webnovel

Ang Mga Bagay na Hindi Niya Nalaman (7)

Editor: LiberReverieGroup

Bigla na lamang, ang lahat na natitira sa mga nagniningas na ilaw na maraming kulay ay ang mga mainit na dilaw na kulay na may mababasang, "Qiao Qiao, maaari ba kitang habulin?"

Nagulat, napansin ni Qiao Anhao ang iba pang mga kumikislap na mga ilaw sa dingding ay tumigil din. Sa isang sulyap, napansin niya na mababasa ang may kulay rosas na mga ilaw, "Qiao Qiao, minahal kita sa loob ng labintatlong taon". Binasa ang asul na mga ilaw, "Qiao Qiao, maaari ba kitang maging kasintahan ko?" At ang pinakamalaking senaryo sa likod ay may takip na napakahabang isang linyang puting ilaw, "Masaya lang ako kapag kasama kita. Qiao Qiao, tatanggapin mo ba ang aking pag-ibig? Kung hindi, mahal pa rin kita. "

Sa loob ng mahabang oras, ang mga mata ni Qiao Anhao ay mabilis na nagpabalik-balik sa pagitan ng lahat ng apat na linya ng mga ilaw. Nang maglaon, sinabi niya, "Ito ..."

"Ito ang espesyal na hinanda ni Mr. Lu para sa iyo noong gabi ng araw ng mga puso ng Chinese." Ang assistant ay hindi na naghintay patapusing magtanong si Qiao Anhao. Siya'y huminto saglit at idinagdag, "Plano niyang magtapat sa iyo noong gabing iyon, dito."

Naalala ni Qiao Anhao kung paano siya pinaalalahanan ni Lu Jinnian ng ilang araw para sa kanilang hapunan noong araw ng mga puso. Noong panahong iyon, hindi pa sila opisyal ngunit ginagawa nila ang mga bagay na ginagawa ng magkasintahan. Sa loob niya, palihim na masama ang kanyang loob tungkol sa bagay na iyon. Sino ang mag-aakala na matagal na itong pinaghandaan ni Lu Jinnian.

"Matagal niya itong pinaghandaan." Umangat ang ulo ng assistant at inobserbahan ang terasa. At tinuro niya ang mga lantang bulaklak at sinabi, "Nagplano rin siya na may isang tao na magpapadala sa iyo ng mga sariwang bulaklak, lalo na ang mga Bellflowers. Sinabi niya na iyon ang paborito mo., At nag-utos na maghanda ng isa sa bawat kulay. "

Sa pamamagitan ng mga salitang iyon, naalaala ni Qiao Anhao nang umuwi si Lu Jinnian isang gabi at itinuturo ang isang set para sa isang tanawin ng pag-amin para sa isang bagong pelikula. Nang panahong iyon, maingat niyang tinitingnan ang bawat aytem at hinamak niyang tinanong kung gusto niya ito. Minsan siya ay tumatango, at sa iba pang mga oras, iniiling niya ang kanyang ulo. Sinabi niya sa kanya na bagaman hindi niya gusto ang ilang mga bagay, kung ang pelikula ay nagsisikap na maging romantiko ito, kung gayon ay magiging maganda naman ang lahat. Iyon ay ang gabi na sinabi niya sa kanya na gusto niya ang Chinese Bellflowers.

"Noong gabi ng Araw ng mga puso, nagpadaala siya ng maraming mensahe sa iyo upang humingi ng tawad at sinabi niya na maghihintay siya sa iyo dito. At nagintay siya ng isang buong gabi. Nang umabot siya ng alas-tres ng madaling araw, nagsimulang umulan ng malakas at sinabihan ko siya na pumasok na sa loob. Kahit anong sabi ko, hindi pa rin siya pumasok sa loob. Sinabi niya na sinabihan ka niya na maghihintay siya sa iyo dito.

"hindi ka pumunta, kaya hindi siya bumalik sa loob. Umupo siya sa isang upuan na parang istatuwa." Inangat ng assistant ang kanyang kamay at tinuro ang upuan sa kanan. "Noong gabing iyon, tinawagan at nagpadala ng mensahe sa iyo ng maraming beses. Sa loob ng maraming taong pagkakakilala ko kay Mr. Lu, hindi ko siyang nakitang magmakaawa sa kahit na sino maliban sa iyo. Sa bawat oras ikaw lang ang kanyang eksepsyon.

"Labing anim na oras. Para sa isang taong mapagmataas, maghintay ng labing-anim na buong oras para sa iyo ... Sa huli, hindi ka pa rin dumating." Nang sabihin ito ng assistant, ang kanyang tono ay malinaw na naging patungkol. "Para sa akin, ang labing anim na oras na iyon ay ang pinaka nakakapanghina. Hindi ko alam kung paano nakayanan ni Lu Jinnian ang mga ito.

"Hangga't ito ay tungkol sa iyo, malamang kahit na makaranas siya ng makabagbag-damdaming sakit , talagang gagawin niya ito at susulitin ang bawat sandali." Ang assistant ay nagbigay ng isang buntong-hininga, at nagpatuloy sa isang kalmadong tinig, "Kapag hindi na siya makapaghintay para sa iyo, pumunta siya upang hanapin ka.

"Pumunta siya upang hanapin ang mga malapit mong mga kaklase, at sinabi sa bawat isa sa kanila na dapat silang makipag-ugnay sa kanya kung makita ka nila."

Siguiente capítulo