webnovel

Pagpapatuloy (7)

Editor: LiberReverieGroup

Sina Xu Jiamu at Mr. Song ang nagsama sa isang kwarto, samantalang ang

kabila naman ay sinadyang ibigay kay Song Xiangsi para makapagpahinga ito

ng mabuti.

Isang puting pader lang ang naghihiwalay sa dalawang kwarto.

Kinabukasan, maagang nagising si Song Xiangsi at ang una niyang ginawa

pagkabangon niya ay kumatok kaagad sa kabilang kwarto. Ang papa niya ang

nagbukas ng pintuan, pero noong hinanap niya si Xu Jiamu, wala na ito.

Hindi na talaga maganda ang kundisyon ng papa niya… Bagsak na bagsak na

ang katawan nito at kahit kapiranggot lang ang nilakad nito, kapansin-pansin

na grabe ang hingal nito."

Kaya dali-daling lumapit si Song Xiangsi para akayin ang papa niya papasok at

iupo sa sofa. Bilang anak, siyempre sobrang nagaalala siya, pero bago pa man

din siya makapagtanong kung anong nararamdaman nito, bigla itong nagsalita,

"Hindi nakatulog yung batang yun buong magdamag."

"Kagabi, sobrang sakit ng tyan ko… ilang beses akong tumae… pero sa tuwing

gusto kong mag'CR, bubuhatin niya talaga ako. Bukod dun, nakaihi rin ako,

kaya siya rin ang nagpunas at nagbihis sa akin. Sabi niya ako nalang daw ang

matulog sa kama habang binabatayan niya ako… Nilabhan niya nga rin yung

madumi kong damit eh…"

Habang nagsasalita, tinuro ni Mr. Song ang mga damit na nakasampay sa may

bintana.

"Base sa mga ginawa niya para sa akin… masasabi kong mabuting tao at

mahal ka talaga niya… Anak, sobrang saya ni papa na alam niyang may

magaalaga sayo sa oras na mawala na ako…"

Marami pang sinabi ang papa niya, pero habang pinapakinggan ang mga ito,

nakatitig lang siya sa mga damit na nilabhan ni Xu Jiamu.

-

Bumalik si Xu Jiamu na may dalang maraming paper bag.

Dahil masyadong biglaan ang pag'alis nila kagabi, literal na wala silang dala

kundi ang mga sarili lang nila, kaya naman ngayong umaga, sinadya ni Xu

Jiamu na bumili ng tig'dalawang pares ng damit para kina Song Xiangsi at Mr.

Song, magrenta ng sasakyan, at bumili ng agahan.

Medyo hirap ng gumalaw si Mr. Song, kaya nagrepresinta si Xu Jiamu na

subuan ito ng lugaw.

Nakapwesto si Song Xiangsi sa harapan ni Xu Jiamu at ng papa niya, at

habang pinagmamasdan ang mga ito, hindi niya mapigilang maging

emosyunal…. Sa totoo lang, hanggang ngayon, gusto niyang labanan ang

sinasabi ng puso niya, pero sa bawat kilos ni Xu Jiamu, parang tinutunaw siya

nito…

Base sa pagkakakilala niya kay Xu Jiamu, lumaki itong sunod sa layaw, at

madalas hindi nito pinapahalagahan ang mga bagay na nasa paligid nito, pero

ngayon… ramdam na ramdam niya ang malaki nitong pagbabago… Kumpara

dati, mas nakikiramdam na at mas may pakielam na ito sa ibang tao ngayon….

Kung sa walong taon nilang pagsasama, nagpakita ito ng ganito ka'passionate

na ugali kahit isang beses lang, baka hindi siya lumayo…

Matagal niya ng mahal si Xu Jiamu, pero ang Xu Jiamu ngayon… ito ang

dream guy niya… isang lalaking mapagkakatiwalaan at maasahan… pero

kagaya nga ng sinabi nito, three years ago, wala na silang koneksyon sa isa't-

isa ngayon…

-

Pagsapit ng alas onse ng umaga, binayaran ni Xu Jiamu ang bill ng hotel at

minaneho ang sasakyang nirentahan niya papunta sa baryong tinirhan noon

nina Song Xiangsi.

Mula sa airport, halos apat na daang kilometro pa ang kailangan nilang

lakbayin, kaya kulang-kulang limang oras silang bumyahe bago sila nakarating.

Mula noong dumayo si Mr. Song sa Beijing para magpagamot, wala ng tumira

sa luma nilang bahay, kaya pagkarating nila, medyo maalikabok na ito.

Ngunit taliwas sa inaasahan, walang reklamong nakisama si Xu Jiamu.

Malinaw na hindi siya nakatulog ng maayos kagabi at ngayong araw naman ay

siguradong pagod siya sa kakamaneho, pero sa kabila nito, tumulong pa rin

siya sa gawaing bahay, at nang masiguradong maayos na ang lahat, muli

siyang lumabas para bumili naman ng mga lulutuin niya para sa gabihan.

Pero dahil wala ng panlasa si Mr. Song, kaunti lang din ang kinain nito. Sa

kanilang tatlo, ito ang pinaka napagod sa lahat kaya pagkatapos nitong

uminom ng gamot, dumiretso na ito kaagad sa kwarto para matulog.

Siguiente capítulo