Ngayong nahuli na niya ang lalaki, gusto niyang marinig kung anong totoong
nangyari kaya pinatay niya ang lighter at tinitigan ito ng diretso sa mga mata,
na para bang naghihintay siya na magpatuloy ito.
Kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito habang nakatitig sa kumpol ng
pera na nasa kamay niya kaya noong hindi nanaman ito nagsalita, muli niyang
kinalabit ang lighter para takutin ito ulit.
"Young master Xu, nagmamakaawa ako sayo. Wag ka namang pabigla-bigla.
Magsasalita na ako pangako… Kinita ko ang mga yan dahil nagawa ko ang
utos ni Madam Xu na magpapunta ng reporters sa Mian Xiu Garden at
magkunwaring delivery man para maloko si Miss Qiao…"
Sa kabila ng kutob ni Xu Jiamu, bigla pa rin siyang natigilan noong tumambad
na sakanya ang katotohanan. "Tapos?"
"Yun lang po…" Alam niyang meron pa kaya para pilitin ang lalaki na
magsalita, naglabas siya ng isang bill galing sa envelope at sinunog. Hindi siya
nagkamali dahil takot na takot itong sumigaw ng "Tama na!" habang
pinagmamasdan ang pera nito na maging abo.
Hindi niya pinansin ang pagmamakaawa ng lalaki at muli siyang naglabas ng
pera galing sa envelope, pero sa pagkakataong ito, mas makapal na ang
kinuha niya.
Sa pagkakataong ito, wala ng pakielam ang lalaki dahil bilang
nangangailangan ng pera, handa siyang gawin ang lahat para makuha ang
pinaghirapan niya. "Si Madam Xu ang nagutos sa akin na sabihin ang address
ni Miss Qiao. Noong nasa Mian Xiu Garden na ang mga reporters, inutusan
ako ni Madam Xu na hulihin si Miss Qiao at… habang nagkakagulo ang lahat,
inutusan niya ako na bagsakan si Miss Qiao ng camera. Alam niya kung gaano
kabigat ang camera kaya sigurado siya na kapag ginawa ko yun, pwedeng
mamatay si Miss Qiao… Sinabi sa akin ni Madam Xu na bibigyan niya ako ng
fifty million kapag natupad ko ang mga utos niya pero dahil dumating ka
kanina, ito lang ang nakuha ko. Parang awa mo na… ibalik mo na yan sa
akin…"
"Ibig sabihin, sinadya mong masaktan si Qiao Qiao? Kaya ba biglang
nagkatulakan kanina dahil plinano mo yun?" Punong-puno ng galit ang mga
mata ni Xu Jiamu habang nakatitig sa lalaki.
Hindi na kayang tumingin ng diretso ng lalaki sa mga mata ni Xu Jiamu kaya
sumandal siya sa puno at nanginginig na nagpatuloy, "Hindi ako ang nagplano,
Young Master. Inutusan lang ang ako ni Madam Xu…Si Madam Xu ang nasa
likod ng lahat ng ito…Natalo ako sa sugal at tinatakot ako ngayon ng mga
pinagkautangan ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko pero isang araw,
biglang umuwi si Auntie Yun sa baryo namin. Fifty million…Young master, hindi
pa ako nagkakaroon ng ganun kalaking pera sa buong buhay ko at kahit anong
gawin ko, hindi ako magkakaganun kaya pumayag ako. Young Master,
maniwala ka sa akin… Kung ako lang, hindi ako ganung klaseng tao at hindi
ako gagawa ng mga ganung bagay pero dahil gipit na gipit na ako, sumunod
ako sa utos nina Auntie Yun at Madam Xu…"
"Dahil inutusan ka nila kaya mo nagawa yun? Fifty million? Fifty million lang ba
ang halaga sayo ng buhay ng ibang tao? P*tang*na! Alam mo bang ilegal ang
ginawa mo? Naisip mo ba 'yun? Kung hindi ako dumating kanina, may napatay
ka ng inosente. Kaya ngayon sabihin mo na sila lang ang may kasalanan?
Kailangan niyong makulong…makukulong kayong tatlo! Naiintindihan mo ba
yun?!"
Hindi na kayang kimkimin ni Xu Jiamu ang galit na nararamdaman niya kaya
ngayon na nasa harapan niya ang isang taong ginawang intrumento ng sarili
niyang ina para gumawa ng masama sa taong tinuturing niyang best friend,
tuluyan na siyang sumabog sa galit kaya sa sobrang takot ng lalaki, biglang
nanginig ang mga binti nito. Noong nakakuha ito ng tyempo, walang
pagdadalawang isip nitong inagaw sa kamay niya ang envelope na naglalaman
ng maraming pera.
Dahil nakabaliktad ang envelope, may ilang pera na nagkalat sa sahig kaya
nagmamadaling yumuko ang lalaki para ipunin ang mga ito pero sa takot niya
na baka bila siyang saktan ni Xu Jiamu, hinayaan niya nalang ang mga hindi
niya napulot at nagmamadaling tumakbo.
Narinig na ni Xu Jiamu ang mga kailangan niyang marinig kaya hinayaan niya
nalang ang lalaki na tumakbo…Parang galit nag alit sakanya ang katotohanan
na sinampal siya nito ng malakas at wala na siyang magawa kundi tanggapin
nalang ang lahat.
Ang buong akala niya…Masama lang ang loob ng mama niya kaya nito binigay
sa reporters ang tungkol sa kasal nila ni Qiao Anhao at ang address ng kapatid
niya sa Mian Xiu Garden kaya nga naisipan niyang umuwi na para kumbinsihin
itong tumigil na at magumpisa nalang sila ng bagong buhay.