webnovel

Pagkatapos (19)

Editor: LiberReverieGroup

Pagkalipas ng halos dalawang minuto, huminto ang sasakyan ni Lu Jinnian at

lumabas si Qiao Anhao.

Bumaba rin si Xu Jiamu sa sarili niyang sasakyan, at dumiretso sa infants car

seat para buhatin si Little Rice Cake. "Namiss mo ba si Uncle?"

"Opo," malambing na sagot ni Little Rice Cake, na biglang naglabas ng isang

candy galing sa school, "Uncle, para pos a inyo."

Base sa itsura ng candy, mukhang nalaglag na ito dahil bukas sa wala na itong

balot, may mga buhangin pa ito sa ibabaw.

Pero para hindi madismaya ang pamangkin, ngumanga pa rin si Xu Jiamu at

hinayaan si Little Rice Cake na isubo ito sakanya.

"Brother Jiamu! Madumi na yan. Kanina pa yan nilalaro ni Little Rice Cake.

Ayaw niya ngang ibigay sa amin eh." Nagalalang sabi ni Qiao Anhao.

"Wag kang magalala, hindi naman 'to nakamamatay," Sagot ni Xu Jiamu, na

para bang walang pakielam, bago niya yakapin ng mahigpit si Little Rice Cake.

Hindi pa bumababa si Lu Jinnian, at habang nakaupo sa driver's seat, sumilip

siya sa bintana at sinabi kay Xu Jiamu, "Jiamu, may dinner party sa Huan Ying

Entertainment sa susunod na Miyerkules. Dumaan ka ha."

"Hindi pa ba sapat na nandun ka? Bakit kailangan ko pang pumunta?" Sagot ni

Xu Jiamu habang abalang nakikipaglaro kay Little Rice Cake.

"Huy ano ka ba! Malakihang party yun. Maraming mga mayayamang dalagang

pupunta. Malay mo may ma'tipuhan ka…" Gatong ni Qiao Anhao.

"Hm…" Natatawang nalang si Xu Jiamu sa dahilan ng mag'asawa. "Ano ba

kayo. Hindi ako naghahanap ng date no! Wag na kayong magpakapagod na

hanapan ako."

"Eh kung may girlfriend ka sana, edi hindi na kami nangingielam ng kuya mo."

Pabirong sagot ni Qiao Anhao habang kinukuha si Little Rice Cake mula kay

Xu Jiamu. "Thirty-one years old ka na, at hanggang ngayon single ka pa rin.

Hindi naman tama yan. Isa pa, kung may nagugustuhan ka na, bakit ayaw mo

pa siyang pakasalan? Pero kung wala pa, hayaan mo nalang yung kuya mo na

maghanap ng pwede mong makadate!"

Nagugustuhan ko…. Para kay Qiao Anhao biro lang ito, pero para kay Xu

Jiamu, sobrang sensitibong usapin ito…Kaso hindi naman siya pwedeng

magpakitang apektado dahil alam niyang magaalala lang para sakanya ang

magasawa, kaya pinilit niyang ngumiti at sumagot ng "Pagusapan nalang natin

yan sa ibang araw." At hindi pa man din nakakasagot ang kaibigan. Bigla

siyang dumiretso sakanyang sasakyan at nagmaniobra papasok sa sarili

niyang bakuran.

Pagkatapos niyang magpalit ng sapatos, dumiretso siya sa kwarto niya na

nasa second floor, pero wala pa siyang dalawang minuto na nakahiga sa kama

nang biglang tumunog ang doorbell.

Ang buong akala niya ay hinabol siya ni Qiao Anhao para pilitin siyang

umattend ng party, kaya hindi niya nalang pinansin at nanatili pa rin siyang

nakahiga sa kama niya, pero nang magtuloy-tuloy ang doorbell, hindi niya na

natiis ang ingay kaya mabigat man sa loob ay naiinis siyang bumangon at

bumaba.

"Qiao Anhao, ano pa bang sasabihin mo?" Naiirita niyang tanong habang

binubuksan ang pintuan. Pero nang sandaling tumingin siya sa taong

nagdo'door bell, laking gulat niya dahil hindi si Qiao Anhao kundi si Song

Xiangsi ang nakatayo sa harapan niya, kaya bigla siyang natigilan. Pero

pagkalipas ng isang minuto, pinilit niyang magsalita, "Anong ginagawa mo

rito?"

Sobrang putla ng mukha ni Song Xiangsi at bakas sa mga mata nito ang

sobrang pagaalala, kaya sa kabila ng kalamigan ng tono ng kanyang boses,

dali-dali nitong hinila ang manggas ng damit niya at mangiyak-ngiyak na

sinabi, "Mr. Xu, pwede mo ba akong gawan ng pabor?"

Base sa naalala ni Xu Jiamu, ngayon niya lang nakitang ganito ka'aligaga si

Song Xiangsi kaya bigla siyang napakunot ng noo. Alam niya kung gaano

kataas ang pride nito, kaya imposibleng kumatok ito sakanya ng wala lang,

kaya nang sandaling mahimasmasan siya, walang pagdadalawang isip niyang

binuksan ang pintuan at sinabi, "Pumasok ka, magusap tayo."

At taliwas sa ugali ni Song Xiangsi, walang pagdadalawang isip itong sumunod

at pumasok.

Habang naglalakad si Song Xiangsi papunta sa sala, hindi lumilingon si Xu

Jiamu. Tinuro niya lang ang sofa bilang senyas na umupo muna ito, at

dumiretso siya sa kusina para kumuha ng isang baso ng tubig.

Siguiente capítulo