webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless.

Phinexxx · Urban
Not enough ratings
107 Chs

Chapter 95- The Courtship

"Hindi ba pinalayas na kita?" duro niya.

Naglakbay ang kanyang tingin sa kabuuan ng kaharap. Kahit naka apron pa kitang-kita pa rin ang hubad nitong katawan, bigla siyang nag-init at mas lalong nagalit. 

Kalmado naman itong sumagot.

"Hindi ba sinabi kong hindi ako uuwi?"

"Ano!" halos umusok ang ilong niya sa tindi ng inis. 

"Luto na, kain na," anito at naghanda ng mesa.

"Trespassing ito! Lumayas ka sa bahay ko!" sunod-sunuran siya rito habang nakapameywang.

Wala naman itong imik at patuloy lang sa paglalagay ng pinggan at mga kubyertos.

"Pinagtimpla kita ng kape na may gatas hindi ba gusto mo 'yon?" 

Saglit siyang natigilan dahil naalala pa nito ang paborito niya. Gano'n pa man ay hindi siya nagpatinag.

"Lumayas ka!" turo niya sa pinto.

Naglagay naman ito ng mga baso sa mesa. 

"Ang akala ko umuwi ka ng hinayupak ka? Dito ka pala talaga natulog? Saan ka natulog?" 

"Diyan sa sofa, don't worry I'm fine, komportable naman ang tulog ko-"

"Walang hiya! Naisahan mo talaga ako eh!"

Natawa ito na mas lalong nagpakulo ng kanyang dugo.

Hinarap naman siya ng ex at sinuyod mula ulo hanggang paa. 

Tumaas ang kilay niya.

"Mag-ayos ka muna o magsuklay kaya bago tayo kakain? Teka nagmumog ka man lang ba?"

Nagdilim ang kanyang paningin at nahiya. "LECHE!" takbo siya papasok ng silid.

Dinig na dinig ang halakhak ng hinayupak.

Nag-ayos siya ng sarili at naasiwa sa nangyari.

Nagtooth brush siya at nagsuklay saka nagbihis ng lose t-shirt at short. 

Lumabas siya ng silid at sumalubong ang nakangiting dating kasintahan. Bagong paligo na ito naka t-shirt na at nakapantalon.

"Let's eat?" masiglang anyaya nito habang paupo na.

Sumalubong ang mabangong amoy ng bawang sa sinangag at talaga namang nakakagutom. 

Nakalatag na sa mesa ang hotdog, bacon, egg at fried rice, manggang hinog, may isang pitsel pa ng tubig at dalawang tasa ng kape.

"Eat and leave, " matigas niyang utos sabay turo sa pinto.

Naglaho ang ngiti nito sa mga labi. "H-hindi ka sasabay?"

"Hindi, kaya kumain ka na at umalis huwag ka ng magpakita pa!"

Umayos ito ng tayo at yumuko.

Tumaas ang kanyang noo at hinintay ang paglabas nito.

"Kung ayaw mo pang kumain, mamaya na rin ako medyo busog pa naman ako sa-"

"HOY!" singhal na niya. Ang inakala niyang tatablan ay hindi pala. 

"Kapag hindi ka umalis tatawag ako ng pulis!"

"Go, kung gusto mo si Vince pa eh."

"Ewan ko sa'yo!" tumalikod siya.

"Kumain na lang tayo. Masarap naman 'to."

"Kumain ka mag-isa!"

Umupo ito at nagsimulang magsandok ng pagkain.

Humilab ang kanyang tiyan sa gutom subalit hindi niya ininda.

Napakawalang hiya ng hinayupak!

"I remember we're not even eating together before," anang dating nobyo na hindi nakatingin sa kanya.

Nag-umpisa itong sumubo.

"Hindi na nga noong tayo pa ano pa kaya na hindi na?"

"Sinong nagsabing hindi na tayo? Wala akong natandaang pumayag akong hiwalayan mo," tugon nito habang kumakain na nga.

Tumikwas ang kilay ni Ellah. "At bakit kailangan ko bang magpaalam pa ha?"

"Nagkaroon tayo ng relasyon dahil pumayag ka na maging tayo, kaya dapat magpaalam ka kapag ayaw mo na."

"Pwes ayoko na sa'yo maghiwalay na tayo! Paalam!"

"Hindi ako pumapayag at hindi mangyayari 'yon."

"Wala akong pakialam sa ayaw mo at sa gusto hindi na kita mahal! Wala na akong nararamdaman sa'yo!"

Sa pagkakataong 'yon ay tumigil sa pagkain ang binata at uminom ng tubig.

Mas ginanahan siya sa nakikita. 

"Mahal mo na ba siya?"

"Oo, mahal ko siya dahil siya ang nagpakatotoo at hindi ako niloko hindi gaya mo."

"Sinungaling. Hiwalayan mo ang hayop na 'yon o baka naman gusto mong pagsabayin kami?"

"Anong sinabi mo!"

"Ayos lang naman sa akin na dalawa kami basta siya sa araw ako sa gabi."

"ANO?" nanlaki ang butas ng kanyang ilong sa narinig.

Natawa ito. "Kumain ka na lang kasi, gutom lang 'yan." Tinapik nito ang mesa sa harap.

Muling tumikwas ang kanyang kilay. 

"GIAN!" singhal na niya.

Sa kanyang pagtataka ay tuluyan na itong napangiti kahit hindi naman nakatingin sa kanya.

"I miss hearing my real name."

Tumahimik na lang siya at nagsandok ng ulam saka kumain. 

Binilisan niya ang pagsubo at panay ang higop niya sa tinimplang kape na mas lalong nagpapasarap.

"Masarap ba?" mahinahong tanong nito.

"Hindi, maalat ang hotdog, matabang ang bacon," tugon niya. 

Inaasahan niyang mahiya ito.

"Hindi pala masarap ba't pinagbibili mo?"

Natigilan siya at hinarap na ito.

"Ano?"

"Huwag kang magbibili ng hindi ka nasasarapan tapos magrereklamo ka panay naman ang lamon mo."

Bigla siyang nasamid kaya mabilis na uminom ng tubig.

"Excuse me, masarap ang mga 'yan 'di ka lang marunong magluto," depensa niya.

"Nasarapan ka naman hindi mo lang maamin," tudyo nito.

"Gutom ako pero hindi ako nasasarapan."

Tumahimik na ito. 

Hindi niya napapansin habang umiinom ng kape ang ex ay pinagmamasdan siya nito hanggang sa umangat ang kanyang tingin at nahuli.

Mabilis naman nitong ibinaling ang tingin sa tasa ng kape.

Tapos na rin siyang kumain.

"Tapos ka na?" 

"Tapos na," tugon nito.

"O ano pang hinihintay mo? Layas na," turo niya sa pinto.

Tumayo naman ito kaya napangiti siya.

"Huwag kang magsaya hindi pa ako uuwi."

"A-anong sinabi mo!" Napatayo siya ng biglaan.

Nagligpit ito ng pinagkainan saka naghugas ng pinggan. 

"Lumayas ka na sabi!"

Patuloy lang ito sa paghuhugas. HIndi na siya nakatiis at hinila na ito sa damit.

"Ano ba!" 

Nadala niya ito kaya lang halos maglapat ang kanilang katawan kaya umatras siya ang kaso napasandal sa lababo. 

Kumabog ang kanyang dibdib at tinangkang kumawala ang problema iniharang nito ang magkabilang kamay sa kanyang tagiliran na corner siya.

"Anong ginagawa mo?" asik niya.

"May sasabihin ka hindi ba?" 

Napalunok siya at tila nakalimutan ang pinaplano. 

"Lumayo ka nga!" tinulak niya ito na bahagya lang natinag.

Tumaas ang sulok ng labi ng dating nobyo na tila nangingiti saka bumalik sa paghuhugas.

Doon pa lang siya nakahinga ng maluwag.

Lumabas siya ng kusina at nag-isip ng paraan paano ito mapapaalis. 

Pagkuwan ay sumilip siya sa kusina.

Hawak nito ang mop at nililinis ang sahig.

"Hmp, humanda ka."

Padabog siyang naglakad siya papunta sa kusina napansin naman siya ng ex.

"Huwag diyan, baka madulas ka."

Tila wala siyang narinig at nagpatuloy sa paglalakad-lakad sa katatapos lang nitong na mop at kunwari may katawagan.

"Oh, babe hello? Yes, oh yes darling, date? Sure!" tawa niya sabay sulyap sa nag ma-mop, patuloy lang ito sa paglilinis.

Nagpatuloy rin siya, pumwesto siya sa katatapos lang nitong na mop.

"Oh what is it again babe? Oh! I love you t---hoy ibalik mo 'yan!" 

Bigla na lang kasing may humablot sa cellphone niya.

Sinipat-sipat naman nito ang hawak na cellphone.

"Wow amazing! May kausap ka kahit walang katawagan? Unbelievable!"

Hinablot niya ang aparato at inismiran ito.

Gigil siyang umalis.

Bigla siyang nahiya dahil nabuko nito.

"Ellah hija?"

Agad niyang nilingon ang tumawag at lumuwang ang ngiti.

"Manang Ising!" sinalubong niya ito at tiningan ang mga dalang plastic bag.

"May dala akong mga pagkain pinadala ng lolo mo kasi raw-" 

"Sino 'yan darling babe?" 

Nagkatinginan sila ng mayordoma sa nagsalitang mula sa kusina.

"Sandali lang may kasama ka pala? Ang nobyo mo ba 'yon?"

"Naku hindi manang! Hindi tao 'yon." 

"Ha?"

"I mean-" 

Sumulpot ang binata may dala pa itong mop.

"Oh Gian hijo ikaw pala 'yan?" ngiti ng matanda.

Laglag ang kanilang panga.

Unang nakabawi ang dating nobyo. Sumeryoso ang anyo nito.

"Kailan niyo pa ho nalaman?"

"Noong unang beses kang pumunta sa mansyon at nagpakilala ng ibang pangalan."

"A-ano! Noon pa manang?" nanlalaki ang mga matang sambit niya.

"Oo hija"

"Eh bakit hindi niyo sinabi?" 

"Inilihim niya 'yon bakit ko naman ilalantad?" tugon nitong nakatingin sa ex na seryoso pa rin.

"Ang sama niyo manang!" angal na niya.

Yumuko si Gian sa matanda. "Patawad manang kung pati kayo ay nadamay sa ginawa ko."

"Naku wala 'yon hijo, naiintindihan kita. Kaya nga ang saya ko lang noong nagbabalik ka na."

Nagkatinginan ang dating magkasintahan.

Si Ellah ang unang nagbawi ng tingin sabay harap sa matanda. "Manang wala na ho siyang babalikan," tugon niya.

"Ah hija, may pinadala nga palang mga panghimagas ang lolo mo, bakit ba kasi ayaw mo pa siyang makita? Halika tikman mo ito."

"Mamaya na ho may papalayasin muna ako," sabay sulyap niya sa ex.

"Manang masarap ba ang mga 'yan?" baling nito sa matanda.

"Naku oo naman hijo! Halika tikman mo bilis!" hila ito ng matanda sa kamay.

"Sige ho ba!" 

Nagtungo ang dalawa sa kusina at naiwan siya sa sala.

"Grrrrrr!" 

Wala naman siyang ibang magawa kundi ang sumunod.

Pagdating doon ay nakalatag na ang mga paborito niyang dessert gaya ng buko salad, mango float. 

Inabutan niya ring kumukuha ng plato ang dating kasintahan.

'Kapal!'

"Hmp!" ismid niya saka tumikim.

Tahimik ding kumuha ng buko salad si Gian.

"Hmm, ang sarap nito manang!" 

Natawa ang matanda. "Sus kung makapagsalita ka parang hindi ka bilyonaryo."

"Hmm, walang biro masarap po talaga."

Tahimik siya habang tikwas na naman ang kilay.

'Oo nga pala bilyonaryo na itong hinayupak na ito.'

"Nga pala manang, kumusta naman si lolo?" Hindi nakatiis na usisa ng dalaga.

"Hayun, galit palagi paano ba naman kasi nandoon na ang anak ni Isko."

Natigil sa pagkain ang dalawa. 

"Si Isabel?" agad uminit ang kanyang dugo sabay talim ng tingin sa ex.

"Ano hong nangyari?" si Gian.

"Hayun nakakulong sa quarter's maid, nagsisi naman daw na kung alam lang daw na buhay ang ama ay hindi niya raw magawa 'yon."

"Walang hiya siya!" gigil na ibinagsak niya ang kutsara sa mesa. 

"Manang pupunta ako ng mansyon ngayon gusto kong makita ang babaeng 'yon."

"T-talaga hija? Hindi kaya nabibigla ka lang?"

"Tama si manang, kumalma ka para makapag-isip ng mabuti."

Humagkis ang kanyang tingin sa dating nobyo. "Ang sabihin mo kumakampi ka diyan sa babae mo!"

"Hindi ko babae si Isabel, ikaw lang ang nagpupumilit na may relasyon kami."

"O hindi ba fiancee mo siya?"

"Kunwari lang 'yon alam mo naman hindi ba?"

"Ayaw kong makipag-usap sa'yo manang palayasin mo nga 'yan!" utos niya at nagtungo sa sala bitbit ang pagkain.

"S-sandali pupuntahan mo ba si Isabel?" alanganing tanong ni Gian.

"PAKIALAM MO!" 

---

"Tay kailangan nating makatakas dito, papatayin tayo ng mga 'yon." Inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng kinaroronan. Madali lang namang makalabas dito ang problema ang pagtakas sa buong lugar na hindi sila makikita.

Puno ng CCTV ang mansyon.

"Hindi mangyayari 'yon, pinoprotektahan tayo ni Gian."

"Si Gian oo! Pero si Ellah? Hindi kayang kontrolin ng lolo niya 'yon eh! Demonyo ang babaeng 'yon 'tay muntik na niya akong mapatay noon!" Nagpalakad-lakad siya sa harapan ng ama.

"Isabel pwede ba, pati ako natataranta sa'yo. Magtiwala na lang tayo kay Gian." 

"Wala na siyang magagawa kapag si Ellah ang umatake! Binaril kayo ni don Jaime bakit parang wala lang sa inyo?" 

Hindi na siya mapapalagay at panay ang kumpas ng kamay habang kaharap ang ama.

HIndi niya maintindihan kung bakit kinakabahan talaga siya ngayon na para bang may hindi magandang mangyayari.

"Kailangang kong makaalis dito, babalikan ko kayo kapag maayos na ang lahat."

"Isay anak, mas ligtas tayo dito, ngayong nakipagsalamuha ka na sa mga Delavega mas delikado ka. Dito na lang tayo."

"Hindi tayo ligtas 'tay. Hindi ako paliligtasin ng babaeng 'yon!"

"Mas mapanganib sa labas-"

"Shhh!" senyas niya sa ama saka tumahimik.

Naputol ang sinasabi ng ama nang may marinig siyang tunog mula sa labas. 

Bumukas ang pinto at iniluwa ang isang lalake.

"Labas!"

Hinawakan niya ang ama ng mahigpit at kabadong hinarap ang lalake.

"Bakit anong kailangan mo?"

"Nandito ang unica hija ni don Jaime na si Ms. Ellah at gusto kang makita."

Nagkatinginan sila ng ama. 

"Hindi pwede, kung gusto niya siya ang pumunta rito!" mariin niyang tugon.

Biglang hinila nito ng malakas ang kanyang braso.

"Sandali! Huwag ang anak ko! Anong gagawin ninyo!" akmang lalabas si mang Isko nang itulak ito papasok ng tauhan. 

Muntik nang matihaya ang matanda.

"Tay!" nagpumiglas siya ngunit malakas ang pagkakahatak. 

"Sumunod ka na lang!"

"Anak! Anong gagawin-" isinarado nito ang pinto at kinaladkad siya patungo sa mansyon.

"Bitiwan mo ako!" galit na nagpumiglas si Isabel ngunit hindi makawala.

Hanggang sa tuluyan na silang makapasok at inabutan ang nakatalikod na babae.

Kumabog ang kanyang dibdib. 

Porma pa lang umahon na agad ang kanyang dugo.

"Ms., nandito na siya." Biglang inipit ng lalake ang kanyang dalawang kamay sa likuran at kinabitan ng posas.

"Hayop!" sigaw niyang nakatitig sa tauhan.

Humarap ang tinawag at agad nag-apoy ang mga mata nito sa galit. Hindi siya nagpatinag.

Kung may kasalanan siya rito may kasalanan din ito sa kanya.

"Iwan niyo kami," malamig nitong utos na agad sinunod ng mga tauhan. 

"Hindi ko inakalang makikita pa kitang buhay matapos mong makipagsabwatan sa kalaban."

Hindi siya umimik.

"Masyado kang maswerte na binuhay ka pa ng isang don Jaime gayong sagad ang kasamaan mo!" 

Bigla nitong pinisil ang kanyang panga gamit ang isang kamay. 

"Alam mo bang gusto kitang patayin ha?" 

Ngumisi siya. "Hindi mo magawa dahil duwag ka!" Tinadyakan niya ito sa sikmura na ikinatumba. Namilipit sa sakit si Ellah.

Natigilan siya at mas lalong kinabahan. 

Bagamat nagulat ay tumayo ito at biglang lumipad ang kamao deretso sa kanyang mukha.

Parang mahihilo siya sa lakas ng suntok na ikinatumba niya. 

Nagpumilit siyang makabangon subalit hindi magawa dahil sa nakaposas na mga kamay.

"Walang hiya kang punyeta ka!" 

Pinagsisipa siya nito sa tagiliran kaya tumihaya siya upang masangga ito subalit ang kanyang sikmura naman ang tinadyakan tila mapugto ang kanyang hininga at napadaing siya sa sakit. Halos bumaon ang takong nito sa kanyang sikmura.

Pinigilan niya ang paghinga upang hindi maramdaman ang sakit.

"Demonyo! Kapag nakawala ako rito babalikan kitang hayop ka!" puno ng poot na singhal niya.

"Iyon ay kung makawala ka pa!" Patuloy ito sa pagsipa. "Kahit kamatayan mo hindi kayang bayaran ang pagkamatay ng mga magulang ko! Mamatay na kayo!"

"TAMA NA 'YAN!"

Kumabog ang kanyang dibdib sa narinig na sigaw.

Pinilit niyang lumingon at nakitang hawak ni Gian si Ellah sa magkabilang braso at inilayo sa kanya.

"Bitiwan mo ako! Ipagtatanggol mo ba 'yang babae mo ha!"

Nilingon siya ni Gian. "Isabel umalis ka na!"

Marahan siyang bumangon at sinikap na makatayo. Nang magawa ay marahan siyang naglakad palayo.

"Babalikan kitang demonyo ka!" sigaw niya bago lumabas.

"Papatayin kita!"

"Ellah please!" si Gian na binitbit ang nagwawalang apo ng don.

"Pinatay niya ang mga magulang ko! Kulang pa ang naranasan niya dapat mamatay rin ang kanyang ama!"

Sinikap niyang makabalik sa kinaroroonan ng ama ngunit biglang may humawak sa kanyang braso.

Paglingon niya ay agad uminit ang kanyang dugo.

"Anong ginagawa mo?" asik niya rito. 

Tumalim ang tingin nito sa kanya.

"Anong sinabi mo sa mga Delavega ha Isabel?" Humigpit ang kapit nito sa kanyang braso.

"Aray! Bitiwan mo ako Villareal, anong pakialam mo sa ginawa ko?" 

Iwinaksi niya ang kamay subalit hindi siya  pinakawalan.

"Dahil sa'yo namatay si Warren, dahil sa'yo! Dahil sa katrayduran mo!" Halos bumaon ang kuko nito sa kanyang laman na mas lalo niyang ininda.

Itinaas niya ang noo at sinalubong ang matalim nitong titig. 

"Ikaw ang may kasalanan nito! Ikaw! Kung hindi mo kami pinahamak ni tatay wala sana kami rito ngayon! Hindi sana namatay si Warren lahat ng ito Gian kasalanan mo! Naiintindihan mo!" 

"Ikaw ang may kasalanan nito! Kung hindi ninyo pinatay ang mga magulang ni Ellah hindi ito mangyayari sa inyo!"

"Wala kaming kasalanan! Ang kapatid ko ang gumawa hindi kami!"

"Paulit-ulit tayo Isabel! Ano ang sinabi mo sa mga Delavega!" sigaw na nito na ikinaigtad niya.

"ANO! PUTA MAGSALITA KA!" 

Kinabahan siya sa nakikitang poot sa anyo ng binata.

"Kapag hindi mo sinabi ang totoo tinitiyak kong una kang mamamatay!"

Nanlaki ang kanyang mga mata at nahintakutan alam niyang hindi nagbibiro ang lalaking ito.

"S-sinabi kong alam kong buhay ka pero hindi ko sinabi ang tungkol kay Acuesta. Isa pa tumiwalag na ako iniwan ko na sila hindi ko tinanggap ang isang bilyon na ibinigay nila."

Nagtiim ang bagang ng kausap bago tumingin sa kawalan. "Binigyan mo sila ng ideya kaya nanganganib na ngayon si don Jaime at Ellah."

"Ellah! Puro na lang Ellah!"

Humagkis ang matalim nitong tingin. "Huwag mo akong artehan ng ganyan Isabel dahil baka hindi mo alam ikaw ang papatay sa ating lahat!"

Natahimik siya at tumingin sa kawalan.

"Hindi ko alam na buhay si tatay, hindi sinabi sa akin kasalanan ko ba kung hindi ko alam? Kasalanan ito ng mga hayop na 'yan. Hindi ako magtatraydor kung sinabi lang nila."

"Tangina mo! Dapat magpasalamat ka pa nga at binuhay ang ama mo! Kung hindi lang naawa si don Jaime patay na kayo matagal na!" Patulak siya nitong binitiwan.

Nagtagis ang mga bagang na tumahimik si Isabel.

"Huwag mong tangkaing tumakas dito dahil kapag nangyari 'yon bilang na ang araw mo. Binangga mo ang mga Delavega sa oras na umalis ka sa poder ng mga Lopez tatapusin ka nila naintindihan mo?"

Hindi siya kumibo at buo ang desisyong aalis.

Iniwan siya nito kaya sinundan niya ng tingin hanggang sa mawala.

"Kasalanan mo ito kuya! Kasalanan mo!" hinagpis niya nang tumulo ang mga luha.

---

"LOLO! BAKIT BUHAY PA ANG BABAENG 'YON! "

Dinig ni Gian ang singhal ni Ellah sa abuelo mula sa terasa ng mansyon.

"Kailangan ko pa sila." 

"Anong kailangan? Kailangan mo ang mga kriminal na 'yon!"

Hindi na kumibo ang don kaya lumapit siya. 

"Don Jaime."

Napalingon sa kanya ang mga ito.

"Gian ikaw pala?" 

Sinulyapan niya si Ellah na hindi na muling lumingon pa. 

"Nasaan na si Isabel?" 

"Pinabalik ko na ho sa quarters." 

"Gano'n ba?" 

Tumalim ang tingin ni Ellah sa abuelo. 

"Kung gusto niyong magkaayos tayo patayin niyo babaeng 'yon!" tumakbo ito palayo.

"Ellah!" singhal ng don.

Tumayo ito na agad inalalayan ng kanang kamay.

"Ako na ho ang kakausap don Jaime," mabilis niyang saad saka hinabol ang apo ng don.

"Saan ka pupunta?" sita niya. 

"Pakialam mo!" 

"Look, hindi ka ba naawa kay Isabel? Ginulpi mo 'yong tao. Muntik mo ng mapatay!" 

Humagkis ang tingin nito sa kanya na ikinalunok ng binata.

"Maswerte siya dahil may ama pa siyang natira eh ako? Wala kahit isa. Mas nakakaawa pa pala siya kaysa sa akin gano'n ba Gian?" 

Nahahabag na pinagmasdan niya ang mapait na ngiti ng dalaga. 

"It's not what I mean-"

"Kaya pala hindi mo maamin kung sino ang mga kriminal ano? O 'di sige! Ipagtanggol mo ang babae mo!" Pagtalikod nito bigla niyang hinablot sa may siko kasabay ng biglang pananampal nito.

Agad uminit ang pisnging tinamaan ng palad ni Ellah.

Nagtagis ang kanyang bagang dahil hindi siya nito nauunawaan. Umangat ang kanyang tingin para manumbat pero naumid siya nang makita ang pagtulo ng mga luha nito na mabilis ding pinahid ng kamay.

Hanggang sa makaalis ang dalaga ay hindi na niya nagawang pigilan pa.

Tinungo niya ang maids quarter na kinaroroonan ng mag-ama.

Malayo pa lang ay dinig na niya ang panangis ng isang babae na sigurado siyang si Isabel.

"Ayoko na rito! Muntik na akong mapatay ng babaeng 'yon! Aalis ako 'tay! Bahala kayo kung ayaw ninyo!"

"Isabel! Bumalik ka rito!" habol ng ama.

Bumukas ang pinto at natigilan ito nang makita siya.

"Hindi mo na ba pinahahalagahan ang buhay mo ha!"

"Kaysa mamatay ako sa punyetang babaeng 'yon mas mabuti pang mamatay sa kamay ng iba!" Tumakbo ito at hinabol ng ama.

"Isabel anak! Gian parang awa mo na ibalik mo siya rito parang-awa mo na!"

Mabilis namang pinigilan ng ibang tauhang nakakakita si mang Isko. 

"Pasok tanda!" Ibinalik ito sa loob saka kinadato ang pinto.

Hindi na siya nag-isip at hinabol na lang ang babae hanggang sa makarating sa mansyon.

"At saan ka pupunta?"

Biglang tigil si Isabel nang sumalubong ang mga de kalibreng armas ng mga tauhan ng don.

Napalingon ito sa likuran at nag-abot ang kanilang tingin.

"Bumalik ka," matigas niyang utos.

"Patayin niyo na ako ngayon kaysa mamatay ako sa kamay ng mga demonyo!" sigaw ni Isabel.

Nagkasahan ang mga tauhan ng mga baril. Mabilis siyang lumapit.

"Ibaba niyo 'yan," matatag na utos ng binata.

Tumingin ang mga ito sa kanya bago sa kanyang likuran.

Naroon ang don kasama ang kanang kamay.

"Hayaan niyo siya kung gusto niyang mamatay sa kamay ng iba."

"Don Jaime," sambit niya at mabilis itong nilapitan.

"Tama na ang awa Gian, malalim na ang hinanakit ng apo ko sa akin dahil lang sa pag-unawa ko sa'yo at sa mga 'yan."

Sa pagkakataong ito ay hindi na siya makakibo pa.

"Hayaan niyo siyang lumabas, buksan ang gate!"

Agad tumalima ang mga gwardya at mabilis tumakbo palayo ang babae.

Wala na siyang nagawa kundi ang pumikit.

"Hindi ko na alam kung paano pababalikin ang loob ng apo ko sa akin Gian. Ngunit hindi ko pa rin sinunod ang kanyang gusto na patayin ang 

babaeng 'yon. Ang magagawa ko lang ay paalisin dito at nang hindi ako kamuhian ng apo ko."

"Gagawa po ako ng paraan para magbalik si Ellah sa atin don Jaime."

"Salamat sa tulong, hindi ko na kasi alam kung alin ang uunahin ko, kung ang apo ko o ang kalaban."

---

"Yes Mr. Kang, of course, that's great! Thank you! I will! " Nakangiting tinapos ni senior Roman ang pakikipag-usap sa cellphone.

Kabaligtaran naman sa anak niyang panay ang bulyaw sa mga tauhan.

"Ang tatanga! Ang bobo ninyong mga hinayupak kayo!" tinadyakan nito ang pinakamalapit na agad tumimbuwang.

Nagngangalit ang mga pangang sinigawan niya ang anak.

"Ano na naman bang gulo ito Xander!" 

Humagkis ang tingin nito sa kanya. 

"Dad hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap ang putanginang Isabel na 'yan."

"Aanhin mo ba siya? Hindi siya ang kalaban. Ang sabi mo ang Villareal na 'yon ang uunahin mo nasaan na? Puro ka dada walang gawa!" Sa galit ng senior ay kinwelyuhan niya ang anak ngunit mabilis ding binitiwan.

"Dad, kapag tinira natin ang Villareal na 'yon sa pamamagitan ng medya, malalaman niya at makakapaghanda siya sa plano natin. Iibahin ko ang target, itong may alam muna ng tungkol sa kanya ang uunahin ko at pagkatapos isusunod ko ang demonyong 'yon."

"At ano ang plano?"

"Gagamitin ko ang medya, sisiguraduhin kong walang kawala ang babaeng 'yon. This time I won't fail."

"O siya! Huwag muna 'yan, ito munang unahin natin, darating sa linggo ang shipment mula Beijing, paghandaan natin 'yon ng husto."

Unti-unting napangisi ang anak. 

"Magaling dad!"

"Ikaw ang palaging palpak!" singhal niya.

Humalakhak ito.

Natigilan ang senior. Tila kinilabutan siya dahil minsan, minsan lang talaga niya naririnig na tumawa ang anak.

---

Napatiim ang bagang ni Gian habang umiinom ng alak.

Alam niyang sinisisi siya ng don ngunit hindi lang nito maisatinig.

Alam niyang kulang nalang sabihin nitong kasalanan niya ang lahat.

Hanggang sa makauwi ng tahanan kanina ay halos wala sa sarili ang binata.

Pinag-iisipan niya ang lahat nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Nang tingnan niya kung sino ang tumawag ay saglit siyang natigilan.

"Roman?" Hindi siya nakangisi dahil wala naman ito sa kanyang harapan. Hindi niya kailangang magkunwari.

"Mr. Acuesta, I have good news for you!" 

"What is it?"

"Tumawag ang mga kasamahan ko sa grupo at ang sabi ay sa linggo ang shipment nila. Ibig sabihin may pitong araw tayo ng paghahanda."

Natahimik siya at nag-umpisang kumabog ang dibdib.

"Ang maganda pa ay kasabay naman  dito sa atin, magpapalitan ng produkto sa darating na linggo!"

"Kaliwaan?"

"Yes! Nadale mo. Malaking transaksyon ito kaya nakahanda na ba ang mga koneksyon mo?"

"Of course, they are always ready Roman."

"That's good! Iyan ang gusto ko sa'yo eh, lagi kang handa. Paano magkita na lang tayo linggo ng gabi?"

"Sure, darating ako."

"Good. Maasahan ka talaga, " anang kausap sabay halakhak.

"Of course Roman, trust me."

Tumawa ito bago pinatay ang linya.

Tumiim ang kanyang tingin sa kawalan.

Huminga ng malalim bago nagpasyang tawagan ang pinsan.

"Anong balita?" bungad ni Hendrix sa kabilang linya.

"Humanda kayo, sa darating na linggo ang pinakamalaking magaganap na palitan ng produkto."

"Sigurado ba 'yan?"

"Sa kalaban mismo nanggaling ang impormasyong 'yan. Sigurado 'yan," mariin niyang wika.

"Mabuti, ipapaalam ko sa Interpol, tinatanong nga pala nila ano raw ba 'yan inumin na ang manggaling sa ibang bansa o hindi pa?"

"Hindi pa, dito na lang gagawing inumin, timplada na 'yan tubig na lang ang kulang."

"Ang galing ano? Kapag nainom na ito ng karamihan maaadik na sila?"

"Hahanap-hanapin na daig pa ang ginayuma."

"Ang galing ng utak!"

"Kapag may nakalusot niyan dito tapos tayo."

"Hindi mangyayari 'yon, nakahanda na sila anumang oras, ngayong ipinaalam mo na kung kailan sisiguraduhin naming hindi makakarating ng Pilipinas."

"Salamat Hendrix."

"Wow! Amazing! Tama 'yan magpasalamat ka hindi puro pamba black mail." 

Napangiti siya bago pinatay ang linya.

Pagkuwan ay ang kaibigan naman ang tinawagan.

"Gian pare kumusta? Nagkaayos na ba kayo ni Ellah?"

Naalala niya ang galit na galit nitong anyo sa mansyon. 

Hindi muna siya magpaparamdam hahayaan niyang kumalma ito kahit paano. 

"Malapit na," malamig niyang tugon.

"May problema ba pare?" seryoso ng tanong ni Vince.

"Kailangan ko ng tulong pare. May pinakamalaking shipment ng droga na darating sa bansa ngayong linggo."

"Lintek! Paano mo nalaman?"

"Kausap ko mismo ang kalaban, pare ito ang pinakamabigat na misyon kaya kailangan ko ng tulong ninyo ni Chief Romero."

"Ipapaalam ko agad pare."

"Magkita tayo, pupunta akong Pagadian bukas."

"Tatanggihan ko ang misyon ko para dito pare."

"May misyon ka?"

"Maliit lang."

"Kailangan ko ng tulong pare. Mabigat ang kalaban."

"Asahan mo pare, hindi kita bibiguin."

"Salamat."

"Nga pala, kumusta na si Ellah? Ano wala bang alibyo?"

Natawa siya. 

"Alibyo? Abnoy ka talaga. Hayun, nililigawan ko ulit, hindi bale malapit ko ng mapasagot 'yon." 

"Tama' yan at nang lumigaya ka naman."

Tumawa ang kaibigan. 

Huminga siya ng malalim at sumeryoso. 

"Pitong araw pare, pitong araw mula ngayon."

"Kakayanin natin pare, wala tayong hindi kakayanin kapag magkasangga tayo."

"Tama ka pare, magtatagumpay tayo. Pangako huli na 'to. Pagkatapos nito haharapin ko na ang iba pang obligasyon ko."

"Oo, 'yong mga negosyo mong pinagbibili kailangan mo ng harapin 'yon."

"May mga tauhan naman akong nagbabantay doon, ayos lang 'yon."

"Sabagay, ang mahalaga ay itong misyon."

"Salamat sa tulong pare."

"Wala 'yon, basta para sa'yo pare, iiwan ko lahat ng misyon."

Nagpasalamat siya bago ibinaba ang cellphone.

Pitong araw ang kailangan upang mapabagsak ang kalaban at bukas ang umpisa.

Bukas na ang simula ng tagumpay!

---

Mag-isang kumakain si Ellah sa loob ng tirahan niya.

Tahimik ang buong bahay. 

Naroon naman siya sa sala nanonood sa telebisyon.

Halos wala naman sa pinapanood ang atensyon niya kundi sa nangyari kanina sa mansyon. 

Hindi siya makapaniwalang pinagtanggol ng dating nobyo ang babaeng 'yon.

Tumalim ang kanyang tingin sa pinapanood na teleserye.

Katatawanan ito ngunit naluluha siya.

'Ano pa ba ang magiging dahilan kung ipagtatanggol ng isang lalake ang babae?'

"Bahala sila! Shit" halos ihagis niya ang pinggan na wala ng laman sa mesa. 

Wala sa loob na napatingin siya sa may pintuan.

"Ayos lang naman sa akin na dalawa kami basta siya sa araw ako sa gabi."

Nagbabakasali siyang may dumating kahit wala naman

inaasahang bisita.

"Bakit ko ba naiisip ang hinayupak na 'yon?"  Umismid siya at itinuon ang tingin sa pinapanood.

Nang biglang may nag buzzer.

Kumabog ang kanyang dibdib.

"Sandali!" halos tumalon siya para lang buksan ang pinto.

Nang mabuksan ay napamaang siya sa nabungaran.

"Hi!" 

"H-Hi, Raven ikaw pala?"

"Yes, bakit parang hindi ka masaya?"

"Ha?" agad siyang ngumiti. "Of course I'm happy. Come in," aniya at niluwangan ang pinto.

"Thanks, ah flowers for you," anang lalake saka inilahad ang bouquet ng pulang rosas mula sa likuran.

"Salamat," tinanggap niya 'yon at inilagay sa mesa.

"You know what may napansin ako babe."

"Ha? Ano 'yon?"

"Hindi mo inaamoy ang bulaklak hindi ka ba mahilig sa flowers?"

Ngumiti siya bago umiling. "Ah, n-no, I mean mahilig ako, may babae bang ayaw no'n?"

"Sabagay, ano nga palang ginagawa mo?"

"Kumakain, ikaw kumain na?"

"Yup, labas tayo after?"

"Sorry, hindi pwede eh, may inaasikaso kasi akong mga documents para sa office bukas."

"Sabagay, Lunes na nga naman bukas, kaya nga ako nandito kasi baka minsan na lang kitang madalaw eh, but maybe sa office mo pwede, lunch time, tama. Sabay tayong mag lunch bukas?"

"S-sige ba."

Hinawakan nito ang kamay niya na ikinaigtad niya sabay bawi.

"Hey, you okay?"

Napaharap siya rito. Napaka presko tingnan ng nobyo sa suot na fitted shirt, black jeans at loafers.

Pinakiramdaman niya ang sarili habang nakatingin sa kamay nitong nakahawak sa kanyang kamay.

May nararamdaman siyang kilabot.

Ngunit ibang-iba ito kumpara kapag ang dating nobyo ang humahawak.

Iba talaga kapag si Gian na ang humawak sa kanya.

Tumunog ang kanyang cellphone tanda na may nag text. 

Agad niyang tiningnan kung sino at nang makitang ang dating kasintahan ay sumikdo ang kanyang dibdib.

X:

Kumusta?

Umismid siya at nag-isip ng isasagot.

'Nangumusta pa ang hinayupak.'

"I love you," ani Raven.

Nag tipa siya ng mensahe.

Pagkatapos  ma send ay hinarap ang kasintahan.

"Ano ulit ang sinabi mo?"

"Who's that?" sita nito.

"Ha? Ah, office staff lang."

Muling tumunog ang kanyang cellphone at mabilis niyang binasa ang mensahe.

X:

I love you too. 

Kumunot ang kanyang noo.

'Ba't nag-a I love you ang hunghang na 'to?'

"Abay ugok 'to ah?"

"Sino ba 'yan?" usisa na ng kasintahan.

Binasa niya ang reply kanina at nanlaki ang mga mata.

To X:

I love you.

Tila binuhusan siya ng isang drum ng yelo sa tindi ng panlalamig.

Umawang ang kanyang bibig kasabay ng isang nakakabinging tili.

"AAAHHHHHH!"

Hi po sa inyong lahat!

Kumusta?

Heto na po ang update sana ay magustuhan ninyo.

Nga pala ang Wanted Husband ay nasa Selected Filipino Stories na.

Salamat po sa inyo.

I dedicate this chapter to "mucholalabels" Thank you po.

Siya ang pinakaunang nagbigay ng review at five star pa!

Unang review na nagpatalon sa akin sa tuwa.

Ang sarap lang sa pakiramdam na makatanggap ng five star at magandang review.

Thank you po.

Keep safe every one.

God bless!

Phinexxxcreators' thoughts