Hindi binitawan ni Lu Jinnian ang kamay ni Qiao Anhao habang naglalakad sila
palabas ng Qinghua Building at paikot sa labas. Sa kalagitnaan ng school ay
may magandang garden at man-made lake na noong nadaanan nila ay biglang
tinuro ni Qiao Anhao ang upuan na gawa sa bato at sinabi, "May nakita akong
babae na nagbigay sayo ng love letter dun dati."
"Nakita mo?" Tanong ni Lu Jinnian. Habang patuloy na naglalakad ng
magkahawak kamay, tinuro niya naman ang puno na nasa tabi ng garden at
sinabi, "Eh dun naman, nakita ko na may lalaking nagbigay sayo ng
chocolates."
"Nakita mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Qiao Anhao kay Lu Jinnian
habang tinitignan ang tinuro nito. Hindi niya na masyadong naalala ang detalye
pero sigurado siya sa ginawa niya, "Hindi ko naman kinain yun! Binigay ko yun
kay Anxia."
"Same, ako naman, tinapon ko yung love letter nang hindi pa nabubuksan."
Napangiti nalang si Qiao Anhao sa sobrang kilig habang nagpapatuloy sila sa
paglalakad. Noong nasa kalagitnaan na sila, may sila nanaman siyang naalala
at muling nagsalita, "Alam mo ba, lagi akong dumadaan dito kasi dito kita laging
nakakasalubong."
Ang daan na tinutukoy ni Qiao Anhao ay ang daan papunta sa library at dahil
alam niyang mahilig magbasa si Lu Jinnian, lagi siyang gumagawa ng paraan
para dumaan dito.
Nakangiting nagpatuloy si Qiao Anhao, "Tandang tanda ko pa na kung hindi ka
palabas, papasok ka naman ng library sa tuwing magkakasalubong tayo at
mag'ha'Hi ako sayo.
Sa totoo lang, ayaw naman talaga ni Lu Jinnian na pumunta sa library at
kagaya ni Qiao Anhao, sinasadya niya lang din na dumaan dito dahil nga lagi
silang nagkakasalubong. Sa madaling salita, ginamit niyang palusot ang Library
para magkita sila.
Tunay na kakaiba ang mga nangyari sakanila noon…kahit musmos at wala pa
silang kamuwang muwang, hindi maitatanggi na napakaganda ng mga naipon
nilang alaala kaya hindi napigilang matawa ni Lu Jinnian sa sobrang saya,
"Kaya lang naman ako naglalakad dito kasi alam kong makakasalubong kita."
Magkahawak kamay silang naglakad paikot sa buong school at sa tuwing may
nadadanan silang partikular na lugar na tumatak sa mga isip nila,
nagkwekwento sila ng mga kanya-kanya nilang ginawa para lang mapansin ng
bawat isa.
May isang beses na iyak ng iyak si Qiao Anhao kay Lu Jinnian sa maliit na
kahuyan sa tabi ng school nila.
Kaya naman sa galit ni Lu Jinnian, inabangan niya talaga ang batang lalaki na
nangaway at kung anu-anong sinabing masasakit kay Qiao Anhao.
Para lang magpanggap na hindi nila sinasadyang magkasalubong, bumili si Lu
Jinnian ng lollipop sa canteen na sa tipo niya ay hindi naman mahilig kumain ng
matatamis, at si Qiao Anhao naman ay bumili ng Mai Dong na hindi niya rin
gustong inumin.
Maraming nangyari noong kabataan nila ang akala nila'y nakalimutan na nila.
Pero ngayon na binabalikan nila ang mga ito, para silang nag time travel at
tandang tanda nila ang bawat detalye na para bang ngayon lang nangyari ang
mga yun.
-
Pagkatapos nilang linutin ang bawat sulok ng school, bandang huli,
napagdesisyunan nilang pumasok sa library.
Sa totoo lang, si Qiao Anhao ang may ideya nito kasi noong nagaaral pa sila,
lagi niyang pinapangrap na isang araw, makasama niya si Lu Jinnian na
magbasa ng mga paborito nilang libro kagaya ng mga nakikita niyang mga
kaklase niyang magboyfriend at girlfriend.
Pero dahil Sabado sila bumisita, iilan lang ang tao sa loob ng library. Bukod sa
mga staff na nakaduty, dalawang estudyante lang na nakauniporme, na tutok
na tutok sa pagbabasa, ang mga kasama nila.
Noong naglakad sila sa hilera ng mga bookshelves, kumuha si Lu Jinnian ng
isang Chemistry Book, samantalang si Qiao Anhao naman ay parang isang
teenager na kumuha ng isang nakakailig na nobela, at pagkatapos, naghanap
sila ng pwesto na walang tao at umupo.
Tahimik silang nagbasa ng kanya-kanya nilang mga libro, at alinsunod sa
library rules, hindi sila gumagawa ng kahit anong ingay kahit pa simpleng
bulungan.