qiao Anhao yakap niya ang bear nang sakto lumubas si Lu Jinnian galing sa banyo habang balot ng tuwalya ang kanyang bewang at may hawak na tuwalya pang tuyo sa ulo.

Nakita ni Lu Jinnian si Qiao Anhao yakap ang bear kaya tumigil ito sandali at nagtuloy papunta sa vanity table para magpatuyo ng buhok.

Kita ni Lu Jinnian sa salamin na nilagay ni Qiao Anhao ang bear sa gitna ng kama at nahiga na ang harap ng likod ay sa puwesto kung saan nahiga si Lu Jinnian.

Masama ang tingin ni Lu Jinnian dahil dito kaya bumilis ang pagpapatuyo niya ng buhok gamit ang blow dryer. Pagkatapos, iniwan ang blow dryer at tumingin sa kama.

May bear sa gitna ng kama pero malapit sa dulo ng kama humiga si Qiao Anhao.

Ramdam ni Qiao Anhao na tumititig sa kanya si Lu Jinnian. Binaon niya sa unan ang ulo niya. Natigil ito sa ilalim ng kumot dahil naalala niya na umiiyak siya kaya basa ito.

Takot si Qiao Anhao na malaman ni Lu Jinnian na umiyak siya kahit alam niya na wala ito pakialam. Kaya hinila niya ito papunta sa loob ng kumot.

Matagal na tumingin si Lu Jinnian kay Qiao Anhao at napansin niya na parang umiiwas ito sa kanya kaya umalis siya ng kuwarto.

Nang umalis si Lu Jinnian, binuksan ni Qiao Anhao ang mga mata niya at humiga ng ayos sa kama. Ngunit, nakalipas ang 5 minuto bumalik ito na may dalang papeles, tumingin kay Qiao Anhao at hinagis ito sa bedside table katabi ni Qiao Anhao.

Siguiente capítulo