webnovel

WANTED PROTECTOR

Author: Phinexxx
Urban
Completed · 1.2M Views
  • 107 Chs
    Content
  • 4.8
    60 ratings
  • NO.200+
    SUPPORT
Synopsis

When the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a skilled agent and law protector, must complete his last mission as the bodyguard of the granddaughter of the most influential man in town for a month before he returns to his hometown, no matter what it takes. However, his mission leads him to become the target of the game that lawbreakers played, forcing him to drop his role as a law defender and become the protector of the lawless in order to be freed.

Tags
4 tags
Chapter 1INTRODUCTION

7:00 PM MONDRAGON WAREHOUSE... 

Sa loob ng malawak na espasyo ng isang gusali ay naroon ang dalawang matandang lalaking nagkamayan at nakangiti sa isa't-isa.

Nasa likuran ng mga ito ang mga pinagkakatiwalaang tauhan.

 "Thank you for coming Mr. Tang." Malugod na bati ng matandang lalaking may suot na amerikanang kulay puti ang matandang intsik na naka tuxedo ng itim.

Sa tagal nitong paghihintay sa ganitong pagkakataon ay natural lamang na maging masaya ito. 

"Ofcourse! It's you Mr. Mondragon!" tugon ng matandang intsik habang nakangiti rin. 

Sa likod ng dalawa ay ang limang trak na may lamang kargamento na kasalukuyang ini- inspeksyon ng mga tauhan ng matandang Mondragon.

Nilingon niya ang kanang- kamay.

"Marco, secure the area."

Agad namang tumalima ang inutusan at umalis kasama ang sampung tauhan.

Ang matandang Mondragon ay lubos ang tiwala sa kanang-kamay niya. 

Matagal na niyang tauhan kaya ang mga ganitong transaksyon ay dito na ipinapaubaya. 

Malawak ang impluwensiya niya na umabot na sa ibang bansa ang negosyo.

"Oh, we're just having the final check before the payment."

"It's okay, Mr. Mondragon," tugon ng intsik.

"Where's Dave?" untag niya sa isa pang tauhan mula sa likod.

"Umalis, boss."

"Ang attaché case?"

Hindi nakasagot ang tinanong at sinuyod ng tingin ang ibang kasamahan ngunit wala sa mga ito ang may dala.

Kabadong nilibot niya ng tingin ang buong paligid ngunit hindi ito matagpuan.

Ayaw niyang isiping tinangay ng isa pang pinagkakatiwalaan ang pera. Ito ang kanyang kaliwang-kamay.

Tumalim ang tingin niya sa kawalan.

"Si Simon?"

"Papunta sa likod ng bodega, boss."

Tumuon ang mga mata niya sa nabanggit ngunit tahimik ang lugar.

Hindi na mapakali ang matandang Mondragon dahil lumipas na ang ilang minuto, wala pa ang tauhan.

Kailangan na ng panghuling pagsusuri sa mga produkto upang matapos na ang transaksyon.

Ilang sandali pa lumapit ang kanang-kamay na si Marco. "Tapos na ang inspeksyon, boss."

Ibig sabihin oras na ng bayaran ngunit wala pa rin ang may dala.

Napatid ang pasensiya ng matandang Mondragon.

"WHERE IS DAVE? FIND HIM!"

Umalingawngaw sa kabuuan ng paligid ang kanyang sigaw.

Ilang sandali pa, maririnig ang mabagal na mga yabag ng isang lalaking kalmadong naglalakad papalabas mula sa kung saan.

Purong itim ang kasuotan magmula sa sapatos, maong na pantalon, jacket, damit at sumbrero.

Bitbit ang isang itim na attaché case sa kanang kamay.

Nakahinga ng maluwang ang matanda.

"Pasensiya na boss."

"Check it!" Itinuro niya ang limang trak.

"Yes, boss!" Masigla nitong tugon at ibinigay ang dala sa tauhan niya bago lumapit sa mga sasakyan.

Pinagkakatiwalaan din niya ito dahil noon ay iniligtas siya sa tiyak na kapahamakan.

Matagal na siya sa larangan ng ganitong negosyo mahigit walong taon na, ngunit gano'n pa man ay palagi pa rin siyang nag-iingat.

May sariling mga pribadong eropolano at doon ikinakarga ang mga produkto mula sa ibang bansa.

Dito na lang inililipat sa trak tulad ngayon.

Wala ring gagalaw sa kanya dahil sa mga koneksyon sa awtoridad at sa mga maimpluwensiyang tao sa lipunan. 

Maya-maya pa, bumalik ang tauhang si Dave bitbit sa magkabilang kamay ang dalawang lata ng sardinas.

"Ayos na boss."

Nag-abot sa gitna ang dalawang grupo upang magbayaran.

Sa isang maliit na mesang naroon ay ipinatong niya ang hawak na attaché case. Ipinatong naman ni Dave ang dalawang latang imported na sardinas sa tabi.

"Buksan mo," utos niya rito habang nakaharap silang lahat.

Agad naman nitong binuksan ang nasa kanang panig at tumambad ang kulay puting isda na nakasalansan sa loob ng lata na may kakaunting kumikintab na sauce.

Nagkatinginan ang dalawang matanda bago ngumiti.

Nang buksan nito ang isa pang lata, tumambad ang totoong laman na kailangan nila.

Nakapaloob sa isang cellophane ang puting powder at kumikinang sa sobrang ganda ng kalidad.

Nagkatinginan muli ang dalawang matanda at ngumisi na.

"Ang pera," utos niya sa kanang-kamay na si Marco na agad binuksan ang attaché case.

Tumambad ang nakahilerang bundle ng perang dolyar.

Muling nagkatingnan ang dalawang matanda at nagtawanan.

"Mr. Tang , it's worth two million US dollars," aniya.

"Good! You never disappoint me Mr. Mondragon."

Maglabas man siya ng gano'ng halaga, halos doble naman ang balik nito sa oras na maipamahagi na sa mga ka sosyo.

"Will you stay after this Mr. Tang?"

"No. We're going back immediately."

Nagkamayan ang dalawang matatanda hudyat na tapos na ang usapan.

Kailangan ng isara ang bodega habang naghahanda na paalis ang mga ka transaksyon.

"Marco," Nilingon niya ang kanang-kamay ngunit wala na ito sa kanyang tabi.

"Nasaan siya?" lingon niya sa kaliwang kamay na si Dave.

"Umalis, boss."

"Lintek! Bakit ba nagsisialisan kayo!"

Tumahimik ang lahat.

Saka ang pagdating ang kanang- kamay at humarang sa daanan.

Tila bumagal ang buong paligid nang makita ang paghakbang ng naturang tauhan.

"Marco..."

Natuon ang tingin ng lahat ngunit hindi kay Marco kundi sa hawak nitong nakahandusay na lalaking tila wala ng buhay habang ang pulang likido ay nakakalat sa sahig dahil sa paghila rito.

Isa ito sa tauhan niya!

Si Simon ang isa sa pinakamahusay at pinaka maasahan na tauhan ngunit ngayon wala na itong buhay. 

Tumalim ang tingin ng matandang Mondragon sa kausap na intsik.

Alam niya ang kalakaran ng mga intsik, hindi pauutang at hindi palulugi!

"What is the meaning of this?" mapanganib na wika niya sa kaharap.

Nagsipaghandaan ang lahat ng tauhan niya.

Binitiwan ni Marco ang hawak na kasamahang wala ng buhay at ikinasa ang baril.

Sumunod ang iba pang tauhan at nagkasahan ng armas ang lahat.

Sa panig ng mga ito ay nasa labing-limang tauhan lamang samantalang sa kanila ay nasa mahigit kwarentang tauhan.

Tila nataranta ang intsik ngunit kalmado pa ring nagsalita.

"I don't know Mr. Mondragon-"

"Nǐ shì zài chūmài wǒmen ma?" diretsong tanong ng matandang Mondragon sa pag-iisip na tinatraydor sila ng ka transaksyon.

"Dāngrán bùshì!" agad namang depensa ng ka transakyon bilang tugon na hindi nito magagawa ang mag doble cross.

Ngunit hindi siya naniniwala kaya nang hinablot niya ang kwarenta 'y singkong baril sa likod ng pantalong suot at itinutok sa kaharap ay doon na naalarma ang lahat, biglang nagkatutukan ang mga tauhan ng dalawang grupo.

"I will kill you!" sigaw niya sa kaharap na hindi man lang nakahuma at nakataas ang mga kamay.

Walang kaabog-abog ay biglang may pumutok na baril na siyang nagpatumba sa matandang intsik na may tama sa noo.

Lahat ay napalingon sa gumawa. Nagmumula ito sa kanyang kanang-kamay na si Marco naka puntirya pa rin ang baril sa ere.

Tila bumagal ang paligid, kasabay ng pagbagsak ng intsik ay ang paghila ni Dave sa balikat niya patungo sa likuran nito upang maikubli siya at mailigtas kasabay ng pagtakbo palabas habang nakikipag palitan ng putok sa kalaban.

Nang makalabas na sila ay nilingon niya ang naturang gusali kung saan papalabas ang iba. 

Nang walang anu-ano ay biglang may sumabog sa loob ng naturang bodega! 

Sunod-sunod ang pagsabog ng mga trak at sa lakas ng pagsabog ay tumilapon sila. 

Tila nag-aapoy na impyerno ang naturang bodega.

 

Nagulantang ang lahat at nagtakbuhan upang makaligtas. 

Nanigas ang matandang Mondragon. Nag rereplika sa paningin niya ang naglalagablab na apoy na siyang tumutupok sa pagmamay-aring negosyo. 

Bakas ang galit at sakit sa kanyang mga mata.

Naglabasan ang ilang mga nakaligtas sa pagsabog ngunit sinalubong ng bala na nagmumula sa kung saan.

Naalarma ang lahat ngunit na hindi alam kung sino ang kalaban!

Mabilis siyang hinila sa pulso ng tauhang si Dave. 

"Dito tayo boss!" 

Tumakbo sila patungo sa parking area kung nasaan naghihintay ang sasakyan. 

Nang bubuksan na niya ang ang pintuan, subalit dagli silang natigilan nang ng pagkasa ng baril mula sa likuran.

Nanlamig siya sa takot.

Humigpit ang pagkakahawak ni Dave sa pulso niya.

Kabadong nag-abot ang mga tingin nila habang iniisip niya kung paano makaligtas sa tiyak na kamatayan.

Nagsalita ang lalaking nakatutok ang baril mula sa likuran nila.

"Arestado ka, Joaquin Mondragon!"

Lumingon ang matanda at unti-unting gumuhit ang ngisi sa mga labi niya!

Dahil sa likod ng lalaking nakatutok ang baril sa kanya ay ang kanang-kamay niyang si Marco na nakatutok din ang baril dito.

"BOSS TUMAKAS NA KA!"

Tila natauhan ang matanda at tumakbo ngunit biglang natigagal nang may yumapos na braso sa kanyang leeg kasabay ng pagtutok ng baril.

"Magkaalaman na!"

Nagitla ang matandang Mondragon at matalim na tinitigan ang tauhan.

"Anong ibig sabihin nito Villamayor!"

You May Also Like

Naging Mabangis Ako Matapos Mapamahal sa mga Big Boss

Pagkatapos niyang magising mula sa muling pagsilang, siya ay naging kaawa-awang batang babae na ipinadala sa mental hospital ng kanyang mga biological na nakatatandang kapatid. Ang kanyang mga biological na nakatatandang kapatid ay nagmamahal lamang sa pekeng binibining dalaga, ang 'nakababatang kapatid' na ipinalit sa kanya noong kapanganakan. Kinamumuhian nila siya sa anumang paraan. Kaya, gumagawa ng gulo si Pei Yunge at hinaharap ang pekeng binibining dalaga, naghihintay para sabihin nila sa kanya na umalis. Gayunpaman, ang mga pag-uugali ng mga kapatid ay lubhang kakaiba. Pangulo Qin ay ngumingisi. "Ang nakababata kong kapatid ay sumira ng tindahan? Bilhin ang buong mall para masira ng aking nakababatang kapatid!" Best Actor Qin ay nagtaas ng kilay. "Inilagay niya ang sarili sa casting couch? Ano ako, patay?" Diyos Qin ay may madilim na ekspresyon. "Paulit-ulit kang gumagawa ng mga panlilinlang at nang-aapi kay Ge'er. Akala mo ba bulag ako?" Pei Yunge: "?" #Ang mga walang kuwentang kapatid ay may mga araw din na hindi normal# … Pagkatapos bumalik sa walong taon na nakalipas, bago malugi ang pamilya Qin, ang mga kapatid ay nagmamalasakit lamang sa kanilang biological na nakababatang kapatid na namatay nang napakalupit dahil sa kanila. Ano ngayon kung wala siyang talento at tanga? Nananatili siyang apple of their eye, isang taong nangangako silang protektahan at mahalin! Habang ang mga kapatid ay determinadong naglalakad at hinahanap si Pei Yunge… "Ang aking Yunyun ay nakakuha ng unang puwesto sa world championship muli. Napakabuting bata." Ang mahinhin at may dangal na lalaki ay ngumiti nang kaakit-akit. Pagkatapos malantad ang kanyang tunay na pagkakakilanlan, siya ay nagngingitngit sa galit. Hinawakan niya ang lalaki at kinagat ito. "Huwag mong isipin na makukumbinsi mo akong umuwi." Ang tatlong biological na kapatid: "?" #Ano itong kakaibang pag-unlad at mabangis na lalaki# [Minamahal ng lahat + Paglalantad ng Pagkakakilanlan] [Isang napaka-cool at tuso na boss at isang Pangulo na lobo sa balat ng tupa]

Su Xianning · Urban
Not enough ratings
228 Chs

Muling Isinilang Upang Higitan ang Aking Ex at ang Kanyang White Moonlight

【Rebirth + Pseudo Taboo + Age Gap + Chasing Wife Crematorium】 Pagkatapos ng isang mabangis na gabi kasama ang kanyang nominal na tiyuhin, si Gong Chen, si Lin Zhiyi ay nagdusa ng walong taon ng pagpapahirap. Nang siya ay nagpakamatay habang hawak ang abo ng kanyang anak na babae, si Gong Chen ay naghahanda ng isang malaking birthday party para sa anak na lalaki ng kanyang white moonlight. Pagmulat ng kanyang mga mata sa isang bagong buhay, siya ay determinado na pagbayarin si Gong Chen! Sa nakaraang buhay, masinsinan niyang ipinaliwanag, ngunit inakusahan siya ni Gong Chen na dinrogan siya nang may masamang intensyon. Sa buhay na ito, hayagan niyang nilalayuan ang sarili mula sa kanya! Sa nakaraang buhay, ang kanyang likha ay pinlagiarize ng white moonlight, at sinabi ni Gong Chen na siya ay nababalot ng inggit. Sa buhay na ito, yuyurakan niya ang white moonlight para tumayo sa award podium! Sa nakaraang buhay, siya ay maling inakusahan ng pag-target, at pinoprotektahan ni Gong Chen ang white moonlight. Sa buhay na ito, malakas niyang sasapakin ang mukha ng white moonlight! Laging inisip ni Gong Chen na patuloy na mamahalin siya ni Lin Zhiyi ng malalim tulad ng dati. Ngunit nang umalis si Lin Zhiyi nang hindi lumilingon, siya ay lubos na nabahala. Ang mapagmataas na si Gong Chen ay hinawakan siya nang may namumulang mga mata: "Zhiyi, huwag mo akong iwanan, maaari mo ba akong isama?"

Yi Xiaowen · Urban
Not enough ratings
228 Chs
Table of Contents
Volume 1 :WANTED HUSBAND

ratings

  • Overall Rate
  • Writing Quality
  • Updating Stability
  • Story Development
  • Character Design
  • world background
Reviews
Liked
Newest
Miele23_15
Miele23_15Lv13
Miele23_15
Miele23_15Lv13
ItsmeTeptep
ItsmeTeptepLv3
ItsmeTeptep
ItsmeTeptepLv3

SUPPORT