webnovel

Ang pinakamagandang pag-amin gamit ang hand signs (7)

Editor: LiberReverieGroup

Biglang tumigil si Qiao Anxia para magtanong, "Qiao Qiao, kilala mo ba kung sino ang gusto ni Lu Jinnian?"

Umiling si Qiao Anao.

"Kalimutan mo na." Ngumiti si Qiao Anxia na tila hindi gustong pag-usapan. Basta niya lang sinasabi, "Naghihintay sila para maglaro. pag-usapan natin ito sa ibang araw."

matapos magsalita diretso ito sa cubicle at sinara ang pinto.

-

Takot na takot si Lin Shiyi kahapon. Siya ang pumutol sa swing ni Qiao Anhao sa shoot. Bandang huli, maayos naman ito, pero dahil sa galit ni Lu Jinnian nagtanong ito sa direktor na imbestigahan ang nangyari.

Alam ng crew na umayos sa swing na naroon siya. Para hindi malaman na siya ang gumawa, nagbayad siya ng malaki para tumahimik ito. Pumayag din siya sa magtabi sila ni Producer Sun ng ilang beses bago ito pumayag na tulungan siya na kausapin ang direktor para pagtakpan ang totoo.

Tuwing gusto niyang sirain si Qiao Anhao mas maraming kamalasan ang nangyayari sa kanya. Hindi maganda ang mood niya kaya para kumalma humithit siya ng sigarilyo sa banyo. Nang marinig niya ang pag-uusap ni Qiao Anhao at Qiao Anxia.

Gusto… nini Qiao Anxia si Lu Jinnian?

Hindi sigurado si Lin Shiyi kung gusto ni Lu Jinnian si Qiao Anhao at kung may namamagitan sa kanila. Isa lang ang sigurado na puno siya ng galit laban kay Qiao Anhao, hindi niya gagawin itong madali para kay Qiao Anhao.

Nang lumabas ng cubicle si Lin Shiyi, tumayo siya sa harap ng lababo at tahimik na hinintay si Qiao Anxia.

Nang lumabas si Qiao Anxia. Mukha itong galing sa noble family, bakit ang high class niyang tignan?

Tinignan ni Lin Shiyi si Qiao Anxia mula taas hanggang baba. Matapos maghugas ng kamay at patuyuin ito ng paper towels tinawag ito ni Lin Shiyi, "Miss Qiao."

Lumigon si Qiao Anxia at ngumiti kay Lin Shiyi. "Excuse me, maitutulong ba ako?"

Hindi nagpa-ligoy-ligoy si Lin Shiyi prangka itong nagsabi kay Qiao Anxia, "Miss Qiao, hindi mo ba gustong malaman kung sino ang gusto ni Lu Jinnian?"

Nangunot ang noo ni Qiao Anxia pero wala itong sinabi.

Ngumisi si Li

Siguiente capítulo