Kasalukuyang nagpapatuyo si Song Xiangsi ng kanyang buhok nang makita
niyang pumasok si Xu Jiamu, kaya dali-dali niyang inihinto ang ginagawa niya
at muling yumuko.
Pero walang kahit anong bakas ng galit, sinenyasan siya ni Xu Jiamu na ituloy
lang ang ginagawa niya, at tinuro ang kama.
Alam ni Song Xiangsi na sinasabi nitong dumniretso siya sa kama pagkatapos
niyang magpatuyo ng buhok. Walong taon silang nagsama… At halos gabi-
gabing may nangyayari sakanila, pero sa pagkakataong ito, hindi niya
maintindihan kung bakit bigla siyang natakot. Napakuyom siya ng kanyang mga
kamay ng sobrang diin, at dahan-dahan, naglakad siya papunta sa gilid ng
kama at umupo.
At doon lang naglakad papasok si Xu Jiamu. Huminto ito sa harapan niya, at
bigla, pwersado siyang tinulak nito pahiga sa kama.
Kagaya noong gabing 'yun, eleven years ago, muling naramdaman ni Xu Jiamu
na nanigas ang katawan ni Song Xiangsi.
Sa walong taon nilang pagsasama, hindi na nila mabilang kung ilang beses na
silang nagsex, kaya kung may tao mang sobrang nakakakilala sa mga katawan
nila, silang dalawa na yun. At sa totoo lang, kayang kaya na nilang magsex
kahit nakapikit pa sila. Sa paglipas ng mga taon, lalo silang naging
komportable sa bawat isa, kaya may mga pagkakataon na si Song Xiangsi na
rin ang nagyayaya.
Pero noong unang beses nila…. Ramdam niya na parang bigla itong naging
bato sa sobrang tigas.
Ngayong gabi… ganun na ganun din ang nangyari, pero ang pinagkaiba lang
ay mas mukha itong takot ngayon…
Kitang kita niya kung gaano kahigpit ang pagkakahawak nito sa kumot na nasa
tabi nito…
Ilang minuto pa ang lumipas na nakatitig lang si Xu Jiamu kay Song Xiangsi
bago niya dahan-dahang hubarin ang bathrobe na suot nito. Habang inaalis
ang tali, ramdam niya kung gaano katindi ang panginginig ng katawan nito, at
base sa lalim ng paghinga nito, alam niyang sobrang takot na takot ito.
Nang tuluyan niya ng matanggal ang tali, bumungad sakanya ang napaka puti
at kinis nitong balat.
At sinong lalaki ba naman ang aayaw sa isang Song Xiangsi?
Sa loob ng tatlong taon, alam niyang sobrang namiss niya ito… at alam niya
ring araw-araw na nanabik ang katawan niya sa init ng katawan nito…
Kaya nagpatuloy siya sa pagtanggal ng bathrobe nito, at dahan-dahan itong
hinalikan sa iba't-ibang parte. Sa tuwing dadampi ng kanyang mga labi,
ramdam niya kung paano ito manginig kaya pasimple siyang sumilip at laking
gulat niya nang makita niyang takot na takot pa rin itong nakapikit habang
nakakagat pa ng labi.
Ang reaksyon ni Song Xiangsi…. Hindi niya maintindihan kung natatakot lang
ba ito o nandidiri ito sakanya…
Kaya sa inis niya, mas mapusok niya itong hinalikan ng hinalikan bago bigla
siyang huminto.
Base sa itsura nito… Pakiramdam niya ay parang deal lang talaga ang lahat…
na para bang dahil may ginawa siya para rito, handa itong gawin ang lahat
para bayaran siya…
Pero paano naman siya? Hindi siya nagpunta ngayong gabi para sa deal…
Namiss niya talaga ito, pero ayaw niya namang pilitin ito…
Dati pwede niya pang sabihin na kanyang-kanya lang ang katawan ni Song
Xiangsi….Pero ngayong kasal na ito, naiintindihan niya na kailangan niyang
irespeto na isang lalaki lang ang gusto nitong makasex, at hindi siya yun… At
kung sakali mang may mangyari sakanila ngayon, hinding hindi niya na rin
naman ito pwedeng makuha…
Noong nakita niya ito sa kindergarten, alam niyang matagal na silang tapos,
pero siguro dala ng sobrang pagmamahal niya para rito, hindi niya kaagad
natanggap.
Pero bakit nga ba siya nagagalit…alam niya naman na hindi naman talaga
dapat pinipilit ang pagmamahal…Ilang sandali rin siyang nakayuko habang
nakatitig rito. Bandang huli, narealize niya na hindi niya rin pala kayang ituloy,
kaya muli niya itong binalot ng suot nitong bathrobe.
Kaya biglang kumunot ang noo ni Song Xiangsi at dali-dali siyang dumilat para
tignan si Xu Jiamu.
Hindi niya maintindihan kung bakit ito biglang huminto at binalik ang bathrobe
niya.
Nakatitig lang ito sakanya, pero nang sandaling matapos ito sa pagtatali,
dahan-dahan itong umatras at walang emosyong sinabi, "Ako na ang
magbabayad ng kwarto. Pwede kang matulog dito at bukas nalang ng umaga
umalis, o pwede ka na rin namang umalis ngayon. Nasa sayo."
Pagkatapos, nagmamadali nitong kinuha ang damit nito na nakalapag sa kama
at naglakad palabas ng kwarto. Pero noong nasa may pintuan na ito, bigla
itong huminto at muling tumingin sakanya, "Isa pa… yung tungkol sa dugo…
isipin nalang natin na ginawa ko yun dahil gusto kong gumawa ng mabuti.
Hindi mo na ako kailangang bayaran."