webnovel

Patawarin mo ako (14)

Editor: LiberReverieGroup

Hinayaan lang ni Qiao Anhao na pakainin siya ni Lu Jinnian, sunod sunod siyang sinubuan nito hanggang sa nakaramdam na siya ng pagkabusog at umiling.

Hindi na pinilit ni Lu Jinnian si Qiao Anhao na kumain. Ibinaba niya ang chopsticks at tumingin kay Madam Chen na agad naman nitong naintindihan kaya kinuha nito ang tray at lumabas ng kwarto.

Kinuha niya ang unan na nasa tabi ni Qiao Anhao para muli itong makahiga at hindi niya rin nakalimutang kumutan ito.

Mahaba ang naging tulog ni Qiao Anhao kaya hindi pa siya dinadalaw ng antok kahit pa nanghihina ang kanyang katawan. Naiinip siya habang nakahiga kaya sinubukan niyang tumayo para kunin ang kanyang phone, pero si Lu Jinnian na katatapos lang siyang kumutan ay biglang nagsalita, "Anong gagawin mo?"

Nagulat si Qiao Anhao kaya bigla siyang natigilan. Iniangat niya ang kanyang ulo at inosenteng tumingin kay Lu Jinnian, "Pakikuha ng phone ko."

Hindi na nagsalita si Lu Jinnian dahil naglakad na ito papunta sa coffee table para kunin ang kanyang phone na agad nitong iniabot sakanya.

Bumangon si Qiao Anhao at nahihiyang kinuha ang kanyang phone. Marami siyang binuksan na websites pero hindi rin siya nagtatagal sa mga ito. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na maya't-mayang silipin si Lu Jinnian na nakaupo sa sofa.

Mula noong magkakilala sila, madalas cold at ilag ito sakanya kahit pa sa pinaka kalmadong panahon ng kanilang relasyon. Pero ngayon, sobrang maalaga at mapagbigay nito sakanya na para bang sunod-sunuran ito sa mga gusto niya kaya bigla siyang nahiya at naguluhan. 

Isa pa, noong masakit ang kanyang tyan, binilhan din siya nito ng gamot…Noong tuloy-tuloy ang nagawa niyang mga NGs at lumabas siya para magpahangin, sumunod ito para ibigay ang jacket nito sakanya…..So totoo ngang mabuti ang mga ipinapakita ni Lu Jinnian sakanya nitong mga nakaraang araw pero ibang klase pa rin yung ngayon…

Hindi na mapalagay si Qiao Anhao. Ayaw naman talaga niyang makipagtalo tungkol sa nangyari noong birthday nito at gusto niya na lang din talagang masiyahan sa mga mabuti nitong ipinapakita sakanya, pero natatakot pa rin siya na baka bigla nanaman itong maging cold at walang puso.

Sobrang gulo ng nararamdaman ni Qiao Anhao.

Bandang huli, muling nakatulog si Qiao Anhao dahil masyado pa siyang mahina gawa ng katatapos niya lang na operasayon,

-

Sa pagkakataong ito, hindi na masyadong mahaba ang naging tulog ni Qiao Anhao at nagising din siya kaagad ng pasado alas siyete ng gabi.

Hapon na rin noong nananghalian siya kaya hindi pa siya nagugutom. Umupo muna siya sa kama para manuod ng TV at napagdesisyunan niya lang na kumain ng gabihan noong mga bandang alas nuebe na ng gabi.

Pagsapit ng alas onse, inutusan ni Lu Jinnian si Madam Chen na ipagtimpla si Qiao Anhao ng mainit na gatas.

Hindi tumanggi si Madam Chen sa iniutos ni Lu Jinnian at agad siyang pumunta sa kusina. Pagkabukas niya ng fridge para kumuha ng gatas, bigla niyang naalala ang inuwing swallow's nest ni Qiao Anhao noong isang araw kaya muli niyang tinignan si Lu Jinnian para magtanong, "Mr. Lu, may swallow;s nest pala tayo, gusto mo bang paginitan din kita para makakain ka?"

Sumagot si Lu Jinnian na kasalukuyang palabas ng study room nito, "Maginit ka para sa missus."

"Mr. Lu, hindi ka kakain nito? Ang missus kasi ang naguwi ng swallow's nest."

"Binili ng Missus?" Tanong ni Lu Jinnian kay Madam Chen. Bigla itong napahinto sa paglalalakad at interesadong nakinig sa sasabihin ni Madam Chen habang natingin sa direksyon ng hagdan.

"Mukhang hindi si Missus ang bumili ng mga ito." Hindi sigurado si Madam Chen sa buong kwento kaya medyo nagalangan siyang sumagot. "Dala lang ito ni missus noong umuwi siya galing sa set, at nakabukas na rin ang mga ito."

Dala mula sa set?

Biglang naalala ni Lu Jinnian na binisita ni Qiao Anhao si Xu Jiamu sa ospital noong nakaraang araw at inihatid ito ng chauffer ng Xu family pabalik ng hotel. Noong araw na yun, nakita niya na may iniabot ang chauffer kay Qiao Anhao na dalawang kahon pero dahil medyo malayo ang kanyang sasakyan kung saan siya nakaupo, hindi niya nakita ang kung ano ang laman ng dalawang kahon.

Hindi kaya ang swallow's nest ang laman ng mga box na yun?

Napakunot ng kanyang mga kilay si Lu Jinnian at napakaraming bagay ang biglang bumagabag sa kanyang isipan…

Siguiente capítulo