webnovel

Ang Desisyon ni Xu Jiamu (14)

Editor: LiberReverieGroup

Gusto sanang magmatigas ni Qiao Anhao at sabihing, "Hindi ah! Nagkakamali

ka. Ano namang ikakalungkot ko?" Pero noong narinig niya ang sinabi nito,

parang may biglang bumara sa kanyang lalamunan… Siguro, iba talaga ang

epekto ni Lu Jinnian sakanya kasi kahit gaano siya katapang, bigla siyang

naduduwag padating dito.

"Qiao Qiao, sa lahat ng nangyari, sino bang hindi malulungkot…Habang

nagpapanggap ka na masaya, lalo lang akong nasasaktan.

"Asawa mo ako… isang tao na maasahan at mapagkakatiwalaan mo. Noong

pinakasalan kita, nangako ako na hindi lang tayo magsasama sa saya, ngunit

higit sa lahat, magdadamayan sa oras ng kalungkutan."

Sa puntong ito, mukhang natalo na siya ni Lu Jinnian at hindi niya na napigilan

ang mga luha na kanina niya pa pinipigilang bumuhos.

Tama ang asawa niya. Sa lahat ng nangyari, sino bang hindi malulungkot?

Para hindi malungkot ang isang tao, madalas sinasabi ng mga mahal nito sa

buhay na wag nalang makinig sa sinasabi ng iba dahil naman alam ng mga ito

ang totoong kwento. Pero iba pala talaga kapag ikaw na mismo ang nasa

sitwasyon.

Sino ba naman kasing ayaw na magmukhang masaya at maganda sa harap ng

ibang tao?

At sino rin bang tao ang walang pakielam kahit na madumihan ang pinaka

iingatan nitong reputasyon at pagkaisahan ng iba?

Isa pa, malayo sa katotohanan ang binibintang sakanya ng mga netizens, pero

para siyang pinagkaitan ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili niya.

Oo… sobrang nasaktan siya.

Simula noong lumabas ang scandal, noong napuno ang bakuran nila ng media,

noong pinagkaisahan siya sa internet, at noong kinuyog siya ng mga

reporters…sobrang nasaktan siya.

Alam niyang malulungkot si Lu Jinnian kapag nakita nitong malungkot siya, kaya

pinili niyang kimkimin nalang.

Ang buong akala niya ay sapat na ang tapang niya para magpanggap na

masaya sa harapan nito, pero dahil lang sa mga simple nitong sinabi, bigla

siyang bumigay.

Habang tumatagal, lalo niyang nararamdaman ang sakit kaya bandang huli,

tuluyan niya ng nilabas ang lahat at umiyak ng malakas.

Alam ni Lu Jinnian na ito ang magpapagaan sa loob ni Qiao Anhao kaya niyakap

niya lang ito ng mahigpit at hinayaang umiyak.

Pero habang naririnig niya ang bawat hikbi nito, pakiramdam niya ay dinudurog

ang kanyang puso.

Umiyak lang ng umiyak si Qiao Anhao hanggang sa mapagod siya.

Ito na ata ang pinaka masaklap na nangyari sakanya at walang ibang

magpapagaan ng kanyang loob kundi ang taong nakayakap sakanya ng

mahigpit kaya dahan-dahan siyang tumingin dito at mangiyak-ngiyak na sinabi,

"Wala naman silang alam… Ang sama-sama nila sa akin. Hindi naman nila yung

totoo pero bakit galit sila sa akin?

"Isa pa, kahit pa sabihin nating totoo ang mga balita, ano bang karapatan nila

para sisihin ako? Siguro sa tunay na buhay sobrang sama talaga ng mga taong

yun!

"Pati yung mga reporters! Sinabi ko na ayokong magpainterview, bakit tanong

pa rin sila ng tanong? Hinayaan ko na nga sila sa labas ng bahay, pero

nakakainis kasi tawag pa sila ng tawag! Pero ang pinaka kinagagalitan ko,

tinulak nila ako. Tignan mo! Ang sakit kaya nito."

Sa wakas, nasabi niya na rin ang lahat ng sama ng loob na kinimkim niya mula

kanina, at noong bahagyang gumaan na ang kanyang pakiramdan, bigla niyang

naalala kung paano niya naidamay si Lu Jinnian, at kung paano siya sabihan ng

mga tao na wala karapatan kaya muli nanaman siyang naging emosyunal at ang

boses niyang puno ng galit ay biglang napalitan ng lungkot.

"Lu Jinnian, kung hindi dahil sa akin, hindi ka madadamay sa gulong 'to."

Siguiente capítulo